FUNERAL BENEFITS CLAIM SA SSS O SOCIAL SECURITY SYSTEM, PAANO MAG-FILE ONLINE?


PAANO MAG-FILE NG FUNERAL BENEFITS CLAIM OR BURIAL BENEFITS CLAIM SA SSS O SOCIAL SECURITY SYSTEM ONLINE?


Marites: Kuya Raffy mag-pa-file ako ng Funeral Claim sa SSS para sa tatay ko, ano po ba ang mga kailangan gawin at mga kailangan dokumento?

Raffy Turo: Member ba ang tatay mo ng SSS? Member ka din ba ng SSS?

Marites: Opo kuya pareho po kaming member ng SSS.

Raffy Turo: Mabuti kung ganun dahil kailangan pareho kayo member bago makapagfile ng funeral benefit claim online. Kung wala pa user id and password, gumawa muna ng Online User ID at Password. Kung ikaw ay may USER ID and PASSWORD na, sundan ang nasa ibaba nito:

Mga kinakailangan:
1.  SSS Online Login Account - ito ay may USER ID at PASSWORD na kailangan.
2. Disbursement Account - kinakailangan naka-set na ang iyong disbursement account, dahil dito ipapadala ang pera na iyong makukuha sa Funeral benefits. 
3. Photo copy ng ID ng claimant na may 3 perma sa ibaba, scan ng mga resibo o expenses ng namatayan at katunayan na ang namatay ay member ng sss kagaya ng mga SSS ID, E1 Form etc. (ito ay pagsasamasahin na scan)

Ganito ang example na scanned documents. Dapat ay nababasa ang dokumento ng malinaw upang maiwasan ang disapproval.


PROOF OF MEMBERSHIP OF THE DECEASED PERSON

PROOF OF IDENTIFICATION CARD (PHOTOCOPY WITH SIGNATURE)
CLAIMANT

PROOF OF FUNERAL EXPENSES

Makikita sa ibaba nito ang mga picture kung paano ang actual na pag-apply ng Funeral Benefits Claim or Burial Benefits Claim sa online.

Step 1: Mag-login sa Online Account sa SSS.


Step 2: Pagkatapos mag-login, nahapin ang E-Service.

Step 3: Sa E-Service Tab, hanapin naman ang Funeral Claim Benefits. Sa Tab na ito dapat ay naka-set na ang Disbursement Account mo sa SSS. Ito ang bank account kung saan ipapadala o ihuhulog ni SSS ang makukuha mong pera. 

Step 4: Kung hindi pa updated ang inyong disbursement account. Click Update Bank Account.
Step 5: Pagkatapos mag-update ng Bank Account. Bumalik sa E-Service Tab at pindutin muli ang Funeral Claim Application. 

Step 6: Sa Funeral Claim Application. Fill-out the necessary information needed. 


Step 7:  Pagkatapos ma-fillupan ang mga kinakailangang impormasyon at mai-upload ang mga scanned documents ay pindutin ang SUBMIT sa ibaba nito.

Step 8: Pindutin ang SUBMIT button.
Step 9: I-check lang sa INQUIRY > >> BENEFITS >>> CLAIMS INFO kung ito ay active na at hintayin ang makukuhang benefits sa inyong BANK ACCOUNT.







Post a Comment

Previous Post Next Post