ANO ANG DAPAT GAWIN KUNG NAGKAMALI NG PAG-INPUT NG NAME, BIRTHDAY, BIRTHPLACE, NAME OF FATHER, NAME OF MOTHER O IBA PANG DATA SA PASSPORT APPOINTMENT?
Unang-una hindi lahat ng pagkakataon ay tinatanggap ng mga DFA offices ang ganitong problema, lalo na kung sobra dami ng mali na ang inyong nagawa sa application form. Kung kaya't iwasan magkamali upang hindi na humantong sa pagkakaroon ng aberya sa inyong application.
SA CONFIRMATION APPOINTMENT - Tingnan kung tama lahat ang nakalagay sa form. Kung may nakita kayong maling impormasyon, ganito po ang dapat gawin:
ONLINE APP FORM
Ang Online App Form o tinatawag ng karamihan na Correction Form. Kailangan ninyo gumawa o mag-fillup sa site nito para itama ang mga maling impormasyon sa naunang application form online.
Pumunta sa https://onlineappform.passport.gov.ph/ - Ang online appform na ito ay kahalintulad ng ONLINE PASSPORT APPOINTMENT ng DFA ngunit ito ay isa sa solution sa mga nagkaroon ng maling datos para sa online appointment confirmation. Mas tinatawag ko itong correction form. Lahat ng ilalagay sa form na ito ay dapat ay tama at walang mali.
CORRECTION FORM OR ONLINE APP FORM
Step 1: Pumumunta sa https://onlineappform.passport.gov.ph/
Step 2: Piliin kung ano ang inyong application type. NEW, RENEW or LOST
Step 3: Lagyan ng tamang impormasyon sa parte ng iyong personal information. Siguraduhin na tama ang spelling ng mga ito.
- CONFIRMATION APPOINTMENT FORM
- CORRECTION FORM
- REQUIREMENTS
- VALID ID