TIPS KUNG PAANO MAKAKAKUHA NG APPOINTMENT SCHEDULE SA PASSPORT ONLINE

HOW TO GET PASSPORT APPOINTMENT ONLINE?
PAANO KUMUHA NG PASSPORT APPOINTMENT ONLINE?

Ito ay ilan lamang sa mga Tips mula sa akin at sa aking karanasan kung paano tayo makakakuha ng Passport Appointment Online. Anu-ano ang mga dapat natin gawin at mga paraan para magawa ito. Kung makikita po natin na talagang pahirapan makakuha ng mga slot para sa passport appointment at halos walang slot na nakikita, ngunit huwag mawalan ng pag-asa na hindi makakakuha nito kagaya ng ibang nakakakuha ng slot ay kaya ninyo din sa inyong sariling paraan. Hayaan niyo na ituro ko ito sa inyo. Bago ang lahat talakayin po muna natin ang iba't ibang imahe na ipapakita ko sa inyo. 


  • Kung titingnan po natin na may nakikita kayong imahe na kagaya sa ibaba na wala tayong makikitang slot dahil naka-lock ito o naka-disable ng DFA. Ibig sabihin lamang nito na huwag tayo magpaka-abala muna sa paghahanap dahil mauubos ang bawat oras natin kung maghahanap tayo oras-oras. 


Kung ganito ang makikita ninyo. Ang tamang paghahanap ng slot ay magsimula sa 6:00am at kung wala pa, ang susunod na oras sa pagtingin ay 12:00nn at ang pangatlong oras ay 6:00pm.  Gawin lamang ito araw-araw o sa tuwing ikalawang  araw. 

Pagkatapos ng naunang imahe at muli kang nag-check ng schedule at nakita mo ang imahe na nasa ibaba nito.


Kung ganito ang naabutan mo at madaming slot na nakita. Agad na kumuha ng slot upang hindi maubusan. At kung ang picture na sumusunod dito ang nakita mo naman at puno ng kulay pula ang mga date ibig sabihin na fully booked ang slot.


Ibig sabihin lang na nasa taas na imahe ay nagbukas na ang slot at may mga nauna na sa inyong nakakuha na mga slot. Pero ito ang mahalaga na dapat ninyong malaman. Sa mga maraming bihasa sa pagkuha ng passport kaya nauubos ang slot sa inyong paningin ay dahil marami silang ginagawang TAB sa browser nila at kinukuha ang mga slot para ireserve ng panandalian para sa kanilang pangangailangan, kaya halos nakuha na nilang lahat ang slot. Pero huwag mag-alala dahil dapat kang maghintay ng ilang mga minuto o oras para makapaghandang makakuha ng slot. Ang slot ay tumatagal lamang ng 20 minuto para iyong maireserve. At kusang inilalabas ni DFA sa loob ng eksaktong oras (1:00 - 2:00 - 3:00 - 4:00 - 5:00 - 6:00 - 7:00 - 8:00 - 9:00 - 10:00 - 11:00 - 12:00). Gumamit ng alarm kung gustong magkaroon ng pahiwatig na nalalapit na ang tamang oras.
  • Bumabalik ang mga slot sa tamang oras at ikaw ay maari ng makakuha ng slot. Kung mangyari ito ay kumuha na agad ng inyong schedule para hindi na muling maubusan ng slot. 










Post a Comment

Previous Post Next Post