ANG TATLONG MAGKAKAPATID NA AHAS - KATHANG KWENTO

  ANG TATLONG MAGKAKAPATID NA AHAS


           Noong unang panahon, sa malayong gubat ay may nakatirang tatlong magagandang dalaga, sina Shiela, Shelanie, at Shena. Si Shiela ang pinaka matanda sa kanilang tatlong magkakapatid, si Shelanie naman ang pangalawa, at Si Shena ang bunso. Ubod ng kagandahan at katalinuhan ang tatlo subalit kilala sila sa kanilang bayan na ang  ugali ay ubod ng sama.


Isang araw nagpasya and tatlong dalaga na pumunta sa malapit na baryo upang tumingin ng mga prutas at gulay, habang sila ay naglalakad at nagkukwentuhan ay may nakasalubong silang matandang babae na mukhang gutom na guton at uhaw na uhaw.


Nagtanong ito sa mga dalagang nakasalubong "Mga magagandang dalaga maari ba ninyo akong bigyan ng pagkain o tubig man lang?, nauuhaw at nagugutom na ako" tanong ng matanda sa tatlong dalaga.


"Bakit ka naman namin bibigyan?" Ang sagot ni Shena sa matanda "Tama! baka may dala kapang sakit, tumabi ka nga sa aming daraanan!" Sabay tulak sa matandang babae ni Shiela na dahil sa lakas ay napahiga ito sa lupa. 


"Tara na mga kapatid hayaan na natin siya" sabi ni Shelanie at sila ay tumatawang umalis na. Hindi pa sila nakakalayo ng biglang may liwanag na lumitaw sa kanilang harapan, nasa harap nila ay Diwata! Nagkatinginan ang tatlong dalagang magkakapatid. Ang Diwata palang ito ay ang kausap nilang matanda kanina na binastos nila. Galit na galit ito sa tatlong dalaga.

 

"Hindi ko gusto ang pagtrato ninyo sa akin kanina!", wika ng Diwata. Kayo ay binigyan ng kagandahan at talino ngunit hindi maganda ang inyong mga ugali! At dahil diyan paparusahan ko kayo!!, Katatakutan kayo ng mga tao at hindi kayo lalapitan, maghihirap kayo at gagapang sa lupa, biglang nagliwanag ang paligid at unti-unti nilang naramdaman na may pagbabago sa kanilang katawan. Unti-unting  nagiging ahas ang kanilang mga katawan. Nataranta ang tatlo at dahil wala na magawa ang tatlo humihingi sila ng tawad sa diwata, lumuha at nagsisi man sila ngunit huli na.  Tuluyan ng naglaho ang Diwata. Ngunit bago pa umalis ang diwata ay may binulong sa hangin na hindi naririnig ng tatlong dalaga "Hangga't di kayo nagbabago ng ugali, hindi kayo makakabalik sa dati".

        Dahil sa takot na may makakita sa kanila, pumunta ang magkakapatid na ahas sa kagubatan at dito habangbuhay na nanirahan. Kailanman ay hindi na nakitang muli ang tatlong ahas. 


Aral: Laging maging mabuti sa iyong kapwa, huwag maging mapagmataas at laging mapagbigay.


Post a Comment

Previous Post Next Post