"PAKSA: GUMAWA NG SARILING GAWANG PABULA"
ANG ARAL NI
TINA
Isang araw sa hardin ng palasyo na pinamumunuan
ni Haring Diego, nakatira ang isang napakagandang pusa na nag-ngangalang Tina.
May mapuputi at makikintab na balahibo si Tina. Dahil sa kanyang kagandahan,
maraming nanliligaw sa kanya. Isang araw, habang siya ay kumakain ng meryenda,
may nakatagpo siyang isang aso. Lumapit ang madungis na aso sa kanya at sinabi,
“Magandang araw magandang binibini. Maaari ba akong humingi ng kaunting pagkain
dahil ako’y gutom na gutom na?” Biglang umasim ang mukha ng pusa. “Alam kong ako’y
maganda. Hindi ko naman tinatanong kung nagugutom kaba o hindi, at saka gutom
din ako, kulang pa ito sa akin. Kaya’t hindi kita mabibigyan ng pagkain. “Taas noo’t
kilay na sabi ni Tina. Nanlumo ang aso habang ang pusa ay sarap na sarap sa kanyang
kinakaing tilapia.
Hindi alam ni Tina naangaso ay nagbabalat-kayo
lamang. Isa rin pala siyang pusang nagngangalang Prinsipe Marlou na naghahanap
ng mapapangasawa. “Akala ko ika’y magandang pusa na may mabuting kalooban.
Nagkamali pala ako. Makasarili ka! Wala kang awa sa iyong kapwa, “ani Prinsipe Marlou.
Matapos sabihin ng Prinsipe ang mga katagang
iyon ay nagpatuloy na siya sa paglalakbay at iniwan si Tinang gulat at wala sa sarili.
Aral: Huwag mapanghusga sa kapwa dahil lamang sa itsura
nito.