PAANO KUMUHA NG LUCKY NUMBER SA PUZZLE

ANO NGA BA ANG STL? 

Ang STL o SMALL TOWN LOTTERY ay isa sa lottery game na pinagkakaabalahan at ginagawang aliwan ng mga tao. Tumataya sila rito dahil nagbabakasakali na sila'y tumama maliit man o malaking halaga. Sinasabi ng iba na swertihan daw ang pagtama dito, subalit ang iba naman ay gumagamit ng "LIGAHO" na kung saan tinitingnan nila ang mga numerong tumama sa isang bola at inihanap nila ng katumbas na numero sa isang ligaho.

TIPS KUNG PAANO NGA BA KUMUHA NG LUCKY NUMBER SA PAMAMAGITAN NG PUZZLE?


Itong  PUZZLE na ito na aking ipapakita sa inyo at masusundan ninyo ay maari kayong makahagip ng mga numero na may posibilidad na tumama. Sa una ay mahirap na intindihin, ngunit kung mapag-aaralan ninyo ng mabuti at maayos, ay magiging madali na para sa inyo amg paghahanap ng magka-combine na numero.

Narito at ituturo ko sa inyo kung paano pumili o kumuha ng numero mula sa puzzle.

Step 1. Dapat alamin natin kung saan kumukuha ang kasalukuyang tumama sa mga nakaraang tumama. Kung paano gawin tingnan natin ang larawan sa ibaba. Ito ang tinatawag na ligaho.


Step 2. Magbibigay ako ng ilang ideya kung  saan kumukuha ng mga numero, ngunit ito ay isang example lamang. Kayo pa din ang mag-aral kung saan saan kumukuha ang bawat isa ng numero. Makikita ninyo sa ibaba na naglagay ako ng arrow na sa palagay ko ay doon kumukuha ng numero.


Step 3. Sa Puzzle na ibibigay ko, dito ako kumukuha ng numero. Pipili kayo sa nga tumamang numero na malapit sa kanila mula sa una hanggang sa ikatlong layo.  Tingnan at pag-aralan ang ginawa ko. Ang 21 ay malapit sa 34. ang 1 ay malapit sa 37. Ang 10 ay malapit sa 04. Ang 15 ang bumilang ng tatlong beses na layo hanggang sa 37. Ang 37 ay nalalapit sa 16. Sa madaling salita kukuha tayo ng numero malapit sa mga tumama. Nais ko lang ipabatid na hindi sa lahat ng oras na ito ay masusunod. Ngunit magiging isang tulong ito at lalo na sa ating mga manlalaro ng STL na hindi mahirapan pumili ng numerong gusto nilang tayaan. 

Sana ay inyong lubos na magustuhan ang ibinigay kong isang PUZZLE para makatulong sa inyo.


Post a Comment

Previous Post Next Post