Translate

VERIFY PAGIBIG MID NUMBER ONLINE AND VERIFY THRU TEXT MESSAGING

PAANO I-VERIFY ANG PAG-IBIG MID NUMBER ONLINE?

Ang Pag-IBIG MID Number Verification Online ay isang madali at ligtas na paraan para malaman o mahanap ang iyong Pag-IBIG Membership ID (MID). Sa tulong ng Virtual Pag-IBIG website, maaari nang ma-access ng mga miyembro ang kanilang impormasyon kahit saan at anumang oras. Kung ikaw ay nakalimot sa iyong Pag-IBIG Number o nais lamang i-verify ito gamit ang iyong RTN (Registration Tracking Number), narito ang gabay para sa iyo o step-by-step at opisyal na paraan mula mismo sa Pag-IBIG Fund.

Mga kailangang impormasyon sa pag-verify:

  1. Pag-IBIG RTN (Registration Tracking Number) – makikita sa iyong registration form.

    Pag-IBIG Registration Tracking Number Sample
  2. Last Name – ayon sa record ng Pag-IBIG.
  3. Birthday – kailangang tumugma sa record para lumabas ang iyong Pag-IBIG MID Number.

PAANO, SAAN, AT ANO ANG TAMANG PARAAN NG PAG-VERIFY?

Ilalagay ang mga sumusunod na detalye:

  • Registration Tracking Number
  • Last Name
  • Date of Birth
Pag-IBIG MID Inquiry Form Sample

Pagkatapos ilagay ang lahat ng kinakailangang impormasyon, pindutin ang Submit. Lalabas ang iyong Pag-IBIG Membership ID. Isulat ito sa iyong form o i-download ang form mula sa website ng Pag-IBIG kung wala ka pa nito.

2ND OPTION: VERIFY VIA TEXT MESSAGE

THIS IS HOW TO VERIFY YOUR PAG-IBIG NUMBER THROUGH TEXT:

Type the following format:

IDSTAT <space> [RTN] <space> [Birthday MM/DD/YYYY]
Example: IDSTAT 912867418224 09/24/1983

Send to 0917 888 4363 (GLOBE / TM)
or 0918 898 4363 (SMART / TNT / SUN)

1 Comments

Previous Post Next Post