SSS TEMPORARY STATUS TO PERMANENT STATUS PROCEDURE

 SSS TEMPORARY STATUS TO PERMANENT STATUS


Anu nga ba ang SSS Temporary Status to Permanent Status? 

Temporary Status - Ito ang mga bagong applikante na kumuha ng SSS Number na hindi pa nakapagpasa  o nakakapagpasa ng mga kailangang  dokumento o requirements. Bagamat ito ay SSS number na mismo ng miyembro, dahilan ito para hindi ka agad makakuha ng mga benepisyo mula sa SSS sa oras na ikaw ay maging kwalipikado na.  

Permanent Status - Kung nakapagpasa ka ng hinihinging suportang dokumento sa pagkakuha ng SSS number. Ikaw ay kwalipikadong magamit ang mga benepisyo sa SSS, ito ay sa oras na maabot ang kinakailangan buwan na naihulog o kwalipikado para sa benepisyong ibinibigay.

 

PAANO ITO GINAGAWA SA ONLINE GAMIT ANG MY.SSS ACCOUNT?


REQUIREMENTS:

1. SSS Online LOGIN ACCOUNT
2. Scanned Document, like BIRTH CERTIFICATE, etc.


Step 1: Mag-login sa inyong MY.SSS Account. Kung makikita po natin sa Member Details, na ang nakalagay sa membership status ay temporary. 



 

Step 2: Upang maging Permanent ang inyong SSS Number. Kinakailangan po natin mag upload or magpasa ng supporting documents gamit ang inyong SSS  Online Account. Pagka-login sa inyong account, pumunta sa SERVICES >> MEMBERSHIP RECORDS >> SUBMIT REQUEST FOR MEMBER DATA CHANGE (Simple Correction)




Makikita po natin sa bandang ibaba na may mga boxes na kailangan i-check. Lagyan ng check ang UPDATE MEMBER RECORD STATUS 
Makikita naman natin dito ang button na UPLOAD. Pindutin lang ito at i-upload ang kahit isa sa mga kinakailangan dokumento, kagaya ng BIRTH CERTIFICATE o iba pa. 

Ang mga requirements na kinakailangan ay makikita sa ibaba nito, ito ay bilang reference ninyo lamang at hindi ito nagmula sakin kundi nagmula sa site ng SSS. Ito ay makikita sa SSS Dashboard at anytime ay pwede ito mabago ayon sa pamunuan ng SSS.

Step 3: Pagkatapos mai-upload at mai-submit ang dokumento. Hintayin ang email ng SSS para sa status ng inyong account. Makikita din ito sa inyong dashboard kung kaya't pwede ninyo i-check ito sa pamamagitan ng pag-login. Malalaman ninyo kung success ang application kung makikita ninyo sa dashboard ninyo ang DOCUMENTARY REQUIREMENT(S) SUBMITTED, sa tapat ng Document Compliance at sa MEMBERSHIP STATUS ay PERMANENT.



Post a Comment

Previous Post Next Post