HOW TO APPLY SSS DEATH CLAIM BENEFITS ONLINE

Paano nga ba mag-apply ng death claim benefits sa SSS thru online application?


ANU-ANO ANG MGA KAILANGAN PARA MAGAWA ITO?

Bago ang lahat kinakailangan mo magkaroon ng login account o sss portal online. Kung ikaw ay wala pang account ay maari ka mag-register sa kanilang website. Kinakailangan na ang account na ire-register ay sa account ng kukuha ng benepisyo.


MGA DAPAT IHANDA SA PAG-APPLY NG DEATH CLAIM BENEFITS

1. Kinakailangan ang mga impormasyon ng namatay na member ayon sa mga sumusunod:

  • CR/SS Number
  • SURNAME
  • GIVEN NAME
  • DATE OF BIRTH
  • DATE OF DEATH
  • SCANNED DOCUMENTS NG MARRIAGE CONTRACT (dapat ito ay malinaw at nababasa ng maayos)


PROCEDURE


1. Mag-login sa inyong account.

2. Kapag nabuksan na ang inyong portal sa sss, hanapin ang BENEFITS > APPLY FOR DEATH BENEFIT

3. Pindutin ang PROCEED.
4. Lagyan sa loob ng box ang mga hinihinging impormasyon. Makikita sa larawan kung anu-ano ang mga ito. Pagkatapos malagyan ng mga sagot ang box ay pindutin ang PROCEED.


5. Dito makikita kung magkano amount ang inyong makukuha buwan-buwan. Depende ito sa kung gaano kalaki ang inihuhulog ng member sa kanyang contribution.

Pindutin lang muli ang PROCEED.

6. Sagutan lamang ang mga tanong at lagyan kung yes or no. Pagkatapos nito pindutin ang PROCEED.



7. Sa part ng pagpili kung anong bank account ang gagamitin. Kung dalawa or higit pa ang naka-rehistrong bank account  sa portal, piliin kung alin ang gagamiting disbursement account, pindutin ang PROCEED kung nagawa na ito.


8. Sa huling proceso, ang imahe ng PSA Marriage Certificate ay kailangan i-upload, pindutin ang BROWSE at hanapin ang na-scan na marriage certificate.



9. Matapos maipasa ang application o ma-i-submit. Maghintay ng email mula sa SSS kung ito ay approved at kung ito ay may mga kulang pa dokumento kailangan. Makikita din ang status ng inyong application sa inyong SSS Portal kung processed na ito.




SINO ANG PUWEDENG MAG-APPLY NG DEATH BENEIFTS ONLINE?

Ang puwede mag-apply sa Death Benefits online ay ang ASAWA lamang ng namatay na member. Kung ang beneficiaries ay kapatid, o ibang tao bukod sa asawa ng member, mangyari na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na SSS Offices sa inyong lugar.






Post a Comment

Previous Post Next Post