DFA PASSPORT APPOINTMENT PAYMENT REFERENCE NUMBER EXPIRATION?
Alin nga ba ang dapat sundin na expiration sa payment reference number para sa passport appointment o passport fee?
24 hours lang ba talaga ang validity? o mas higit pa?
Sa kadalasang mensahe ng DFA na ating makikita sa mga email na ginamit sa pag-online passport appointment, nakasaad dito na...
"To confirm your appointment, please pay the amount of PHP ________ to your selected accredited payment center using the reference number below within 24 hours upon receipt of this email. Failure to do so will automatically cancel the provisional booking to give way to other passport clients."
Dahilan nito naghahabol o magmamadali ka talaga ng pagbabayad para lang magawa ito sa loob ng 24 na oras.
Para sa di nakakaalam, ang VALIDITY ng PAYMENT REFERENCE ay hindi bumabase sa email ng DFA. Sa actual experience ko sa expiration NG PAYMENT REFERENCE NUMBER para sa passport fee ay makikita dito:
Kung makikita sa larawan. Nilagyan ko ng BOX NA PULA ang eksaktong Expiration Date and Time. Ito ang inyong pagbabasehan upang makaabot kayo sa Pagbabayad. September 8, 2022 ako nakakuha ng slot at kung makikita sa expiration para sa payment ay sa Sep 11, 2022 12:37:32 PM. Hanggang September 11, 2022 sa ganap na 12:37 PM ay pwede ka pa magbayad.