DISBURSEMENT ACCOUNT MODULE CHANNEL, ANO NGA BA ANG PWEDE MONG GAMITIN PARA SA PAG-APPLY NG LOAN, BENEFIT CLAIM, BURIAL BENEFIT, SALARY LOAN, CALAMITY LOAN AT IBA PA?
Ang Disbursement Account Module Channel in SSS ay bahagi ng digital na sistema ng Social Security System (SSS) na ginagamit para sa mas mabilis at maayos na pagpapadala ng benepisyo sa mga miyembro. Narito ang simpleng paliwanag kung ano ito at paano ito gumagana:
Ano ang Disbursement Account Module (DAM) Channel sa SSS?
Ang Disbursement Account Enrollment Module (DAEM) ay isang online facility sa loob ng My.SSS na ginagamit ng mga miyembro para i-enroll ang kanilang bank account o e-wallet kung saan nila gustong matanggap ang mga benepisyo tulad ng:
- Maternity benefit
- Sickness benefit
- Unemployment benefit
- Calamity loan proceeds
- Retirement, death, at disability benefits
Sa pagkuha ng mga benefits may kanya kanya kategorya kung ano ang pwede mong gamitin na bank account sa bawat benefits. Malalaman mo dito kung ano ito.
A. Kung ikaw ay mag-aapply ng LOANS (SALARY LOAN / CALAMITY LOAN), ang mga magagamit ninyong disbursement channel ay ang mga sumusunod:
- UMID ATM
- UNIONBANK QUICK CARD
- PESONet BANKS
B. Kung ikaw ay mag-aapply naman ng PENSION LOAN, ang mga magagamit ninyong disbursement channel ay ang mga sumusunod:
- UMID ATM
- UNIONBANK QUICK CARD
C. Kung para naman sa UNEMPLOYMENT BENEFIT, ang mga magagamit ninyong disbursement account module ay ang mga sumusunod:
- UMID ATM
- UNIONBANK QUICK CARD
- PESONet BANKS
- E-WALLETS
- RTC/CPO
D. Kung mag-aapply sa RETIREMENT BENEFIT, ang mga magagamit niyong disbursement account module ay ang mga sumusunod:
- UMID ATM
- UNIONBANK QUICK CARD
- PESONet BANKS
- E-WALLETS
- RTC/CPO
E. Kung mag-aapply sa FUNERAL CLAIM, ang mga magagamit niyong disbursement account module ay ang mga sumusunod:
- UMID ATM
- UNIONBANK QUICK CARD
- PESONet BANKS
- E-WALLETS
- RTC/CPO
F. Kung ito naman ay para sa EMPLOYER SICKNESS/MATERNITY REIMBURSEMENT, ang disbursement module na maaring gamitin ay:
- PESONet BANKS
G. Ang SE/VM/OFW SICKNESS/MATERNITY APPLICATION, ang mga disbursement account module na magagamit ay:
- UMID ATM
- UNIONBANK QUICK CARD
- PESONet BANKS
- E-WALLETS
- RTC/CPO
Maari ninyong i-check ang mga lists ng SSS PATNERSHIP BANKS dito.
Bakit ito mahalaga?
- Mas mabilis ang release ng benefits
- Iwas pila sa SSS branches
- Safe at diretso sa iyong account
- Transparent at may tracking