NOLI ME TANGERE
FOR CRITIQUE PAPER
Sa pagpapataw ng parusa, maraming kahinaan ang batas tulad ng kahinaan mismo ng batas, walang pakisama, kakulangan sa pinagkukunang yaman at kawalan ng tamang suporta. Isa sa mga posibleng paraan upang mas maging angkop at mahusay ang batas na ito ay kailangan ng matinding parusa para sa mga susuway sa batas at kailangan ding magkaroon ng pagkakaisa upang lumakas pa ang batas na ito.
Ang Republic Act 9165 o Batas Republika Bilang 9165 ng Pilipinas ay kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Nilalayon ng batas na ito ang mas maigting na paglaban sa ipinagbabawal na gamot at sa mga mapanganib na droga sa bansa.
Ito ay mahalaga dahil nilalayon ng batas na ito ang paglaban sa ipinagbabawal na gamot na delikadong gamitin. Ang mga ipinagbabawal na droga ay tumutukoy sa anumang sangkap na nakapagpapabago sa takbo ng kaisipan at katawan ng tao, na maaaring magdulot ng pinsala sa isip o katawan, o pareho.
Kabanata 16: Si Sisa
Kapus-palad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay, sugarol at palaboy sa lansangan. Hindi niya inaalagaan ang kanyang mga anak, kaya si Sisa lamang ang kumakalinga kina Basilio at Crispin.
Siya ay nagpapakahirap maghanap ng pera para lamang may maipakain sa kanyang mga anak, samantalang ang kanyang asawa ay nagsusugal. Maraming tao o asawa ang katulad nito — nagsusugal at umaasa sa suwerte imbes na magtrabaho. Naghihirap ang isa, habang ang isa ay nagwawaldas.
Kabanata 21: Kasaysayan ng Isang Ina
Para siyang tatakasan ng sariling bait sa pag-iisip kung paano maililigtas sina Basilio at Crispin sa kamay ng mga sibil.
Kapag ikaw ay nakakulong, natural lamang na mag-alala ang iyong mga mahal sa buhay. Iniisip nila kung ano ang iyong kalagayan, kung ano ang iyong kakainin, o kung paano ka makakaalis sa kulungan. Tulad ng isang ina, nag-aalala siya sa anak sa bawat sandaling ito ay nawawala o nagdurusa.
Kabanata 3: Ang Hapunan
Habang kumakain, nakipag-usap si Ibarra sa mga panauhing malapit sa kanya. Nakikipagpalitan siya ng kuro-kuro at pakikipagkilala.
Sa kasalukuyan, ito ay maihahalintulad sa mga pagtitipon o social gatherings kung saan tayo ay nakikipag-usap sa ating mga katabi. Mahalaga ang komunikasyon at pakikisalamuha upang magkaroon ng mabuting ugnayan sa iba.
Kabanata 1: Ang Pagtitipon
Nagkaroon ng isang malaking pagtitipon sa bahay ni Kapitan Tiyago. Maraming bisita at masaganang handaan ang naganap.
Sa kasalukuyan, ito ay maihahalintulad sa mga okasyong tulad ng prom night o social events. Ang mga tao ay abala sa paghahanda ng lugar, dekorasyon, pagkain, at sayawan. Ipinapakita nito ang diwa ng pagkakaisa at kasiyahan sa lipunan.
Kabanata 26: Bisperas ng Pista
Ika-10 ng Nobyembre ang bisperas ng pista sa bayan ng San Diego. Naging masigla ang paghahanda ng iba’t ibang dekorasyon, may nagpapaputok ng kwitis, at tumutugtog ang banda ng musiko.
Sa kasalukuyan, katulad din nito ang paghahanda sa mga pista sa ating bayan. Naghahanda ng mga pagkain, naglalagay ng dekorasyon, at nagtitipon sa plaza para sa kasiyahan ng lahat.
Kabanata 29: Ang Kapistahan
Maagang pumasok sa lansangan ang mga banda ng musiko. Nagising ang mga natutulog at muling narinig ang tunog ng kampana habang nagsusuot ng mga hiyas ang mga mamamayan.
Sa kasalukuyan, ganito rin ang ating mga pista — maagang nagigising ang mga tao, masiglang nagbibihis, at nagdiriwang nang may ingay at saya bilang pagpapakita ng kanilang pananampalataya at pagkakaisa.
Kabanata 19: Mga Suliranin ng Isang Guro
Dinadaing ng guro kay Ibarra ang kakulangan ng silid-aralan, dahil ginaganap ang klase ng mga bata sa silong ng kumbento. Hinikayat niya si Ibarra na magpatayo ng paaralan para sa kinabukasan ng kabataan. Iminungkahi ni Ibarra na dapat gamitin ang wikang Tagalog sa halip na wikang Kastila.
Sa kasalukuyan, marami pa ring silid-aralan ang kulang. May mga estudyanteng nagkaklase sa labas at maraming kabataan ang hindi nakakapag-aral dahil sa kahirapan. Patuloy na nagsisikap ang mga guro upang mas mapabuti ang kalagayan ng edukasyon sa bansa.