ANO NGA BA ANG SSS SALARY LOAN?
Ang SSS Salary Loan ay isang pribelehiyo na ibinibigay sa mga kwalipikadong myembro ng SSS upang matugunan ang mga panandaliang pinansyal na pangangailangan.
Sinu-sino ang pwedeng mag-loan?
- Employed
- Self-employed
- Voluntary Member
- OFW
- Non-working Spouse
na aktibong naghuhulog ng kanilang kontribusyon ay maaring ma-qualify dito.
PAANO MAG-QUALIFY SA SSS SALARY LOAN?
Para Sa One-Month Loan
- Kailangan may 36 months ka na kontribusyon.
- Sa loob ng 12 months dapat mayroon kang kontribution atleast 6 months sa buwan ng inyong pagpa-file ng salary loan.
Para Sa Two-Months Loan
- Kailangan na may 72 months ka na kontribusyon.
- Sa loob ng 12 months dapat mayroon kang kontribution atleast 6 months sa buwan ng inyong pagpa-file ng salary loan.
MAGKANO ANG IYONG MAARING MA-LOAN?
Para Sa One-Month Loan
- Maari kang makapag-loan ng halagang ₱2,000.00 to ₱20,000.00 depende sa inyong monthly contributions.
Para Sa Two-Months Loan
- Maari kang makapag-loan ng halagang ₱4,000.00 to ₱40,000.00 depende sa inyong monthly contributions.
ILANG TAON KO KINAKAILANGANG BAYARAN ANG SALARY LOAN?
Para Sa One-Month or Two-Months Loan
- Ang one-month or two-months salary loan ay tatagal ng 24 months o kabuuan ng 2 taon in installment basis.
ANU ANG MGA REQUIREMENTS?
If filed by Member-Borrower
- Member Loan Application Form
- SSS Digitized ID or E-6 (Acknowledgment Stub) with any two valid ID’s and at least one recent photo.
If filed by Employer / Company’s Authorized Representative
- Member-borrower’s duly accomplished Member Loan Application
- Authorized Company Representative (ACR) card issued by SSS
- Letter of Authority (LOA) from employer and any two valid ID’s both with signature and at least one recent photo.
- Member-borrower’s SS Card or in it’s absence, application for SS Card (SS Form E-6) acknowledgment stub and two valid ID’s both with signature and at least one recent photo.
SAAN PWEDE MAG-FILE?
- Maaring mag-file sa pinakamalapit na SSS Office sa inyong lugar.
- Maari ka din mag-file sa online gamit ang SSS Mobile App or SSS Online Account (My.SSS)
Kung ang Salary Loan na sinubmit online ng employed member ay mapupunta sa account ng employer sa My.SSS para sa certification.
KAILAN KO SISIMULAN ANG PAGBABAYAD NG LOAN?
- Magsisimula ang pagbabayad ng loan sa pangalawang buwan kung kalian ito naaprubahan.
ILANG PERCENT (%) ANG INTEREST NG LOAN?
- The loan shall be charged an interest rate of ten (10%) percent per annum based on diminishing principal balance, and shall be amortized over a period of 24 months.
ILANG PERCENT (%) ANG PENALTY KUNG DELAYED ANG PAGBABAYAD?
- Mapapatawan ng one (1%) percent penalty kada buwan ang inyong loan kapag ang miyembro ay delayed sa pagbabayad at magpapatuloy ito hanggang hindi nababayaran ang kabuuang loan.
KAILAN AKO PWEDENG MAG-RENEW?
- Maari nang mag-renew kung nakabayad kana ng kalahati ng inyong loan at umabot na sa kalahati ng terms mo sa dalawang (2) taon.