Kindly share this post and help me to promote this blog.
List of frequently asked questions about SBWS:
1. Kailan po ang first tranche at second tranche sa SBWS?
Sagot: First tranche up to May 31, 2020, second tranche up to June 15, 2020.
2. Kung naka-received na po ba ako nung first tranche makaka-receive pa po ba ko sa second tranche?
Sagot: OO, kung sino po naka-received nung una, sila din sa pangalawa.
3. Sino po pwede ma-contact kung may error, lahat ng kasama ko nakatanggap na ako nalang hindi, naka-received ako ng text sinasabi submitted na sa atm ko pero wala naman laman?
Sagot: Eto po list ng pwede ma contact sa SSS.
CALL CENTER: 1455
TOLL FREE: 1800-10-225577
EMAIL: SBWSQueries@sss.gov.ph
4. Bakit hindi nag-qualified ang business namin?
Sagot: Priority po ng SSS o BIR ang mga business na compliant sa kanila 3years before the ECQ,
meron din dalawang qualifications na dapat matupad,
4.1. Dapat Hindi kasama sa highest paying tax list ng BIR ang business
4.2 Dapat hindi sumahod ang empleyado during Quarantine or naka under skeletal force ang business.
5. Pwede pa po ba Mag apply ng SBWS?
Sagot: Hindi na, Tapos na po ang filing of application nung May 8, 2020 at wala pong announcement kung magkakaruon pa ulit ng 2nd filing.
6. Maaari bang Mag apply ng SBWS ang self-employed / Voluntary / Senior Citizen?
Sagot: Hindi po, para lang po sa mga employed ang SBWS.
7. Bakit po hindi kaming lahat ng empleyado nag qualified sa sbws?
Sagot: Employer ninyo po ang may rights kung sino ang isasama nila na qualified employees, kindly coordinate po kayo sa kanila.
8. Empleyado po ako ng "AGENCY" pero bakit wala po ako nakuhang ayuda?
Sagot: Wala po talaga kayong makukuha na ayuda kung hindi ka NIREPORT ng agency mo sa SSS. lahat po ng desisyon kung sino ang makakatanggap ng ayuda ay MANGGAGALING PO LAHAT SA INYONG EMPLOYER.