AXIE INFINITY PAANO BA KUMITA?

Kumita ng 50,000.00 more or less sa pamamagitan lamang ng isang laro.

ANO ANG LARONG AXIE INFINITY?


Ano ang larong ito? Ito ang Axie Infinity, ito ay isang laro na kung saan naaaliw kana sa laro at kumikita ka pa. Ito ay isang uri ng pangongolekta ng mga axie, pakikipaglaro o pakikipaglaban. Bago ka makapaglaro ng larong ito kailangan mo magkaroon ng tinatawag na Axie.  Kailangan mo magkaroon ng 3 Axie bago ka makapaglaro nito. Ang bawat halaga ng Axie ay nagkakahalaga ng $200 pataas. Para magkaroon ka ng maayos na set-up, maari kang gumastos o mag-invest  ng 30,000.00 hanggang 60,000.00 para makapagsimula ng maayos na laro.

PAANO KUMITA SA AXIE INFINITY?

Step 1: SLP (Smooth Love Potion)  FARMING - isang common way para kumita sa larong ito. Ito ay ibinibigay na Reward sa tuwing mananalo ka sa adventure o sa arena. Umaabot ang ranging ng 1 SLP to 20 SLP bawat panalo. Depende ito sa ranking mo. Halimbawa ang bawat SLP ay nagkakahalaga ng more or less 12.00. Sa Axie Infinity ay pwede kang kumita ng 100SLP up to 300SLP per day.

Sa Adventure pwede ka umabot ng 100SLP per day at kung sa Daily Quest ka  naman ay maari mong maabot ng 150SLP per day.

Step 2: AXS REWARDS - Ito naman ang mga rewards na Top 300 na players. Dito nakalagay ang ranking ng bawat manlalaro. Bawat players ay nagkakaroon ng AXS token, depende sa ranking nila. Ang AXS token na ito ay may halaga at hindi biro ang bawat halaga nito. Ang AXS token as recorded ay umaabot ng more or less 900.00 bawat isa. So kung mayroon kang 500,000 AXS  token at nagkakahalaga ito ngayon ng 900.00 pesos, 500,000 x 900.00 = 450,000,000.00 ang kikitain mo.

Step 3: BREEDING OR BUY AND SELL NG AXIE - Ang Axie ay para lang alaga nating mga hayop kung saan ito ay inalagaan at pinalalakas. Ang ibang players ay nag bi-breed sila para ibenta sa marketplace para kumita o ipinagagamit nila sa kanilang mga scholars.

Anu-Ano ang mga klase ng mga manlalaro? Pwede ba kumita ang walang puhunan sa larong ito?

Possible ka pa din maglaro ng Axie Infinity kahit wala ka inilalabas na pera isa . Ito ang isa sa manlalaro na tinatawag na:
SCHOLARS - ito ang mga taong walang inilalabas na pera at tangi lang na puhunan nila ay Cellphone, Internet at Effort lang. Ang Scholars ay mga manlalarong kinukuha ng mga naunang players upang maglaro ng mga extra nilang Axie. Dahil karamihan sa mga datihang manlalaro ay mayroon na silang humigit kumulang na 100 Axie sa kanilang account, kaya hindi nila kayang bigyan attention ang lahat ng Axie nila, kaya't ipinalalaro ito sa kanilang mga Scholar. 

Sa part ng pagiging scholar nandito ang sinasabing Profit Sharing, kung saan naghahati ng kita ang scholar at manager o may-ari ng account. Karaniwan sa profit sharing ay 50/50, 60/40, 70/30.

50/50 sharing -  50% kay Scholar  at 50% kay Manager.
70/30 sharing - 70% kay Scholar at 30% kay Manager.
60/40 sharing - 60% kay Scholar at 40% kay Manager.

Depende ito sa magiging agreement both sides.

Paano kung hindi ka maging Scholar? Paano makakapaglaro ng Axie Infinity para kumita?

Dito naman pumapasok ang manlalaro bilang Manager. 

MANAGER - Ito ang mga manlalaro na nagkakaroon ng maraming Axie na nabanggit natin kanina na sila ang mga tumutulong sa mga Scholar para magkaroon ng Passive Income, at ang mga Manager ang nag-invest ng malaking pera para sa larong ito. Maaring gusto nilang magkaroon ng isa pang source of income o makatulong sa iba pang mga tao.

PAALALA: Hindi lahat ay kumikita sa larong ito. Manyaring pag-aralan mabuti bago pumasok sa larong ito upang maiwasan ang pagkalugi sa investment mo. 


Post a Comment

Previous Post Next Post