Bago ka makakuha ngayon ng NBI Clearance ay dumadaan muna ang unang proseso sa online appointment. Dito ginagawa ang pag-fillup ng mga information na kailangan, na inilalagay sa system ng NBI. Kung paano ginagawa ang NBI Online ay tingnan sa ilalim ang ilang screenshot na mga larawan.
STEP 1: Paggawa ng Account. Dito tayo mag fillup ng paunang personal na impormasyon na kinakailangan.Tingnan ang larawan.
STEP 2: Pagkatapos mag-fillup pindutin ang SIGN UP. Mayroon darating na OTP Code sa inyong Mobile Phone Number o Email na inilagay.
STEP 3: Ilagay ang OTP Code na dumating sa inyong mobile phone o Email.
STEP 4: Pagkatapos magkagawa ng account. Kailangan natin mag-login para mag-fillup sa karagdagang mga impormasyon.
Pagkatapos na malagyan ang lahat na kinakailangang impormasyon, pinduting ang SAVE INFORMATION. Dito magtatapos ang ating pag-pi-fillup.
STEP 5: Proceed sa Apply for Clearance - Pindutin lang ang APPLY FOR CLEARA CE para sa next step.
STEP 6: Pindutin ang TYPE OF ID at piliin kung anu ID ang mayroon kayo sa list na ibinigay. Ilagay ang ID number sa susunod na box.
STEP 7: Pagpili ng Schedule.
#1 - Piliin ang location na gusto mo mag-appearance.
#2 - Piliin naman kung anu date ka available na pumunta sa opisina para sa iyong appearance.
#3 - Pumili ng isang PAYMENT OPTION na makikita sa picture.
STEP 8: Pagkatapos mo pumili ng schedule, pindutin lang ang PROCEED.
STEP 9: Makikita natin na may reference number na ibinigay. Ito ang gagamitin natin sa pagbabayd ng NBI fee sa napiling payment option, at ito rin ang ipapakita natin pagpunta natin sa NBI office na pinili nating puntahan. Click ACCEPT.
STEP 10: Makikita ninyo sa TRANSACTION TAB kung success ang napili ninyong schedule. Makikita natin ang status ay PENDING. Ibig sabihin nito ay hindi pa bayad ang NBI fee. Kung kaya't bayaran na agad ito sa napiling payment option dahil one (1) day lang ang validity ng reference number na ito at magiging invalid na ang una mong napiling schedule.
PROSESO SA PAGPUNTA SA NBI OFFICE
1. Ipakita ito sa guard upang ma-verify kung ikaw nga ay nag-online appointment na.
2. Pumunta sa Counter for verification para sa inyong E-payment.
3. Pumunta sa Photo and Finger print scanning.
4. Maghintay sa print ng inyong NBI Clearance.
REQUIREMENTS
1. Two (2) Valid I.D.
2. Appearance ng taong kukuha.
ANO ANG LEHITIMONG WEBSITE NG NBI?
Pumunta sa website - https://clearance.nbi.gov.ph/.
Note: Ang proseso na aking nabanggit sa taas ay hango sa mga karanasan ng mga nag-apply ng actual. Kung may pagbabago sa sistema na aking binanggit ay marapat natin sundin ang pagbabagong ginawa ng pamunuan ng NBI.