HOW TO SETUP SSS DISBURSEMENT ACCOUNT ENROLLMENT MODULE ONLINE or DAEM ?
PARA SAAN BA ITO?
Ang DISBURSEMENT ACCOUNT ENROLLMENT MODULE ay para mabilis na maipadala ang makukuhang pera sa pamamagitan ng inyong BANK ACCOUNT, ito ay para sa loans, funeral benefits, pensions, lumpsum, atbp. Upang hindi mo na kailangan magpunta sa office para i-update ang disbursement account dahil ito ay magagawa mo na sa online o sa MY.SSS online account.
Paalala lang po sa lahat, bago gumawa ng DISBURSEMENT ACCOUNT ENROLLMENT sa SSS Online, dapat po ay alam natin ang mga bagay na sumusunod:
1.) Hindi closed account ang ilalagay nating bank information sa enrollment.
2.) Dapat sa mismong may account nakapangalan ang details ng bank account at hindi sa asawa, kamag-anak, kapatid, magulang o kung sino pa man.
3.) Kung matagal na hindi nagagamit ang bank account, mangyari na ito ay ipa-verify o ipa-validate muna bago ilagay sa disbursement account enrollment.
4.) Dapat ang account ay nasa peso account at hindi sa anumang ibang currencies.
5.) Hindi naka-frozen account
6.) Iwasan magkamali ng bank account number.
7.) Iwasan magkamali ng cellphone o mobile number.
8.) Huwag gamitin ang joint bank account.
9.) Hindi naka-Existing Account
10.) Huwag gumamit ng iba't ibang disbursing bank
11.) Hindi dapat naka-Prepaid account
12.) Huwag gamitin ang naka-time deposit account
13.) Iwasang gamitin ng dalawang beses ang bank account o cellphone number upang maiwasan ma-reject
PAG-SETUP NG DISBURSEMENT ACCOUNT ENROLLMENT MODULE
STEP 1. Pumunta sa https://www.sss.gov.ph/.
STEP 2. Mag-login sa inyong account.
STEP 3. Sa inyong Dashboard, piliin ang E-Services
STEP 4. Sa drop menu ng E-Services makikita ang Disbursement Account Enrollment Module. Piliin ito.
STEP 5. Dito sa part na ito kailangan natin lagyan ang mga kinakailangang mga inpormasyon.
1.) Select an enrollment option - Dito po ay pipili kung BANK ang gagamitin ninyo o E-wallet/RTC/CPO.
3.) Disbursement Account Number - Dito ilalagay ang account number, iwasang magkamali, idouble check mabuti ang account na ilalagay.
4.) Confirm Disbursement Account Number - Dapat ay parehas ang nakalagay sa Disbursement Account Number.
5.) Attach Supporting Documents - Scan ng maliwanag ang mga dokumento at mag-upload sa kanya-kanyang kategorya na kinakailangang picture, Ito ay katulad ng Proof of Account, ID Card at Selfie na hawak ang dalawang dokumento. Upang hindi ma-invalid ang application kinakailangan po na nababasa ng verifier ang mga naka-upload na proof of supporting documents.
6.) Browse - Dito naman i-aattach ang dokumentong na-scan.
7.) Lagyan ng check kung AGREE.
8.) Pindutin ang ENROLL DISBURSEMENT ACCOUNT.
STEP 6. Pagkatapos mapindot ang Enroll Disbursement Account. Ito ay i-verify ng SSS o for validation. Makaka-receive kayo ng Email mula sa SSS kung ito ay approved o denied. Kung approved makikita ninyo ang inyong BANK ACCOUNT na active ang nakalagay.
Pagkatapos nito. Pwede na mag-proceed sa mga sumusunod:
- Apply for Salary Loan
- Apply for Calamity Loan
- Apply for Unemployment Benefit
- Apply for Pension Loan
- Apply for Retirement Benefits
- Apply for Death Benefits
- Etc.
Thank you for visit..