HOW TO APPLY POLICE CLEARANCE APPLICATION ONLINE AND PAYMENT VIA GCASH?

 PAANO MAG APPLY AT MAGBAYAD NG POLICE CLEARANCE APPLICATION ONLINE VIA GCASH?


Step 1: Mag-register sa https://pnpclearance.ph



Step 2: Basahin ang mga TERMS and CONDITIONS


Step 3: Sa New Applicant Registration, lahat ng may ASTERISK (*) ay simbulo na kailangan lagyan ng mga impormasyon.



Step 4: Matapos makapag-register. Mag-login na sa inyong account. 





Step 5: Kumpletuhin ang inyong impormasyon o profile at pindutin ang SAVE Profile sa ibabang bahagi ng application form.


Step 6: Matapos makumpleto ang mga impormasyon. Pumunta sa CLEARANCE APPLICATION tab. Pumili sa PURPOSE TAB, SELECT POLICE STATION kung saan kayo mag-a-appearance at PUMILI NG DATE NG APPOINTMENT, at pagkatapos ay pindutin ang NEXT BUTTON sa ibaba. 



Step 7: Sa SELECT PAYMENT OPTION. Pindutin ang LANDBANK OF THE PHILS then pindutin ang NEXT BUTTON.



Step 8: Pindutin ang SAVE APPOINTMENT.



Step 9: Matapos ang Step 8. Makikita po natin ang imahe sa ibaba nito. Dito na po tayo pipili kung ano pipiliin natin option sa pagbabayad. Pindutin ang CLICK HERE TO PAY FOR MORE PAYMENT OPTION. 



Step 10: Sa payment option. Piliin ang CASH PAYMENT. Lagyan ng check ang I certify that I am at least 18 years old and have read, understood, and agreed to the Terms and Conditions at pindutin ang SUBMIT. 



Step 11: Piliin ang Palawan Express o ibang payment option na suportado ng DRAGON PAY then pindutin sa ibaba ang PROCEED.



Step 12:  Magkakaroon kayo ng REFERENCE NUMBER na inyong pagbabayaran sa GCASH. Kopyahin ito para sa pagbabayad via GCASH.



GCASH PAYMENT PROCEDURE


Step 1: Open GCASH apps. 



Step 2: Click PAYBILLS



Step 3: Click Payment Solutions

Step 4: Search Biller (DRAGONPAY) o hanapin manually.




Step 5: Ilagay ang REFERENCE NUMBER na nagenerate sa Police Clearance Application. Ilagay ang contact number. Ilagay ang total amount na pagbabayaran. Then NEXT. 


Matapos mong mabayaran ang Police Clearance Fee at makita ang status na PAID ay pwede kana pumunta sa araw ng iyong schedule. Magdala ng 2 valid id para sa proof of identity. Ipakita ang REFERENCE NUMBER o VALID ID.





Post a Comment

Previous Post Next Post