Ang Wikang Filipino at ang Banta ng Globalisasyon Ni
Dr. Bienvenido Lumbera
Upang
mapagtakpan ang buktot na pakanang nag-aanyong biyaya ng mga dambuhalang
empresang nakabase sa Kanluran, may bayarang intelektuwal na umimbento sa
pariralang “borderless world” at itinapal ito sa mapagsamantalang mukha ng
kapitalismo. Sa ganyang anyo inihaharap
sa atin ang “globalisasyon” na may Utopiang ipinangangako -- isang “mundong wala nang hangganan.” Sinasabing sa “mundong wala nang hangganan,”
pantay ang kakayahan ng bawat bansa na kamtin ang kaunlaran.
Para sa isang
bansang malaon nang nabalaho sa di-pag-unlad, ang Utopiang pangako ng
globalisasyon ay tunay na katakamtakam.
Naroon ang paglaganap at pagtibay ng demokrasya. Naroon din ang paggalang at pagsasanggalang
sa karapatang pantao ng mahihina at walang kapangyarihan. At naroon ang pagtutulungan ng lahat ng bansa
upang panatilihing malinis at ligtas ang ating kapaligiran. At naroon din ang
matagal ng minimithi ng sandaigdigan – ang mapayapang mundo na sa mga awit pa
lamang matatagpuan.
Subalit ano
ba ang realidad ng “borderless world” na naglalatag sa ating mga haraya ng maluningning na landas tungo sa maunlad at
mapayapang bukas? Sa ngalan ng
anti-terorismo, mga eroplano at bomba ng Estados Unidos na
nagtatawid-kontinente at bumabagtas ng
mga heyograpikal na hangganan upang pagbantaan ang alinmang bansang nagbabalak
kayang ulitin ang kapahamakang idinulot sa New York noong 2001. At sa larangan naman ng ekonomiya, ang
paggigiit na tanggalan ng proteksiyon ng batas ang mga kalakal na Filipino sa ngalan ng pantay na pakikipagkompetisyon.
Samakatwid,
ang “globalisasyon” ay pananalakay ng mga kapitalistang bansa ng Kanluran na
naghahanap ng pamilihan para sa kanilang kalabisang produkto. Kunwari’y binubuksan ng mga ito ang kanilang
mga pamilihan sa mga produkto ng mahihinang ekonomiya. Pero sa katunayan, hindi kayang
makipagkompetisyon ng mahihinang
ekonomiya sa kanila, kaya’t sa kalaunan nilalamon nila ang lokal na
kompetisyon.
Bahagi ng
pananalakay na iyan ang panghihimasok ng World Trade Organization sa
edukasyon. Ang reporma ng kurikulum na
sinimulan sa pang-akademyang taong ito ng Departamento ng Edukasyon ay malinaw
na tinabas upang isunod sa padrong globalisasyon. Tumutugon ang Basic Education Curriculum
sa pangangailangan ng mga lipunang
maunlad ang mga industriya at teknolohiya para sa mga taong marunong bumasa ng
instruksiyon at sumunod dito upang ang assembly line ay maayos na
mapakilos. Dahil isinaayos ng ating
gobyerno ang sistema ng edukasyon upang makapagpalitaw ng mga kabataang
marunong ng simpleng Ingles, ng simpleng pagkukwenta, at ng simpleng siyensiya, halos itinalaga na nito ang darating na mga
henerasyon ng kabataang Filipino sa pagiging manggagawang ang lakas at talino
ay pagsasamantalahan ng mga dayuhang empresa dito sa Filipinas at maging sa
labas ng bansa.
Nakatinda na
ngayon ang sambayanang Filipino sa eksploytasyon ng kapitalismong global. Ang teritoryo natin ay binubuksan ng ating
gobyerno sa mga empresang multinasyonal, at ang mga kabataan ay ipinapain sa
kulturang nagpapalabo sa mga tradisyong kanilang kinagisnan. Ang kulturang ito na itinuturing na global ay humihimok sa mga
itong hubdin ng kabataan ang kanilang
identidad bilang mamamayan ng kanilang tinubuang lupa. Sa maikling salita, ibinalik na tayo ng
kapitalismong global sa yugto ng kolonyal na pagkasakop.
Hindi natin
namamalayan ang panibagong pagsakop sa atin dahil ang mga sandatahang Amerikano
na lumunsad sa ating mga baybayin ay mga kaibigan daw na nagmamalasakit na
pulbusin para sa mga Filipino ang Abu Sayyaf.
Ang
kapangyarihang politikal ay kusang sinususpindi ng ating pamahalaan upang
akitin ang dayong puhunan. Ang sistema
ng edukasyon ay hinuhubog upang tugunan ang pangangailangan ng mga
multinasyonal. Tunay na ang “borderless
world” ay bagong maskara lamang ng imperyalismo. Ang bagong anyo nito ay nagpapanggap na wala
itong pangangailangan sa atin, tayo mismo ang humihingi na ang kasarinlan natin
ay kanyang salakayin.
At ano naman
kaya ang panlaban ng mga Filipino sa dagsa ng pananalakay ng
globalisasyon? Ano ang magagawa ng wika
nina Amado V. Hernandez, Jose Corazon de Jesus, at Lazaro Francisco? Ano ang magagawa ng mga awiting Filipino nina
Jess Santiago, Joey Ayala at Gary Granada?
Ano ang magagawa ng mga nobela nina Luwalhati Bautista, Edgardo Reyes at
Ave Perez Jacob? Ano ang bisa ng Wikang
Filipino sa pagtatayo ng moog laban sa paglusob ng mga kaisipang
makapagpapahina sa tigas ng loob at tatag ng mga makabayan?
Noong 1996,
sa Copenhagen, Denmark, inorganisa ng United Nations World Summit for Social
Development ang isang serye ng mga seminar upang talakayin ang mga kalagayang
tutungo sa panlipunang pag-unlad sa harap ng mabilis na paglakas ng global
capitalism. Ganito ang isang
obserbasyong lumitaw sa seminar: Lumulubha ang agwat sa kinikita ng mga mamamayan
sa mayayamang bansa sa kinikita ng mga mamamayan sa mahihirap na bansa. Ang agwat ng per capita income sa pagitan ng
mga bansang industrialisado at ng mga bansang papaunlad ay lumobo ng tatlong
beses mula 5,700 dolyar noong 1960 tungo 15,400 dolyar noong 1993. Noong taong 1994-95, ang GNP per capita sa
mundo ay 24,000 dolyar sa pinakamayamang mga bansa na ang populasyon ay 849
milyon. Ang GNP per capita sa mga
pinakamahirap na bansa ay 4,000 dolyar at doon ay 3 bilyong tao ang
naninirahan. Sa harap ng ganitong tiwaling kalagayan, binigyang diin ng seminar
ang pangangailangang pagtuunan ng pansin ang kultura ng kapitalismong global,
suriin ito, pagtalunan at hamunin ang katinuan ng bisyon na gumagabay
rito. Kaugnay nito, tinukoy ang
pangangailangang isangkot sa mga isyung panglipunan ang mga intelektuwal na
makitid ang pananaw at labis ang pagkakulong sa kani-kanilang
ispesyalisasyon. Dapat daw himukin ang
mga ito na gamitin ang kanilang tinig sa mga debate at diskurso hinggil sa mga
problema at tunguhin ng kontemporaryong lipunan.
Narito sa
palagay ko ang ispasyo na bukas at humihinging pasukin ng mga Filipinong
tumatangkilik sa wika at panitikan. Sa
ispasyong iyan maaaring harapin at labanan ang kultura ng globalisasyon upang
kalusin ang negatibong bisa nito sa lipunang Filipino. Hindi dapat magbunga ang
globalisasyon ng panibagong pagkaalipin para sa sambayanan.
Nakalangkap
sa wika at panitikang katutubo ang pinagdaanang kasaysayan ng sambayanang
lumaban sa pananalakay at pang-aalipin ng kolonyalismong Espanyol at
Amerikano. Sa tuwing pinagyayaman ang
wika at panitikang katutubo, may lakas na pinakikilos sa kalooban ng Filipino,
na magagamit na panlaban sa pang-aakit ng globalisasyon. Narito ang kahalagahan
at adhikain ng mga naunang henerasyon na hindi kayang burahin ng Utopiang pangako
ng “borderless world.” Nasa pagtayo
natin at paggigiit sa makabayang pagtangkilik sa ating wika at kultura ang
lakas na maibabangga natin sa globalisasyon, na naglalayong patagin ang landas
patungo sa walang-sagwil na pagpasok ng kapitalismong global sa ating ekonomiya
at politika.
Ang wika at
panitikan natin ay buhay na katibayan ng ating kultura at kasaysayan. Ipinapagunita nito na mayroon tayong mga
karanasan at kabatirang natamo sa ating pagdanas ng kolonisasyon at sa ating
ginawang paglaban sa paghahari ng mga dayuhan.
Hindi natin
tinatanggihan ang paghatak ng hinaharap kung iyon ay magdadala sa atin sa tunay
na pag-unlad. Subalit ang identidad ng
isang sambayanan ay hindi naisusuko nang gayon-gayon lamang. Nakatatak ito sa kamalayan hindi ng iisang
tao lamang kundi sa kamalayan ng buong sambayanan. Kung hinihimok tayo ng globalisasyon na
magbagong bihis, itinuturo naman ng ating kasaysayan na ang pinagdaanan natin
bilang sambayanan ay laging nagpapagunita na may sariling bayan tayo, may minanang
kultura at may banal na kapakanang dapat pangalagaan at ipagtanggol kung
kinakailangan. Sandatahin natin ang
ganyang kamalayan tungo sa ikaluluwalhati ng Filipino bilang nagsasariling
bayan. Bulatlat.com
Ang Wikang Filipino sa Kasalukuyan: Tungkulin at
Suliranin ni Kakoi Abeleda
Lubhang
nakababagabag ang naging panukala ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo tungkol
sa paggamit ng wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo na ipatutupad sa mga
paaralang pampubliko. Idinadahilan niyang kailangang mahasa nang husto ang mga
Pilipino sa wikang Ingles upang makasabay sa mundong lugmok na sa
globalisasyon. Ayon sa kanya, higit na bumilis ang pag-unlad ng Pilipinas noong
panahong mataas ang literacy rate ng bansa kaysa mga kapitbahay nating mga Asyano tulad ng
Thailand, Indonesia, at Singapore. Idinahilan din niyang ang malawak na
pagpapalaganap ng Ingles sa mga bansang ito ang siyang naging sanhi ng
pagbulusok ng mga ekonomiya nito.
Marahil, tama
siya na malaki ang naitulong at maitutulong ng pagpapalaganap ng wikang Ingles
sa ekonomiya ng mga bansang kabilang sa Ikatlong Mundo. Ngunit, naaayon sa
konteksto ang kahulugan ng pag-unlad. Anong uri ba ng pag-unlad ang inaasahan
niya? Malinaw na nais niyang ihain ang mga Pilipino sa mga kumpanyang banyaga,
upang magsilbi bilang mga manggagawa. Higit daw na pinipili ng mga dayuhang
kompanya ngayon na ibase ang kanilang operasyon sa mga lugar kung saan mataas
ang literacy rate at kung saan marunong ng Ingles ang mga mangagawa.
Malaki ang suliranin
ng pagdadahilang ito. Una, nangangahulugan ito ng pagsuko sa mga kagustuhan ng
mga dayuhan na pawang nais lamang samantalahin ang murang pasahod na
matatagpuan sa mga bansang tulad ng Pilipinas. Kung ganyan na lamang ang ating
iisipin, umasa na lamang tayo sa mga dayuhan upang iangat ang ating ekonomiya
habang-buhay.
Isa pa,
walang pagsasalin ng teknolohiya na nagaganap. Nasakyan na ng mga mauunlad na
bansa tulad ng Amerika, Pransiya, Alemanya, at ng Hapon ang Ikatlong Daluyong
(Third Wave) ng Teknolohiya. Nangangahulugan na may kapangyarihan, kakayahan,
at awtonomiya na sila sa kung ano’ng teknolohiya ang nais nilang buuin. Sila
ang nangunguna sa larangan ng teknolohiya. Ngunit hindi naisasalin sa mga
bansang tulad ng Pilipinas ang mga teknolohiyang ito. Nagsisilbi lamang tayo
bilang mga manggagawa nila.
Halimbawa na
lamang nito ang Microsoft Philippines. Ayon sa Microsoft Philippines,
nagsisilbi lamang tayo bilang distribution center ng Microsoft sa Asya. Hindi
tinuturuan ang mga Pilipino na bumuo ng mga produkto ng Microsoft. Sa gayon,
hindi nagkakaroon ang Pilipinas ng kapangyarihang bumuo ng mga teknolohiya na
katulad ng sa Microsoft at palagi na lamang itong mag-aangkat ng produkto mula
sa Amerika. Walang nagaganap na technology transfer.
Sa napipintong
pagkabuwag ng mga hadlang sa pakikipagkalakalan na idudulot ng globalisasyon,
mahalaga nga na makasabay ang Pilipinas sa agos ng panahon. Ngunit, itanong
muna natin, “Anong mukha ang ihaharap ng Pilipinas sa mundo, gayong tila wala
itong iisang mukha?”.
Ang Papel ng
Wika sa Pagbubuo ng Bansa
Hindi
pipitsuging papel ang gagampanan ng wikang Pilipino sa pagbubuo ng isang
pambansang identidad o kaakuhan ng Pilipinas, lalo na sa kumukubabaw na
konsepto ng globalisasyon. Mahalagang mabuo muna ang identidad ng isang bansa
bago ito sumabak sa proseso ng globalisasyon. Kung hindi, malamang malamon ito
ng mga higit na makapangyarihang kultura at mamatay ang higit na mahinang
kultura bansang iyon. Sentido kumon ang magsasabi na sa kalagayang pangkultura at
pang-ekonomiya ng Pilipinas sa kasalukuyan, madali tayong malalamon (kung hindi
pa nga nangyayari) ng kulturang Amerikano at Kanluranin. Upang higit nating
maunawaan ang papel na gagampanan at pati na rin ang mga suliraning kinahaharap
ng wikang Pilipino sa pagbubuo ng pambansang kamalayan, ilang teoretikal na
oryentasyon ang ilalahad namin.
May tinatawag
si Zeus Salazar na “Pantayong Pananaw”, at ito ang kaganapan ng pagkabuo ng
pambansang identidad. Apat na pananaw ang maaaring maging lumaganap sa isang
lipunan: Ang Pantayo, Pangkami, Pangsila, at Pangkayo. Sa madaling sabi,
tinutukoy ng mga ito ang punto-de-bistang ginagamit ng mga Pilipino kung
nakikipag-usap sa mga banyaga o kaya’y sa mga kapwa Pilipino. Kung gagamitin
ang Pangkaming pananaw, masasabing ang nagsasalita ay kabilang sa isang sistema
o lipunan na kumakausap sa isang tagalabas tungkol sa kaniyang sistema o
lipunan. Sa Pangsila, nagmumula ang tinig sa isang taga-loob (ng sistema o
lipunan) patungo sa kapwa niya taga-loob ngunit tungkol sa banyaga o tagalabas
ang ipinapahayag nito. Ang Pangkayong pananaw naman ay ginagamit ng isang
tagaloob upang kausapin ang isang tagalabas tungkol sa kultura, halimbawa
lamang, ng tagalabas na iton. Kung gayon, ganito ang sinasabi ng tatlong
pananaw na ito: sa Pangkami, “Eto kami. Ganito kami.”; sa Pangsila, “Eto sila, at ganito sila.”; sa
Pangkayo, “Kayo, ganito at ganiyan kayo.”.
Dalhin natin
sa ibang nibel ang paglalapat ng tatlong pananaw sa ibang pangungusap. Sa
Pangkami, “Eto kaming mga Pilipino. Ganito at ganiyan kami. Masipag kami.
Maganda ang mga isla naming. Mura ang paggawa sa amin. Magaling mag-Ingles ang
mga taga sa’min.” Sa Pangsila, “Eto ang mga ‘Kano. Ganito sila manamit at
magsalita: Hey yo! Mahilig sila sa mga pelikulang maaksyon at MTV. (Kaya’t
maghe-hey yo! na rin ako at magbababad sa panonood ng MTV.)”. Sa Pangkayo, “A!
Kayong mga Pilipino, ang babaho niyo! Mga unggoy kayo! Ang tatamad ninyo!”.
Pamilyar ba
ang mga linyang ito? Ang suliranin ng Pangkaming Pananaw (na siyang madalas
namamayani sa mga kolonisado/dating kolonisadong bansa): Kailangang basbasan ng
mga dayuhan ang kahit na anong gawa sa isang bansa. Kung hindi ito maituturing
na maganda ng mga banyaga, hindi ito ituturing na maganda sa lipunang iyon.
Sa Pantayong
pananaw naman, nagmumula ang tinig sa tagaloob, tungo sa tagaloob, at tungkol
sa sistema o lipunang kinabibilangan ng mga tagaloob. Sarado ang sistemang ito
at nagkakaunawaan ang lahat ng kabilang dito. Kung ano ang realidad para sa
isa, siya ring realidad para sa iba. Kilala ng bawat isa ang sistema, at may
kakayahan silang gumalaw bilang isa. Sa madaling sabi, may identidad o kaakuhan
ang sistema o lipunang ito.
Ngunit hindi
ganoon kadali ang pagbubuo ng Pantayong pananaw. Kinakailangang magkaintindihan
ang bawat isa sa sistema. At magaganap lamang ito kung may iisang code, ang
sariling wika. Ito ang nagiging daan ng mabisang pakikipagtalastasan sa bawat
kasapi ng sistema, at dito rin napapalaman ang kultura, kaisipan, at diwa ng
isang sibilisasyon:
Mahalaga (at pundamental
pa nga) rito ang pagkakaroon ng iisang wika bilang batayan at daluyan ng
pang-unawa at komunikasyon. (Salazar, 1988)
Ngunit kung
isasaalang-alang natin ang pagiging dating kolonisadong bansa ng Pilipinas (sa
teritoryal at pangkaisipang antas), makikita nating hindi madali ang makabuo ng
isang Pantayong pananaw, ng Pambansang Identidad, at lalo na ng malawakang
pagkaka-unawa sa sariling wika.
Ang Problema
sa Wika ng mga Lipunang Sakop
Sa kaniyang
sikolohikal na pag-aaral sa mga Negro ng Antilles na kinukubabawan ng mga
koloniyalistang Pranses, nakabuo si Frantz Fanon ng isang pananaw tungkol sa
relasyon ng mga (dating) kolonisadong sibilisasyon sa sariling wika nito. Para
sa kaniya, tulad ng ating nasabi na, malaking papel ang ginagampanan ng wika:
To speak
means to be in position to use a certain syntax, to grasp the morphology of
this or that language, but it means above all to assume a culture, to support
the weight of a civilization . . . Mastery of language affords remarkable
power. Paul Valery knew this, for he called language ‘the god gone astray in
the flesh’. (Fanon, 1968: 14)
Ayon pa kay
Fanon, iniisip ng mga nasakop na higit silang magiging tao kung tutulad sila sa
mga mananakop. Sanhi ng matinding panliliit na ipinadama sa kanya ng lahing
puti, sisikapin ng isang Negro o Asyano na itaas ang kanyang sarili sa antas ng
mananakop. Dulot ng tendensiya ng mga mananakop na maliitin ang mga kaugalian,
pagpapahalaga, at kultura ng kanilang nasakop, maaaring a) maniwala ang
sinasakop, b) naisin ng sakop na itakwil ang kanyang kultura at halinhan ito ng
kultura ng mananakop, o, c) patunayang may kakayahan ang kanyang kulturang
makapapantay sa kultura ng mananakop.
Halimbawa na
lamang nito ang tinatayang “Unang Yugto ng Kritisismong Pamapanitikan sa
Pilipinas.” Sa “Poetikang Tagalog” ni Virgilio Almario, inilahad niya ang mga
unang halimbawa ng kritisismo sa Pilipinas. Kabilang sa kalipunang ito ang mga
isinulat nina Fray Bencuchillo, Fray San Agustin, Jose Rizal, at Marcelo H. del
Pilar. Sa mga sanaysay na ito, makikita ang tunggalian ng mga prayle at
propagandista. Sa isang panig, tinatangkang patunayan ng mga prayle na walang
panitikan ang mga Pilipino, o kung mayroon man, patunayang mababa ito kung
ihahambing sa panitikang Kastila. Sa kabilang banda naman, pinilit ng mga
propagandista na patunayan ang pagkakaroon ng isang taal at mapagmamalaking
panitikan ng lahing Pilipino.
Binanggit din
ni Fanon ang kongklusyon ni D. Westermann tungkol sa mga edukadong Negro, na
nailathala naman sa magasing The African Today:
The Negroes’
inferiority complex is particularly intensified among the most educated, who
must struggle with it unceasingly. (Fanon, 1968: 19)
Maiintindihan
natin ang kanyang hinuha: To speak a language is to take on a world, a culture.
. . .who wants to be white will be the whiter as he gains mastery of the
cultural tool that language is. (Fanon, 1968: 29)
Ang
Intelektwalisasyon ng Wikang Pilipino
Sa kanyang
sanaysay na “Pilipino Para Sa Mga Intelektwal,” tinalakay ni Rolando S. Tinio
ang dalawa sa maraming mga hadlang na kinahaharap ng wikang Filipino tungo sa
intelektwalisasyon nito. Una, ipinalalagay ng mga Pilipino na walang kakayahan
ang kanilang wika bilang wikang intelektwal. At ikalawa, nangangamba ang mga
Pilipino na maiwan sa kaunlarang pag-iisip kung tumiwalag tayo sa wikang
Ingles:
. . . ganito
pa rin ang nangyayaring palagay – mabisang gamitin ang Pilipino sa mga
karaniwang sitwasyon, ngunit sa mga sitwasyon espesyal, Ingles pa rin ang
kinakailangan. (Tinio, 1975)
Sapagkat sa
wikang Ingles napapalaman ang maraming dalumat at kaalaman, lalo na sa Agham at
Teknolohiya, at Matematika, hindi maiiwasang dito mahasa ang mga intelektwal ng
ating bansa (hindi namin sinasabing ang mga dalubhasa lamang sa Agham at
Matematika ang mga intelektwal, ngunit tulad ng pagpapalagay ni GMA, sa mga
propesyong ito nakasalalay ang pag-unlad ng bansa).
Ngunit hindi
ito problema, kung sa mga terminong gagamitin ang pag-uusapan, ani Tinio:
. . .
maaaring itawag ang anumang salita (katutubo o dayuhan) para sa mga bagay.
Tulad ng sa mga ngalan ng tao, hindi kailangan ng makabuluhang pag-uugnay ng
pangalan at ng pinapangalanan. (Tinio, 1975)
Katulad rin
ng sinabi ni Fanon, kinilala ni Tinio ang kahalagahan ng wika. Para sa kanya,
ito ang nagtataglay ng larawan o krokis ng diwa ng isang lahi. Makikita rito
kung ano ang pinahahalagahan (tunay) ng isang lahi at kung ano ang walang
katuturan (di-tunay).
Sa sanaysay
naman ni Dr. Florentino H. Hornedo, “Ang Wikang Filipino Tungo sa
Intelektwalisasyon,” higit nating mababanaag ang doble-karang paggamit sa
wikang Filipino. Ayon sa kanya, dumadaan ang mga kabihasnan sa dalawang antas
ng pag-unlad ng pag-iisip. Para sa pagpapahayag ng damdamin, ninanasa, o
hangarin, ang Vital Thought o Diwang Buhay ang umiiral. Ngunit sa antas ng
pagpapahayag ng mapanimbang na pag-iisip o pagmumuni (dulot ng mapanuring
kamalayan), umiiral ang Reflexive Thought o Diwang Malay. Kung gayon,
magkakatotoo lamang ang intelektwalisasyon ng ating wika, kung itataas natin
ito sa antas ng Diwang Malay:
At magagawa
lamang ito sa pamamagitan ng puspusang paggamit nito sa mga larangang
intelektwal tulad ng pagtuturo sa antas tersiyaryo at eskwelahang gradwado, sa
pagsulat ng mga akda sa pilosopiya, agham at teknolohiya. (Hornedo)
Kung gayon,
mahihinuhang may kakayahan ang wikang Pilipino na pumantay sa wikang Ingles
pagdating sa larangan ng Agham at Teknolohiya, pati na rin Matematika,
Pilosopiya, at lalong-lalo na sa Humanidades. Kinakailangan lamang, marahil, ng
tuloy-tuloy na paggamit at pagsasanay dito upang higit pang yumaman ang
kalipunan nito ng salita at kakayahang pang-gramatika. Hindi nga naman ito
yayaman ng katulad sa wikang Ingles kung hindi gagamitin sa mga larangang
intelektwal, sa nibel ng Diwang Malay (ang mga espesyal na sitwasyong binaggit
ni Tinio), at hindi lamang sa antas ng Diwang Buhay (ang pangkaraniwang
sitwasyon).
Huling
Analisis
Batay sa apat
na pag-aaral na inilahad sa itaas, makikita natin ang kahalagahan ng pagkakaroon
ng isang laganap na Wikang Pambansa. Ngunit ang malawakang paggamit at
pagpapayaman dito ang higit na mahalaga. Bilang isang mahalagang salik sa
pagbubuo ng Pambansang Identidad, maaari itong magsilbi bilang pananggalang sa
mga dayuhang pwersang maaaring lumamon at magbalewala sa ating kultura bilang
isang bansang malaya.
Maaaring
totoo at maaari din namang hindi totoo para sa Pilipinas ang mga kongklusyon ni
Fanon, ngunit batay na rin sa kasaysayan at kalagayang panlipunan ng ating
bansa sa ngayon hindi natin maikakaila ang patuloy na tagisan ng lakas ng mga
(Imperyalistang) banyaga at ng mga mamamayang Pilipino. Mula sa mga iskwater
hanggang sa mga intelektwal, at maging sa pamahalaan, makikita natin ang
malawakan at pangmatagalang bunga ng pagkasakop sa atin ng mga dayuhan.
Malungkot mang isipin, naisasantabi na lamang ang wikang Pilipino sa ngayon at
itinuturing na “bakya” o pang-“wa’ class” lamang.
Maaaring
sabihin ng iba na, “Hindi naman namamatay ang Tagalog, a. Like, we speak it at
home naman, e.” Ngunit batay sa antas ng pag-unlad ni Dr. Hornedo,
nangangahulugang nasa antas lamang ng Diwang Buhay ang paggamit ng wika kung
gayon. Hindi ito umaabot sa antas na intelektwalisado at nanatiling sekondarya
lamang ang Pilipino sa Ingles.
Sa aming
pagtataya, mabuti ang kalagayan ng wikang Pilipino sa loob ng akademya. Higit
itong ginagamit sa larangan ng Pilosopiya, Teolohiya, at Panitikan. Maaaring
sabihing intelektwalisado na ang wikang Pilipino sa Humanidades. Ngunit sa
ganang amin, hindi sapat ang antas ng intelektwalisasyon ng Pilipino kung sa
akademya lamang ito gagamitin. Maliit na bahagi lamang ng lipunan, sa gayon,
ang tumatangkilik at gumagamit ng sariling wika nang lubusan sa potensyal nito.
Makabubuo man ng pambansang kamalayan ang mga kasapi sa akademya, hindi naman
sila matatawag na isang buong bansa. Ano
ang silbi ng kaunlaran sa Agham at Teknolohiya, kung mawawala ang sariling
kultura?
12 reasons to save the national language
The
Philippines extols is national language for a month, but dismisses it for the
rest of the year as unworthy of recognition as the official language of
communication and primary medium of instruction
The
Philippines holds the disreputable distinction of being the only country in the
world where the national language is extolled for a month, only to be dismissed
for the rest of the year as unworthy of recognition as the official language of
communication and primary medium of instruction.
Some citizens
– victims of what Renato Constantino labeled as (neo)colonial “miseducation” –
even have the gall to demand the use of English language or a regional language
as the country’s language of communication and medium of instruction, despite
the fact that Filipino has been the national language since 1935!
Worse, Filipino
subjects have been obliterated through Commission on Higher Education/CHED
Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013. Hence, instead of celebrating
this year’s National Language Month (Buwan ng Wikang Pambansa), everyone is
requested to help turn the tables against the enemies of our beleaguered
national language.
Allow us to
enumerate a few compelling reasons why Filipino should be used as medium of
instruction in college and why Filipino subjects must be included in the
college curriculum.
1. Filipino
as medium of instruction at all levels is a mandatory provision of the
Philippine Constitution (Article XIV, Section 6): “The national language of the
Philippines is Filipino.... The Government shall take steps to initiate and
sustain the use of Filipino as a medium of official communication and as
language of instruction in the educational system.”
It is thus
abominable that most government agencies use English as their main language of
official communication, and most universities are still reluctant to
progressively implement the Filipinization of the curriculum.
2. Using
Filipino as a medium of instruction in college will only be effective if
Filipino is taught as a subject/discipline too.
3. In the era
of globalization and imminent Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)
integration, Filipinos should further strengthen their own language,
literature, and culture as part of our contribution to the project of global
and regional socio-cultural integration. For what can we contribute to the global
and regional projects of integration if we have no language nor culture to
share with the world and ASEAN?
4. Expanding
and further developing what students have learned in junior and senior high
school is necessary. Hence, there is a need for at least a Filipino subject in
college, as a number of subjects/disciplines in the senior high school
curriculum – such as English, Arts Studies, Political Science, Science and Math
– have parallel or related subjects in the new General Education Curriculum. Why
obliterate Filipino in college when other subjects/disciplines are included in
both the secondary and tertiary level curricula?
5. Skills for
Filipino language and Philippine literature are included in the College
Readiness Standards (CRS) contained in CHED’s Resolution No. 298-2011, hence
including Filipino language and literature subjects in college is a must, if
the CRS is to be genuinely useful. Such subjects will ensure that skills
learned in high school will be further developed in college.
6. The
National Achievement Test (NAT) results for Filipino in high school are still
below the Department of Education’s own standards for mastery, considering that
the highest national mean percentage score for Filipino has never breached 52%
in recent years. Hence, retaining Filipino as a college subject will ensure
that the necessary task of improving students’ facility of the Filipino
language beyond the secondary level is accomplished.
7. The
content of the Filipino senior high school curriculum cannot cover all content
and skills currently taught in college.
8. Filipino
is the national language and language of political democratization as it is
spoken by 99% of the population. It is the most effective language of national
public discourse. It is the soul of our country’s identity and culture. Songs,
poems, speeches, essays, stories in Filipino unite us as a people. Giving our
national cultural heritage some space in all levels of education is a must.
Obliterating it is obliterating ourselves and our collective identity.
9. In K to 12
countries such as the United States of America, Malaysia, and Indonesia,
national language and/or literature are part of the mandatory core courses in
their college curriculum.
10. Filipino
subjects designed in a multi/interdisciplinary way are feasible, as proven by
the dozens of proposals submitted to CHED by various institutions and
organizations.
11. The
inclusion of the national language in the college curriculum is a relatively
new thing, compared with the inclusion of the English language and literature
in the college curriculum. English was imposed as the sole medium of
instruction in 1906 and it still enjoys over-all supremacy in most tertiary
level institutions. Meanwhile, Filipino in college has been effectively institutionalized
only in 1996. It is about time this historical injustice is remedied.
12. Filipino
is a global language taught in more than 80 schools, institutions, and
universities abroad (in some cases, full bachelor’s degree and/or master’s
degree are also offered). Obliterating the space for Filipino and Philippine
Studies at the tertiary level in Philippine colleges and universities will
certainly negatively affect the status of Filipino as a global language. –
Rappler.com
A Brunei-born
Filipino citizen, David Michael San Juan serves as associate professor at De La
Salle University-Manila. He is also a board member of the Pambansang Samahan sa
Linggwistika at Literaturang Filipino and a convenor of Alyansa ng Mga
Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/Alliance of Defenders of the Filipino
Language (Tanggol Wika).
Filipino Canadians call for Tagalog language education
in B.C. public schools
The B.C.
Ministry of Education has created curriculum documents for nine international
languages: French, German, Italian, Japanese, Korean, Mandarin, Punjabi,
Spanish, and American sign language. Now, young Vancouver residents of
Philippine ancestry want a 10th one added to the list: Tagalog. On Saturday
(June6), Filipino Canadians held a news conference at Slocan Park to launch a
campaign to have the national language of the Philippines offered as an
elective in secondary schools. One of the organizers is James Infante, a member
of the UBC Filipino Students’ Association executive.
Prior to the
news conference, he told the Georgia Straight by phone that young people have
been discussing the important role language can play in helping Filipino
Canadians connect with their culture.
“We’re going
to work closely with school boards to see where we can have that offered,” Infante
said. “We see lots of other languages being offered, so I think it’s about
time.”
In 2010, more immigrants came to Canada from
the Philippines than from any other country. And in the 2011 census, there were
662,600 Canadians of Philippine ancestry.
Infante said
that Tagalog classes could enhance the connection between second-generation
Filipino Canadians and more recent arrivals. Those newer immigrants sometimes
include children of people who may arrived through the live-in caregiver or
temporary foreign worker programs. (Late last year, the federal government
scrapped the live-in requirement for people moving to Canada under the
caregiver program.)
“What we’ve
seen through the years is a lot of parents make the choice of having their kids
learn English first,” Infante said. He added that this can come at the cost of
learning values from the old country, which can be transmitted via language,
particularly if the parents are so busy working two jobs just to make ends
meet.
“It’s
important to keep some of the values,” Infante said. “Language is going to play
an important role in learning Filipino history but also in getting to learn the
culture better and some of the values in our culture.”
Tagalog is
the most widely spoken of about 185 different languages in the Philippines,
which is home to 100 million people on 7,000 islands. Vancouver-Kensington NDP
MLA Mable Elmore is the only MLA of Philippine ancestry. She told the Straight
by phone that she’s there to help the young people, but emphasized that they
are the ones driving this campaign.
She also said
that more Tagalog education can help facilitate the integration of new
immigrants into Canadian society.
“You get
newly arrived immigrants who speak Tagalog,” Elmore said. “And you get
second-generation Filipino Canadians who don’t speak Tagalog. And language can
be a barrier. That’s what we’ve heard from high-school students. If they’re
able to overcome and bridge those
differences, there’s more connection.”
Former NDP
cabinet minister Moe Sihota played an instrumental role in the introduction of
Punjabi-as-asecond-language education in B.C. schools. Elmore said that she has
discussed this with Sihota, the past party president.
However, she
also emphasized that any effort to introduce Tagalog courses in high schools
must come from the community. She noted that some of these issues were
discussed at a recent conference of young Filipino Canadians held at UBC.
“We’re
working with youth who are very active in Sir Charles Tupper and John Oliver [secondary
schools],” Elmore said.
Elmore
pointed out that in 1964, there were only 660 Filipino Canadians living in
Canada. The following year, her mother immigrated to Canada from the
Philippines and later married her Canadian-born father of Irish ancestry.
Elmore was born in Langley and grew up speaking English at home. Her mom,
Maria, is from the island of Cebu, where
she spoke Visayan. It was only later in life that Elmore started
learning Tagalog.
The NDP MLA
grew up in The Pas, Manitoba, and recalled being asked where she was from. She
said that people assumed she wasn’t born in Canada because she was
darker-skinned than her classmates.
“When I was
in my 20s, I was interested in kind of looking at identity and what it means to
be Filipino Canadian—and also [examining] experiences around racism,” Elmore
said. “That brings those questions into focus. I started getting involved in
the Filipino community and learning about the history of the Philippines.”
This
exploration helped her understand why her mother and many other Filipinos
settled in Canada.
“It’s
important to know that identity and to have that appreciation of culture and
heritage,” Elmore said. “Language is central to that.”
Media at Pambansang Wika Ni Roland Tolentino
Media ang
pangunahing daluyan ng pambansang wika, o ang popular nitong bersyon, kolokyal
na Tagalog, Filipino at Taglish. Maliban sa evangelical na palabas na
nagbibigay-aral at nanghihimok ng kumbersyon sa ingles, ang kalakhan ng free
channels sa telebisyon ay gumagamit na nitong Filipino.
Dati ay
primetime telebisyon lang ang gumagamit nito. At simula ng pinakahuling balita
sa gabi, lahat ay bumabalik sa ingles, lalo na ang news magazine shows. Pero
nahigop ito ng Filipino, lumawak ang oras at palabas na tinaguriang “primetime,”
at kung gayon, mas maraming oras ng advertisement na pinagkakakitaan ng may-ari
ng kompanya.
Magkabilang
pisngi ng iisang mukha ang telebisyon bilang lunduyan ng pagpapalaganap ng
pambansang wika. Sa isang banda, ito na ang nakakapagpaunlad ng kontemporaryong
Filipinong kauna-unawa sa buong bansa. Ang kalakarang hindi kayang ilehislatura
o isabatas hinggil sa pambansang wika ay naisasakatuparan na ng popular na
media.
At hindi
nag-iisa ang telebisyon bilang pangunahing disseminator ng wika. Lahat ng AM
stations sa radyo ay gumagamit ng Filipino at mga wikang bernakular. Ang FM
stations ay kinakailangan ding gumamit ng Taglish kaysa ingles na may twang at
slang dahil masyadong nae-alienate ang tagapakinig, lalo na ang Amerikanong
tagapakinig kapag ang DJs ay “pretend” (nagpapanggap na American native
speaker).
Ito na rin
ang nagsisiwalat ng isang Filipino ingles na binibigkas. Walang American twang,
tadtad ng idiomatikong expresyong pidgin o kakatwa lang sa Pilipinas, at may
rekurso sa Taglish bilang performatibong wika ng gitnang uring tagapakinig ng
FM station. Ang umuunlad na pinapakinggang Taglish ang siyang benchmark ng
isang wika aspirasyonal para sa mababang uri na kahit man lamang ito—halong
Tagalog at ingles—ay makayanang maabot, at sa mataas na uri para
makapagkomunikasyon sa sirkulo ng iniinugang mababang uri, tulad ng kanilang
katulong, driver, watch-your-car boy, nagbebenta ng sampaguita at yosi, at iba
pa.
Ang umuunlad
na wika ay pragmatikong wikang kolokyal. Nasasapol nito ang aspirasyonal na
layunin ukol sa komunikatibong operasyon sa bansa. Na ang abang uri ay maari
ring umangat—at the very least, maging call cente agent—kung makikinig lamang
ito ng Taglish sa popular media, mga bagay na hindi niya lubos na matutunan sa
akademikong kalakaran na purong Filipino o purong ingles lamang.
At ang mataas
na uri ay maaring magkaroon ng reli (relevance) sa kinakausap na abang uri,
dahil marahil sa kauna-unahang pagkakataon, may nauunawaang popular na wikang
pinaghahalawan ang kumakausap at kinakausap. Para itong wika ng popular na
pelikula, kahit mamilipit na ang mga karakter—na ginagampan ng pinakabatikang
batang artista—na magdiretsahang ingles, nakakapanghimok pa rin ang wika ng
aspirasyonal na lifestyle choice: edukasyon, career, pag-ibig, pamilya at
gitnang uring buhay.
Na kahit nga
abang uri ang mga tauhan at naratibo ng mga pelikulang popular, sa pamamagitan
ng gitnang uring panuntunan, ang punto-de-bista at pagpapahalaga ay
maglilikhang hindi nakikita at natutunghayan ang materialidad ng abang uri.
Tanging ang aspirasyon ng gitnang uri ang tumitingkad. Kaya ang ordinaryong
assistant sa isang advertising company na babae ay mai-inlove sa kanyang
masungit na boss, at mai-inlove gamit ang wikang Taglish.
Sa internet,
sinasabing ang sites na sa Filipino at bernakular ay mas maraming trafiko at
hits kaysa sa sites sa ingles. Umaariba na ang kolokyal na pambansang wika, at
ang panuntunan ng gatekeepers ng ofisyal na wikang pambansa ay, sa pangunahin,
nakasentro sa usaping standardisasyon (baybay, panunumbas na kahulugan, gamit
sa pangungusap, at iba pa).
Sa kabilang
banda, sa mas pragmatikong usapin, ang pagpapalaganap ng media ng kolokyal na
pambansang wika ay hindi naman dahil sa pagmamahal ng una sa huli. Mas atas pa
ng pangangailangan ng higit na kita ng media—isa sa mga huling negosyong
nilinaw ng Konstitusyon na para sa mga Filipino lamang—ang motibasyon ng
pagtangkilik ng negosyong media sa wikang pambansa.
Narinig kong
magsalita ang mga artista sa “The Buzz,” isang showbiz talk show. Si Shaina
Magdayao ay nagpapaliwanag kay Boy Abunda hinggil sa pang-aalipustang siya ang
dahilan ng pagka-setback sa career ni John Llyod Cruz. Ewan ko kung tipong
inaabot ni Shaina o Gerard Anderson—na nagpapaliwanag naman sa korte ng popular
na publikong opinyon hinggil sa paghihiwalay nila ni Kim Chu–ang manonood na
kalakhan ay galing sa mababang uri, pero hindi sila makapagsalita ng tuwid na
Filipino o ingles.
Ang kanyang
rekurso ay paghaluin ito, at ito ang tagumpay ng pag-inhinyero ng media
conglomorates sa artista at wika: wala nang nasa labas ng kolokyal na wika, at
ang pagpaminta ng ingles sa Filipino ay ang pagsasanib ng higit na aspirasyonal
na halaga ng wikang ingles sa Filipino. Hindi rin kakatwa na wikang ingles ang
inaakalang literal na magpapayaman sa nagsasanib nito sa wikang Filipino.
Hindi ba’t
ingles ang siyang kolonyal na wika, at kasalukuyang tampok na global na wika sa
ating insular na mundo? Kahit pa sa boom economies ng India at China at ang
pangangailangan ng maraming Filipinong marunong ng wika ng mga ito para sa
engagement sa mga bagong global na economic powers, patuloy lamang ang
pinupuntirya ng mga Filipino ay ang circuitous na pakikisalumuha via ingles?
Sa madaling
salita, pambansang aspirasyon ang kolokyal na pambansang wika. Ang sentral na
impetus ay nanggagaling sa pambansang motibasyong makaalinsabay sa
globalisasyon, o ang paghahanap ng lokal na idioma sa global na kapitalismo.
Hindi ito dumidiretso sa kalakarang global, ang pagpasok sa ekonomiya ng India,
China at iba pang umuunlad at mas mauunlad na bansa.
Ang
trajektori ng aspirasyon ay tungo sa katagumpayan ng globalisasyon sa
pambansang kondisyon: ang higit pang penetrasyon ng global sa lokal. Ang
kultural nitong pagsasalin ay nangangahulugan ng mobilisasyon sa pamamagitan ng
overseas contract work sa labas ng bansa at call center work sa loob ng bansa.
At media ang nagpako ng kasalukuyang estado ng pangarap ng mamamayan.
Ang kahulugan
ng paglaganap ng isang kolokyal na wikang pambansa sa media ay nagsaad rin ng
nasyonal na agenda: sa pamamagitan ng kolokyal na wikang pambansa makakalahok
ang bansa sa kolokyal na globalisasyon. Nananatiling nasa laylayan ang bansa at
ang wika nito tungo sa internalisasyon ng globalisasyon. At dahil magpakaganito,
tumitingkad ang materialidad ng di-pantay na penetrasyon ng globalisasyon sa
buong mundo.
Kung titignan
ang diyaryo, malinaw na ang broadsheets—ang lehitimong peryodismo—ay nakasulat
sa ingles. Sa mga tabloid, na higit na tinutunghayan ng mas maraming bilang ng
ordinaryong mamamayan, ay sadlak sa sensationalismo, ang bulgar at bawal,
sexual at bastos, at iba pa. Hindi ba’t ang isinasaad nito ay ang di-opisyal at
popular na motibasyon sa kaalaman-kultural na dulot ng tabloid ay tungo sa
mismong hindi aangkop sa kinikilalang ofisyal na peryodismo sa bansa?
Kaya ito ang
debacle sa wikang pambansa at media na nagpapalaganap ng kolokyal na variasyon
nito: ang pinapatingkad ay ang kabalintuan ng di makapantay at makaagapay sa
ofisyal na globalisasyon, at ang kasalukuyang tereyn ng kolokyal na wikang
pambansa ay nananatiling nasa bulgar, ipinagbabawal, sexual at bastos.
(Bulatlat.com)
WIKANG FILIPINO: HININGA, KAPANGYARIHAN AT PUWERSA
(Pangalawang
Gantimpala, Gawad Komisyon sa Sanaysay 2012 ng Komisyon sa Wikang Filipino)
“Parang
hininga ang wika, sa bawat sandali ng buhay natin ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at may
kakayahang umugnay sa kapwa nating gumagamit din dito.”
—Bienvenido
Lumbera
Kapangyarihan
ang wikang Filipino sa Pilipinas. Kapangyarihan ang sariling wika. Isa ang
sariling wika sa bumubuo ng ating pagkatao. Nang dahil sa sariling wika,
nagkakaroon tayo ng tiyak at tunay identidad na hindi hiram sa iba. Nagiging
ganap ang ating pagkatao sapagkat malinaw ang nagbunsod nito—ang sariling wika
at kultura. Nagiging malaya tayo sa lipunang ating ginagalawan dahil ganap ang
ating pagkatao. Nagiging lubos ang kapangyarihan na sumasaklaw sa ating
kamalayan kung lubos din nating natatanggap ang sariling wika. Sang-ayon ito sa
sinabi ni Bienvenido Lumbera na ganito: “Sa pagtanggap natin sa wika,
pumapaloob tayo sa isang lipunan at nakikiisa sa mga taong naroon. Samakatuwid,
ang kamalayan natin bilang indibidwal ay karugtong ng kamalayan ng iba sa
lipunan. Kapag may kapangyarihang sumakop sa kamalayan ng kapwa natin sa
lipunan, kasama tayong napapailalim sa nasabing kapangyarihan.”
Ang sariling
wika ay hindi nakababawas ng katalinuhan at katanyagan kung gagamitin sa iba’t
ibang larangan. Kung ang usapin ay karunungan, maraming nag-aakala na mahina
ang mga Filipinong hindi nagsasalita ng wikang dayuhan partikular na ang mga
taong hindi nakapagsasalita ng matatas sa Ingles. Madalas silang maparatangang
walang alam o mas masakit, tinataguriang bobo. Isa itong masaklap na pangyayari.
Ngunit humihina na ang ganitong pagpaparatang dahil ginagamit ang wikang ito ng
kasalakuyang Pangulo at hindi naman ito nakabawas ng katalinuhan at katanyagan.
Sa kanyang mga talumpati at opisyal na pakikipagtalastasan sa taumbayan, buhay
na buhay ang wikang Filipino tulad ng pagsasabi niya sa kanyang SONA na malakas
ang bansang Pilipinas. Hindi ba’t napakaliwanag ang landas na tatahakin kung
kasabay ng malakas na Pilipinas ay malakas rin ang Filipino bilang matatag na
wikang pambansa?
Ang mga
Balakid sa Biyahe ng Wikang Filipino
Sa kabila ng
pagpapatatag at malawakang paggamit ng wikang Filipino, buhay na buhay pa rin
ang maraming isyung nagpapahina sa ating wikang pambansa. Mga dati nang isyung
nagiging dahilan kung bakit hindi umusad ang biyahe nito. Una na rito ay ang
hindi maayos na pamamahala ng edukasyon sa ating bansa at karaniwang nakakiling
ang mga administrador ng mga paaralan at pamantasan sa wikang Ingles dahil ito
raw ang wika ng mundo.
Pangalawa ang
uri ng trabaho na laganap sa Pilipinas, ang sunod-sunod na pagsulpot ng mga
Business Process Outsourcing (BPO) o mga call center na nangangailangan ng mga
Pilipinong sanay magsalita ng Ingles.
Pangatlo ang
kakitiran ng pag-iisip ng maraming edukador na hindi maaaring maging wikang
panturo ang pambansang wika. Hindi ito maaari sa edukasyon sa Pilipinas. Lagi
nilang sinasabi na Ingles lamang ang wika ng karunungan lalo na sa Agham at
Matematika. Dati pa itong isyu na hindi pa rin nila matanggap ang sagot dahil
nakabaling pa rin ang kanilang paningin sa wika ng mga dayuhan.
Pang-apat na
isyu, ang napakababang pagtingin ng mga mambabatas, maraming opisyal ng
pamahalaan at ilang kolonyal na Pilipino sa wikang Filipino. Marami sa kanila
ang may maling haka na wala itong lakas at hindi matatag para umangkop sa
pangangailangan ng Pilipinas sa maraming larangan, medisina, batas, enhinyerya
at iba pang malalaking larangan.
At ang huling
isyu, kulang na kulang daw sa mga sanggunian at
kakaunti ang naisasaling karunungan mula sa banyagang wika tungo sa wikang
Filipino na kailangang–kailangan ng mga estudyanteng Pilipino.
Ilan ito sa
nagiging dahilan kung bakit natatrapik ang biyahe ng wikang Filipino.
Paulit-ulit na lamang ang ganitong isyu na ipinupukol ng mga Pilipinong mahina
ang pagkilala sa sariling wika sa ating bansa. Kaya paulit-ulit na natatrapik
ang ating identidad bilang Pilipino.
Kalbaryo ng
Wikang Pambansa
Matinding
kalbaryo ang sinapit ng wikang Filipino lalo na ang nilagdaan sa panahon ng
nakalipas na administrasyong Macapagal-Arroyo ang Executive Order 210
(Establishing the Policy to Strengthen the Use of English Language in the
Educational System). Pumasa rin sa kongreso ang House Bill 4701 (An act to
Strengthen and Enhance the Use of English as the Medium of Instruction in
Philippine Schools) na nagligaw sa wikang pambansa para humina at mawalan ng
kabuluhan sa edukasyon sa Pilipinas.
Totoo na ang
Ingles ang wika ng mundo para magkaunawaan ang iba’t ibang lahi sa daigdig
ngunit hindi totoo na wikang Ingles ang wika ng karunungan sa bansang may
sariling kultura at kabihasnan, lalo na’t ang bansang ito ay may sariling wika.
Baluktot ang daang tinutumbok ng mga Pilipinong hanggang sa kasalukuyan ay
nagsusulong na sa Ingles matatamo ang ganap na pagkatuto.
Kailangan pa
ba ng maraming sarbey na magpapatunay na hindi sa Ingles ganap na matututo ang
mga Pilipino, samantalang malinaw na sa SWS Survey noong 1993 na 18 porsyento
lamang ng mga Pilipino ang may ganap na kadalubhasaan sa paggamit ng wikang
Ingles at karamihan pa sa kanila'y lumaki sa Amerika at bumalik lamang dito sa
Pilipinas. Hindi pa yata sapat na batayan ito para mapanuto ang mga maka-wikang
dayuhan. Sa sumunod na sarbey ng SWS na may kinalaman sa Filipino noong
December 1995, sa tanong na gaano kahalaga ang pagsasalita ng Filipino? Lumabas
sa sarbey na 2 sa bawat 3 Pilipino ang nagsasabing mahalagang-mahalaga ang
pagsasalita ng Filipino. Lumabas din na 71 porsyento ng nasa Luzon, 55
porsyento ng nasa Bisaya at 50 porsyento ng nasa Mindanao ang sumagot na
mahalagang–mahalaga ang pagsasalita ng Filipino. Sapat itong batayan na
mahalagang-mahalaga ang wikang Filipino saanmang panig ng Pilipinas. Sa sarbey
ring ito nalaman ang pulso hinggil sa wikang Filipino ng mga Pilipinong nasa
uring ABC (o mga mayayaman, angat at maykaya sa buhay), 73 porsyento sa kanila
ang nagsabing mahalagang-mahalaga ang pagsasalita ng Filipino. Matatag itong
basehan na hindi lamang ang nasa uring D at E (o mga mahihirap at hikahos sa
buhay) mahalagang-mahalaga ang Filipino. Bilang dagdag, sa sarbey rin ng SWS noong
abril 8-16 1998, tinanong ang 1,500 na Pilipino sa iba’t ibang panig ng
Pilipinas kung ano ang unang wika nila sa tahanan, 35 porsyento ang ang nagsabi
na Filipino, 24 porsyento ang nagsabi na Cebuano, 11 porsyento ay Ilonggo, 8
porsyento ay Kapampangan, 5 porsyento ay Ilokano, samantalang 1 porsyento
lamang sa buong bansa ang nagsabi na
Ingles ang una nilang wika sa tahanan.
Kung ang resulta ay pumapabor sa
Filipino bilang unang wika sa tahanan, hindi ba’t sa bansang Japan, South
Korea, Belgium, Czeck Republic at Slovakia, ang wikang ginagamit nila sa
edukasyon ay ang unang wika na natutuhan nila sa tahanan at ang wikang kanilang
ginagamit sa pang-araw-araw na buhay. Mapapansing sila ang nanguna sa Third
International Maths and Science study noong 1997—ibig sabihin magagaling ang
kanilang estudyante sa larangan ng Agham at Matematika. Ang kanilang sikreto,
gumagamit sila ng wikang hindi nalalayo sa kanilang identidad–ang sarili nilang
wika.
Bukod sa SWS,
mapapansing kahit sa pag-aaral ng isang iskolar na Hapones na si Koichiro
Nakahara noong Enero 2005 malinaw na hindi Ingles ang namamayaning wika sa
Pilipinas. Aniya, “The national language of the Philippines is Filipino. The
official languages are Filipino and English. English has been being used there
since the beginning of the 20th century but it has not been easy to popularize
by the Filipino there.” Lumalabas sa kanyang sarbey na may 139 na Filipinong
tagatugon, 35 porsyento ang nagsabing dapat Filipino lamang ang opisyal na wika
sa Pilipinas samantalang 2 porsyento lamang ang nagsabi na dapat Ingles lang at
61 porsyento ang nagsabi na Filipino at Ingles. Pinatunayan din ng resulta ng
kanyang sarbey na hindi pareho ang Tagalog at Filipino dahil lampas sa kalahati o 51 porsyento
ang nagsabi na magkaiba ito.
Kung
mapapanood ang dokumentaryo ng I–Witness na may pamagat na “Don’t English Me”
ni Howie Severino. Nabanggit doon na lampas sandaang taon na nating inaaral ang
wikang Ingles ngunit bakit haggang sa kasalukuyan ay tila walang katatasan sa
pagsasalita ng wikang Ingles ang mga Pilipino. Pamali-mali pa rin ang marami sa
atin sa pagbaybay ng salitang Ingles. Ipagdidiinan naman ng mga maka-Ingles na
hindi raw kasi siniseryoso ng maraming Pilipino ang pag-aaral ng wikang Ingles
kaya walang ganap na pagkatuto. Baluktot ang kanilang punto. Hindi kasi natural
na dumadaloy sa kaisipan ng mga batang Pilipino ang dayuhang wika kaya mahirap
maging matatas sa paggamit ng wikang iyon. Nahihirapan ang isang batang
nag-uumpisa pa lamang ng pag-aaral sa elementarya na maunawaan ang leksyong
pinag-aaralan nila sa klase lalo na kung
itinuturo ito sa wikang hindi niya nakasanayan o nakagisnan. Nagreresulta tuloy
ito ng mataas na drop-out rate, tinatamad nang mag-aral ang mga bata dahil
hindi naman lubos na nauunawaan ang wika ng guro lalo na sa Agham at
Matematika. Sa pagtataya nga sa kasalukuyan, sa 100 batang tumutuntong sa
elementarya, 70 porsyento lamang ang nakatatapos. Sa mga nagtapos ng
elementarya, 90 porsyento ang makapapasok sa mataas na paaralan at paglipas ng apat na taon ay 46 porsyento
lamang ang magmamartsa at sila lamang ang makatutungtong sa mga unibersidad o
kolehiyo. Mapapansing wala pa sa kalahati ang magtatapos sa kolehiyo. Ang
masama nito, marami sa mga hindi nakapag-aral ang nagiging kriminal at nagiging
problema ng bansa. Ang mga nagtuloy naman sa pag-aaral ay masasabing hilaw ang
pagkatuto, kung pag-uusapan ang wika—hindi na matatas sa wikang nakagisnan ay
unti-unting nalimutan at hindi na ito napahalagahan. Mali kasi ang sistema ng
edukasyon sa Pilipinas, bata pa lamang ay isinusubo na ang wikang dayuhang
mahirap maunawaan.
Wala naman
talaga sa wikang dayuhan ang pagkatuto ng mga Filipino kundi nasa sariling
wika. Pagpapatunay nga ng isang edukador na Canadian na si Phil Bartle, “Sa
pag-aaral ng basikong literasiya, ang wikang gagamitin ay base sa kung ano ang
karaniwang naiintindihan at alam ng pamayanan. Walang isang wika ang
pinakamahusay kaysa sa iba.” Kung babalikan din natin ang kasaysayan ng Pilipinas,
nang ipinag-utos ng mga Amerikano noong 1901 na gawing opisyal na wikang
panturo ang wikang Ingles sa mga paaralan sa Pilipinas, makalipas lamang ang
dalawampu’t limang taon ay nabatid agad ng Amerikano sa pamamagitan ng
pag-aaral ng Monroe Educational Survey Commission na hindi naging matagumpay ang pagkatuto ng
mga Pilipino gamit ang wikang Ingles sa kanilang pag-aaral. Dahil dito
ipinag-utos din noong 1931 na wikang vernakular na ang gagamiting wikang panturo
sa elementarya.
Matagal na
dapat nating alam na ang wikang dayuhan ang isa sa dahilan ng pagkaligaw nating
mga Pilipino sa daan ng karunungan. Noon pa sinasabi at ipinaalala ng isa pang
Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan na si Virgilio Almario na,
“Kailangang-kailangan na natin ang Filipino sa edukasyon at opisyal na
talastasan. Pero ayaw nating harapin ang tawag ng taumbayan.”
Pagsakay sa
Tatag ng Filipino Bilang Wika ng mga Pilipino
Umiiral sa
realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiral
at ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan ng mga Pilipino. Mga Pilipino
ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi-tangi ang
tatag nito dahil ito ang wika ng lipunang Pilipino. Kaugnay ito sa sinabi ni
Pamela Constantino na, “Ang anumang kapangyarihan o puwersa ng wika ay
itinalaga ng institusying sosyal.” Hindi maitatangging malakas sana ang puwersa
at kapangyarihan ng wikang Filipino sa maraming larangan tulad ng edukasyon,
batas, agham, teknolohiya at iba pa, ang kaso pinahihina at binabansot ng
paniniwala ng nagkukunwang edukado at maraming politiko sa ating bansa.
Isang
simpleng sitwasyon ang maaaring maging halimbawa na maraming nagkukunwang
edukado ang salat pa rin ang kaalaman pagdating sa usapin hinggil sa ating
sariling wika. Sa panahon na nililitis si dating Presidente Joseph Estrada sa
kasong pangungurakot. May isang sitwasyon na nagpapakita ng maling pagtanaw sa
wika ng mga mambabatas sa Pilipinas kaya hindi ito maisulong nang husto bilang
wika sa larangan ng batas. Noong tinanong ni Hilario Davide (isang Cebuano),
ang saksing si Emma Lim kung anong wika ang nais niyang gamitin sa
pagtestimonya, sumagot si Lim na sariling wika ang gagamitin niya—ang Tagalog.
Nakapagtataka ang sinabi ni Davide na wala silang interpreter mula Tagalog
tungong Ingles, sa Filipino tungong Ingles ay mayroon. Tila hindi batid ni
Davide ang pinagdaanang kasaysayan ng wikang Filipino. Dahilan kaya ang
pagiging Cebuano niya? Ngunit nang magsalita si Senador Franklin Drilon na
isang Ilonggo, sabi niya, hindi na kailangan ng interpreter sapagkat lahat
naman sila ay mauunawaan ang testimonya kahit sa Tagalog.
Nabanggit din
ni Constantino na taglay ng wika ang kakayahang baguhin ang paniniwala ng isang
indibidwal. Sa pakikipag-ugnayan gamit ang wika, maraming bagay ang maaaring
magbago. Kunsabagay, marami nang pangyayari sa Pilipinas na kinakitaan ng
malaking pagbabago tungo sa pagsusulong ng wikang Filipino.
Ang matibay
na halimbawa ay noong Agosto 20, 2007, tatlong korte sa Lungsod ng Malolos ang
nagdesisyong gumamit ng Filipino sa paglilitis upang maisulong ang pambansang
wika. Labindalawang istenograpo mula sa hukuman 6, 80 at 81 bilang modelong
korte gamit ang wikang pambansa ang sumailalim sa pagsasanay sa Marcelo H. del Pilar College of Law ng Bulacan
State University bilang pagsunod sa direktiba ng Korte Suprema ng Pilipinas
hinggil sa paggamit ng Wikang Filipino sa istenograpiya. Pangarap noon ng
dating Punong Mahistrado na si Reynato Puno na pati sa Laguna, Cavite, Quezon,
Nueva Ecija, Batangas, Rizal at Metro Manila ay maipatupad ang paggamit ng
sariling wika sa paglilitis.
Dati pa man,
sa sanaysay ni Virgilio Almario na may pamagat na “Filipino ang Filipino”
nabanggit na niya ang maraming pagsisikap at eksperimento sa paggamit ng
Filipino sa gawaing akademiko. Aniya, maraming gurong pasimuno sa mga
unibersidad, lalo na sa UP, Ateneo de Manila, at De La Salle. Nangunguna raw si
Dr. Virgilio Enriquez sa mga orihinal na saliksik sa sikolohiya sa wikang
Filipino. Itinuro ni Fr. Roque Ferriols ang pilosopiya sa Filipino. Isinalin ni
Judge Cesar Peralejo ang kodigo sibill at kodigo penal. Lumikha ng diksyonaryo
sa kemika si Dr. Bienvenido Miranda at sa Medisina si Dr. Jose Reyes Sytangco.
May libro sa ekonomiks si Dr. Tereso Tullao, Jr. sa wikang Filipino. May mga
nagtuturo ng matematika sa Filipino. At marami nang jornal at monograp sa iba’t
ibang disiplina na nakalathala sa Filipino. Kaya hindi totoo na kulang na
kulang sa sanggunian at kakaunti ang naisasaling karunungan mula sa banyagang
wika tungo sa wikang Filipino. Katunayan, patuloy ang Sentro ng Wikang Filipino
ng Unibersidad ng Pilipinas sa paglalathala at pagpondo sa mga aklat na nasa
Filipino. Nasabi na rin dati pa ni Almario, “Kung ang usapin ay ang paglilimbag
ng mga materyales sa pag-aaral na nakasulat sa sariling wika, walang demand
kaya hanggang ngayo’y walang pabliser na nagpapasimuno sa paglalathala ng aklat
sa wikang Filipino sa iba’t ibang larangan.”
Ang lahat ng
nabanggit na halimbawa ng pagsisikap tungo sa ikauunlad ng pagkatuto sa iba’t
ibang larangan ay dahil sa puwersa at kapangyarihan ng wikang umiiral at
nandyan lang. Hindi na dapat nating ipagtaka kung paano nagawa ang pagsasalin
at pagpapabukal ng karunungan sa ibat’ ibang larangan gamit ang wikang
Filipino. Angkop na angkop ito sa pananaw ni Umberto Eco sa kanyang sanaysay na
“Language, Power, Force” binanggit niya, “We must not be amazed then to hear
people say that the given language is power... because outside the given
language there is nothing.”
Pagtahak at
Pagtalunton sa Wika at Edukasyon sa Pilipinas
Naging pugad
ng anomalya ang edukasyon sa Pilipinas
sa mga nakalipas na taon. Naging gatasan ito ng ilang opisyal ng
gobyerno na naging mitsa ng panganganib ng kalidad ng edukasyon ng mga
Pilipino. Ilan sa anomalya ng DepEd ay ang noodles scam noong 2007, ang noodles
na nagkakahalaga ng 18 pesos bawat isa. Ang textbook scam na isiniwalat ni
Antonio Go kung saan bumili ang gobyerno ng mga aklat na hindi dumaan sa maayos
na bidding at ebalwason na nagdulot ng mababang uri ng mga aklat ngunit
napakamahal ang presyo. Nakasasagabal ang ganitong pangyayari sa Pilipinas
upang maabot natin sa taong 2015 ang inihain ng United Nations na Education for
All (EFA) o Edukasyon para sa Lahat, higit pa yatang lumalala ang baku-bakong landas
na tinatahak ng edukasyon sa Pilipinas. Kahit bumuo noong 2007 ang nakaraang
administrasyong Macapagal-Arroyo sa pamamagitan ng Executive Order 652 ang
Presidential Task Force on Education (PTFE) upang matugunan ang EFA, wala itong
nagawa dahil patuloy na bumagsak ang literacy rate o antas ng pagkatuto ng mga
Filipino. Sa datos nga ng NSO noong 2011
apat sa sampung kabataan ang hindi marunong bumasa at sumulat.
Batay sa mga
datos na nakalap ni Dr. Edberto Villegas, sa panahon ni Macapagal-Arroyo, kalunos-lunos
ang kalagayan ng mga estudyante at guro sa mga pampublikong paaralan sa
Pilipinas. Nasaliksik niya na batay mismo sa estadistika ng gobyerno, may
kakulangan ng 49, 000 na klasrum at may 2, 381, 943 na mga desk/armchairs sa
ating mga paaralan. Ang ratio ng bilang ng libro sa mga estudyante ay 0.33 sa
mga pampublikong paaralang pang-elementarya at 0.6 sa hayskul. Nananatili rin
ang kababaan ng sahod ng mga guro ayon sa datos ng Alliance of Concerned Teachers o ACT. Ang 500,000 guro sa
elementarya at sekondaryang pampublikong paaralan ay sumasahod lamang mula 4,
000 hanggang 6, 000 bawat buwan.
Bukod sa mga
nabanggit na mga anomalya at suliranin sa edukasyon. Nananatiling suliranin sa
larangang ito ang hindi pagtanggap ng maraming edukador sa wikang Filipino
bilang wikang panlahat at wikang panturo.
Ayon kay
Bienvenido Lumbera, “Sa kasalukuyan, nagkapuwang na ang wikang Filipino sa
kurikulum. Hindi pa ito ang kinikilalang wikang panturo, pero may lugar na ito
sa paaralan. Nakapasok na sa akademya ang wika ng masa. Bagamat ang marami sa
mga maykapangyarihan ay nagmamatigas pa rin na sa Ingles lamang nagaganap ang
tunay na edukasyon ng kabataang
Filipino.” Sa obserbasyong ito ni Lumbera, ang lakas at kapangyarihan ng
sariling wika sa Pilipinas ay pinipigilan pa rin ng mga maykapangyarihan dahil
nakabaling sila sa dayuhang wika. Tila bulag ang mga Pilipinong nasa
kapangyarihan at kolonyal mag-isip kung kaya’t nananatiling suliran sa
edukasyon hanggang sa kasalukuyan ang wikang panturo.
Ang isa pang
mabigat na isyu, hindi magaganap ang pagsupling ng kontra-kolonyal na wika at
edukasyon kung ang laganap na trabaho sa Pilipinas ay Business Process
Outsourcing (BPO) o mga call center. Dahil sa trabahong ito, lumikha ng mga
programa ang maraming unibersidad na magpapalakas sa wikang Ingles at ang mga
kolehiyo at unibersidad na may programang BSE English at AB English ay hindi na
tumuon sa pangangailangan ng Pilipinas na humubog ng mga magiging edukador sa
hinaharap, itinuon at nakapadron ang mga kurikulum sa pangangailangan ng mga
call center na sa loob nito’y mga Pilipinong naglilingkod sa mga dayuhan.
Masaklap kung iisipin na maraming mga kolehiyo at unibersidad sa ating bansa
ang hindi naghahain ng mga programang nagsusulong at nagpapalakas ng identidad
at diwang Filipino gaya ng mga programang BSE Filipino, AB Filipinolohiya,
Araling Pilipino na pinalalakas na lamang ng ilang unibersidad sa ating bansa.
Kung may mga trabaho nga lang sana tumutugon sa pangangailangan ng mga
Pilipino, hindi sana nagiging ganito ang sitwasyon ng mga institusyong
pang-edukasyon.
Ang Tatag ng
Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino
Sa
napakaraming isyu tungkol sa wika at edukasyon sa Pilipinas, mababakas naman
kahit papaano sa sinasabing tuwid na landas ng kasalukuyang administrasyong
Aquino ang kontra-kolonyal na wika at edukasyon. Huwag nga lang sana itong
maging wang-wang kundi maipatupad din ayon sa kagustuhan ng kanyang nga
boss—tayong mga Pilipino. Bukod sa pambansang programa niya kontra-korupsyon,
ang kanyang pambansang adyenda sa edukasyon para sa ating bansa ay bumabaling
sa Filipino. Ayon sa DepEd, sa kasalukuyan napigilan na ang ugat ng korupsyon
sa kanilang ahensya at tumuon sila sa pagpapataas ng edukasyong primarya. Nais
nilang “bawat bata, mambabasa” sa unang grado, sa ganitong punto mapapataas ang
antas ng literasiya sa ating bansa. Inuumpisahan na rin ang pagbabalik ng
maayos na ebalwasyon sa mga librong gagamitin sa paaralan upang makatiyak na
dekalidad ito at hindi nahahaluan ng korupsyon. Dinirinig na rin ayon sa DOLE
ang dagdag na umento sa sahod ng mga guro. Huwag lang sana itong dinggin kundi
dagdagan na ng makakasapat sa pang-araw-araw na pangangailangan ng guro sa
kasalukuyan. Ayon din sa nakaraang SONA ng administrasyong Aquino, bumaba ang
bilang ng walang trabaho sa Pilipinas. Magandang indikasyon ito ng pagbabago,
pero sana ang idinadagdag na trabaho ay Pilipino ang nakikinabang hindi laging
dayuhan na lang. Malinaw rin ang papel na tinatahak ng wikang pambansa na
kasama sa adyenda ni Aquino sa edukasyon, makatwiran lamang na gamitin ang
sariling wika bilang midyum ng pagtuturo sa ating bansa. Palalakasin ang
paggamit nito sa Agham at Matematika upang makamit ang kahusayan sa larangang
ito. Ang pananaw niya sa wika ay ganito: Matuto ng Ingles at umugnay sa
daigdig, matuto ng Filipino at umugnay sa ating bansa at panatilihin ang
sariling wika at umugnay sa pamana ng
lahi.
Sa landas na
tinatalunton natin bilang mga Pilipino, dapat magkaisa tayo. Tigilan na ang
kolonyal na pag-iisip na nagpapabagal sa pag-unlad ng identidad at karunungan
nating mga Pilipino. Kung may naiaambag man ang kasalukuyang administrasyon sa
pagpapalakas ng sariling wika, huwag lang doon umasa, higit dapat tayong maging
malakas bilang mga Pilipino. Magiging malakas tayo kung mananatiling matatag
ang ating sariling wika dahil idiniin ni Lumbera, “Parang hininga ang wika, sa
bawat sandali ng buhay natin ay nariyan
ito.”
Tags
My Projects