SSS NUMBER ALREADY REGISTERED PAANO ITO MARERECOVER?


 SSS ALREADY REGISTERED?
GUIDE HOW TO RECOVER SSS ONLINE ACCOUNT


Ano nga ba ang ibig sabihin ng SSS ALREADY REGISTERED? Ibig sabihin nito, na ang isang member ng SSS ay nagkaroon na ng existing account o nakagawa na dati pa ng sss online account. Isang beses lang tayo pwede makagawa ng account kaya hindi na pwede umulit ng panibagong account para dito. Kung kaya't nasa ibaba nito ang mga detalye kung paano natin gagawin ang pagkuha ng sss online account.

Paano ito marerecover? Lalo na at kung nakalimutan ang USERNAME, PASSWORD at EMAIL na ginamit. 

May ilang paraan kung paano irecover ang Online SSS Account. 

Recovery No. 1:  

Step 1: Pumunta sa website ng SSS. Ito ay ang https://www.sss.gov.ph/ 

Hanapin ang Forgot User ID or Password.


Step 2: May dalawang pagpipilian para marecover ang inyong mga password. 


A. My Registered Email Address -
Dito ipapadala ni SSS sa pamamagitan ng E-mail ang recovery link para mapalitan ang inyong password sa online account.


B. Security Questions - Bawat member na nakapag-setup ng security questions ay maaring sagutan muli ang tanong na ibibigay ni SSS upang marecover ang inyong account. Magkakaroon na kayo ng pagkakataon mapalitan ang inyong password sa pamamagitan ng pagsagot sa security questions.

or

C. SSS Mobile Application - Pwede ninyo rin dito ireset sa pamamagitan ng FORGOT PASSWORD. Kailangan ninyo lang iprovide kahalintulad ng letter A and B.


Step 3: Kung sakaling ang EMAIL ADDRESS na ang nakalimutan o hindi na active ang email address na ginamit dati, dahilan ito upang hindi makareceive ng email mula kay SSS. Kinakailangan na ninyo mag-update ng inyong email address sa pamamagitan ng pag-fillup ng E4 Form (for updating information). Ito ay pwede madownload sa online or website nila. Pagkatapos itong malagyan ng mga impormasyon, ipasa ito sa pinakamalapit na SSS Offices sa inyong lugar.






Post a Comment

Previous Post Next Post