Balangkas Teoretikal - Thesis Content

Balangkas Teoretikal

    Ayon kay Manzano (2017), ang K-12 curriculum ay isang mahalagang salik sa pag-unlad ng mga mag-aaral na nasa technical vocational track sa kanilang napiling larangan. Ang pagpapatupad ng K-12 curriculum ay naglalayong magbigay ng malawak at makabuluhan na edukasyon sa mga mag-aaral sa iba't ibang larangan ng kasanayan. Ang K-12 curriculum ay nagbibigay ng malalim at masinsinang kaalaman sa mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng dalawang taon sa curriculum, nagkakaroon ng sapat na panahon upang matuto at maunawaan ang mga mahahalagang konsepto at kasanayan na may kaugnayan sa technical vocational track. Ang mga mag-aaral ay binibigyan ng mga leksyon, module, at praktikal na karanasan na tutulong sa kanila na mas maunawaan at mapalawak ang kanilang kaalaman sa larangan ng kanilang pagpipilian.

 



 

Post a Comment

Previous Post Next Post