Ang tsart na ito ay naglalaman ng input kung saan matatagpuan ang paksa,respondante at lugar kung saan nagaaral ang mga respondante ng mga mananaliksik.Naglalaman din ito ng proseso kung paano isasagawa ang pananaliksik, Pati ang instrumentong ginamit sa pananaliksik. Huli ay ang awtput na naglalaman ng layunin ng mga mananaliksik.
Paglalahad ng Suliranin
Ang Pag-aaral na ito ay naglalayong ipakita kung ano ang kahalagahan ng k-12 curriculum sa mga mag-aaral. Ipapakita din dito kung ano ang benepisyong makukuha sa strand na Tech-Voc. Sa pag-aaral na ito ay naglalayon na sagutin ang mga tanong na sumusunod:
1. Ano ang nagging dahilan kung bakit napili mo ang Technical-Vocational Track?
2. Paano nakaambag ang Technical-Vocational Track sa pagpili ng iyong gustong maging o pagkatapos ng iyong pag-aaral sa senior high school?
3. Nakatulong ba talaga sa maayos na paraan ang pagpili mo ng track na ito? Oo o Hindi? Bakit?
Haypotesis
Malaking tulong ang K-12 curriculum sa mga mag-aaral lalo na sa mga estudyanteng kukuha ng Tech-Voc dahil madaming benepisyo ang makukuha sa strand na ito.
Saklaw at Limitasyon
Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang kahalagahan ng k-12 curriculum sa mga estudyanteng nasa Technical-Vocational Track sa Talisay Senior High School at kaugnayan sa kanilang pag-unlad sa napiling larangan. Saklaw din ng pag-aaral na ito kung ano ang ibat-ibang benepisyo ang maaari mong makuha sa strand na ito. Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na makakuha ng mga respondante na nakatapos at umunlad na sa TVL na larang. Nais makabuo ng mga mananaliksik ng Sampung (10) respondanteng magiging tulay upang maisakatuparan ang pananaliksik.
Katuturan ng mga salitang ginamit
TVL. Technical Vocational Livelihood
K-12 Curriculum. Batas na ipinatupad noong taong 2013