Filesishare is a free resource website offering sample letters, affidavits, document templates, tutorials, articles and reference materials. It provides practical ideas and ready-to-use resources for school, work, travel, and everyday needs.

Translate

METODO NG PANANALIKSIK - Thesis Content

KABANATA III

METODO NG PANANALIKSIK

Inilalahad sa kabanatang ito ang metodolohiyang ginamit sa pag-aaral. Tinalakay dito ang disenyo ng pananaliksik, pamamaraan ng pagpili ng mga kalahok, paglalarawan ng mga respondente, instrumento ng pananaliksik, at ang pamamaraan ng pangangalap ng datos na ginamit upang makuha ang mga impormasyong kinakailangan sa pag-aaral.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang isinagawang pananaliksik ay gumamit ng penomenolohikal na disenyo. Ang layunin ng ganitong disenyo ay maunawaan ang aktuwal na karanasan, pananaw, at damdamin ng mga kalahok hinggil sa isang tiyak na phenomenon.

Sa pag-aaral na ito, ginamit ng mga mananaliksik ang pakikipanayam (interview) bilang pangunahing paraan ng pangangalap ng datos. Pinili ang disenyo sapagkat ito ay angkop sa paksang tinatalakay at nagbibigay-daan sa mas malalim at detalyadong pag-unawa sa karanasan ng mga kalahok.

Bagama’t limitado ang bilang ng mga respondente, ang penomenolohikal na pananaliksik ay hindi nakatuon sa dami ng kalahok kundi sa lalim at kalidad ng impormasyong nakalap. Maaari ring isama ang obserbasyon upang higit pang mapalawak ang datos na nakalap.

Ang penomenolohikal na pag-aaral ay isang uri ng kwalitatibong pananaliksik na nakatuon sa buhay na karanasan ng mga kalahok hinggil sa isang tiyak na phenomenon, na layong direktang isalaysay at bigyang-kahulugan ang mga naranasan ng tao.

Paraan ng Pagpili ng mga Kalahok

Upang makakuha ng sapat at kaugnay na impormasyon, ginamit ng mga mananaliksik ang simple random sampling sa pagpili ng mga kalahok. Ang bawat kalahok ay may pantay na pagkakataong mapili at hindi nakabatay sa kanilang kinabibilangang grupo.

Ang mga kalahok ay napili batay sa pag-aaral na pinamagatang: “Epekto ng K-12 Curriculum sa ilang mag-aaral sa Talisay Senior High School at Kaugnayan nito sa pag-unlad sa kanilang napiling larangan.”

Paglalarawan ng mga Kalahok

Ang mga respondente ng pag-aaral ay mga nagtapos sa larangan ng Technical Vocational Livelihood (TVL) sa ilalim ng K-12 Program ng DepEd.

Sampung (10) piling respondente na may sapat na karanasan at umunlad na sa kanilang napiling larangan ang malayang pinili upang kumatawan sa kabuuan ng pag-aaral.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang pangunahing instrumentong ginamit sa pag-aaral ay ang panayam. Binubuo ito ng dalawang bahagi: una, ang mga tanong hinggil sa personal na impormasyon ng mga respondente; at ikalawa, ang mga katanungang may kaugnayan sa kanilang pananaw at karanasan sa K-12 Curriculum.

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Upang matiyak ang maayos at sistematikong pangangalap ng datos, sinunod ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na hakbang:

Una, humingi ng pahintulot ang mga mananaliksik sa mga napiling kalahok. Ikalawa, inihanda ang mga katanungang gagamitin sa panayam. Ikatlo, isinagawa ang pakikipanayam upang makalap ang mga kinakailangang datos at impormasyong may kaugnayan sa pag-aaral.

Ang mga datos na nakalap ay inayos, sinuri, at binigyang-kahulugan upang makabuo ng malinaw at makabuluhang resulta ng pananaliksik.

Post a Comment

Previous Post Next Post