PAMILYA
Isinulat
ni Rhey Formento
Sa tahanan
ng pagmamahalan at pag-asa,
Nagmumula
ang lakas at Ligaya.
Ang pamilya,
tanging kayamanan sa mundo,
Sa bawat sandal,
nagbibigay ng kalinga’t suporta.
Sa bawat
umaga, sa hapong maligaya,
Kasama ang
pamilya, buhay at puno ng saya.
Magkakasama
sa hapunan, nagkukwentuhan,
Nagbabahagi
ng mga pangarap at adhikain.
Ang mga
magulang, gabay at haligi ng tahanan,
Nag-aalaga’t
nagtuturo ng tamang landas.
Ang mga
kapatid, kaagapay sa bawat laban,
Nagbibigay
ng suporta, walang iwanan.
Sa hirap
at ginhawa, magkakasama tayo,
Nagmamahalan,
nag tutulungan at nag-aalay ng oras.
Ang pamilya,
sandigan sa mga pagsubok,
Nagbibigay
ng lakas, nagpapalakas ng loob.
Sa mga
alaala ng pamilya, puno ng tawa’t luha,
Nagkakaisa
sa tuwa, nagtutulungan sa hirap.
Ang pamilya,
pundasyon ng pagmamahalan,
Tumutulong
sa paghubog ng ating pagkatao.
Kahit saan
man tayo magpunta sa mundo,
Ang pamilya
ay laging nasa puso’t isipan.
Sa bawat
tagumpay, sa bawat pagkakataon,
Ang pamilya,
laging kasama sa bawat hakbang.
Kaya’t
pahalagahan ang bawat sandal,
Magbigay ng
pagmamahal at respeto sa pamilya.
Sa tahanan
ng pag-ibig at pagkakaisa,
Ang pamilya,
walang kapantay na kayamanan.