DAILY LESSON LOG WEEK 1 FOURTH QUARTER FOR GRADE IV EPP ICT

 DAILY LESSON LOG WEEK 1 FOURTH QUARTER FOR GRADE IV EPP ICT
 
I.    LAYUNIN
    A. Pamantayang Pangnilalaman
  • Naipamamalas ang pang-unawa sa konsepto ng “entrepreneurship”
  • Naipamamalas ang pang-unawa sa konsepto ng “entrepreneurship”
    B. Pamantayan sa Pagganap
  • Naipaliliwanag ang mga batayang konsepto ng pagnenegosyo
    C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto. (Isulat ang code sa bawat kasanayan)
  • 1.1 naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng “entrepreneurship” EPP4IE-0a-1
    1.2 natatalakay ang mga katangian ng isang entrepreneur EPP4IE-0a-2

II.    NILALAMAN (Subject Matter)
  • Entrepreneurship
III.    KAGAMITANG PANTURO
        A. Sanggunian
    1.    Mga pahina sa Gabay sa Pagtuturo
    2.    Mga pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral
    3.    Mga pahina sa Teksbuk
    4.    Karagdagang kagamitan mula sa  LRDMS
  • SLM/Pivot Modules
        B. Iba pang Kagamitang Panturo
  • Audio-visual presentations, larawan
 
IV.    PAMAMARAAN
        A.    Balik –Aral sa nakaraang Aralin o pasimula sa bagong aralin (Drill/Review/ Unlocking of                difficulties)
  • Naalala mo pa ba noong inutusan ka ng iyong nanay na bumili ng mga gulay na kinailangan niya sa nilutong Pochero? Anu-ano ba ang mga bagay na isinaalang-alang mo sa pamimili?

    Ang entrepreneurship ay isang mahalagang kasanayan na dapat malinang ng bawat isa. Sa araling ito, tatalakayin natin ang kahalagahan ng entrepreneurship sa kontekstong madali nating mauunawaan. Tatalakayin din ang sariling mga kakayahan na magagamit sa paghahanapbuhay. Dito ay pag-aaralan ang kahulugan at kahalagahan ng entrepreneurship. Hihimayin upang lalong maunawaan ang kahulugan at kahalagahan nito sa larangan ng kalakalan.
    Sa araling ito, ikaw ay inaasahang: (a) maipaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng ‘entrepreneurship’; (b) matalakay ang mga katangian ng entrepreneur; at (c) matalakay ang iba’t ibang uri ng negosyo.
Piliin ang titik ng tamang sagot
1. Ang _________ ay siyensya at arte ng pangangalakal ng mga bagay-bagay at paglilingkod na maaaring makapag-paunlad sa kabuhayan ng isang tao.
A. Entrepreneur
B. Businessman
C. Entrepreneurship
D. Negosyante
2. Ang mga negosyante ay tinatawag din nating_________.
A. Entrepreneur
B. Supervisor
C. Entrepreneurship
D. Employer
3. Ito ay tumutukoy sa pagtupad ng ating gustong marating sa buhay.
A. Vision
B. Pagtitiyaga
C. Estratehiya
D. Ambisyon
4. Ang pangunahing gawain ng negosyong nagbibigay serbisyong may _________ay ang pagbibigay ng komportable at kasiya siyang paglilingkod.
A. personal view
B. personal touch
C. personal like
D. personal interest
5. Nagpapakilala ng mga bagong __________sa pamilihan ang entrepreneur.
A. Teknolohiya      C. Negosyo
B. Tao                    D. Kaalaman
 
  • MODULAR DISTANCE LEARNING

    GAWAIN 1
    Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng sariling negosyo tulad halimbawa ng tindahan, sa paanong paraan mo ito mapauunlad? Isulat ang inyong sagot sa iyong sagutang papel.
 
        B.    Paghahabi sa layunin ng aralin (Motivation)
  • Isulat sa loob ng talutot ng bulaklak ang mga produkto tulad pagkain at kagamitan sa pag-aaral na madalas mong bilhin. 
  • Gusto mo bang maging isang negosyante? Ano ang negosyo na gusto mong ipatayo?

        C.    Pag- uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin (Presentation) 
  • Masdan ang larawan sa ibaba. Nakapunta kana ba sa ganitong lugar?Ano ang tawag dito? Anu-ano ang mga bagay na nakikita mo sa larawan?
  • Basahin ang kuwento.

    Si Aling Marta ay isang matagumpay na negosyante. Siya ang nagmamay-ari ng malaking grocery sa ating lugar. Bilang negosyante, may sinusunod siyang mga paraan sa pagbebenta ng mga produkto. 
        D.    Pagtatalakay ng bagong    konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan No I (Modeling)
  • Ano ang ibig sabihin ng Entrepreneur?

    Ang Entrepreneur ay isang indibidwal na Siya ay isang indibidwal na nagsasaayos, nangangasiwa at nakikipagsapalaran sa isang negosyo. Ang salitang entrepreneur ay hango sa salitang French na ang ibig sabihin ay negosyante.

    Ano naman ang ibig sabihin ng Entrepreneurship?

    Ang kahulugan ng Entrepreneurship ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo. Ang ibang salita para dito ay negosyo o pagnenegosyo,hanap-buhay o paghahanapbuhay.
  • Paano ang paraan ng paghahanda at pagbebenta ng mg aprodukto ni Aling Marta?

    • Itlog ng manok,itik,at pugo ipinagbibili ng por dosena
    • Pinagbubukod-bukod ayos sa laki
    • Inilalagay sa basket o tray
    • Maaaring ipagbili ng lansakan kung marami

    • Gatas
    • Pinakukuluan bago ilagay sa malinis na bote
    • Kailangang walang mikrobyo ang gatas
    • Ipinagbibili ng nakabote

    • Karne ng baka ipinagbibili ng por kilo
    • Maari ding ipagbiling buhay
    • Iniluluwas sa pamilihang bayan
    • Ang baka ay ipinagbibili
     
        E.     Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan No. 2. (Guided                             Practice)
  • Kahalagahan ng Isang Entrepreneur
    Ang isang entrepreneur ay may mahalagang tungkuling ginagampanan. Ito ay ang mga sumusunod:
    1. Ang mga entrepreneur ay nakapagbibigay ng mga bagong hanapbuhay.
    2. Ang mga entrepreneur ay nagpapakilala ng mga bagong produkto sa pamilihan.
    3. Ang mga entrepreneurship ay nakapaghahatid ng bagong teknolohiya, industriya , at produkto sa pamilihan.
    4. Ang mga entrepreneur ay nakakadiskubre ng makabagong paraan na nagpapahusay ng mga kasanayan.
    5. Ang entrepreneur ay nangungunang pagsamahin ang mga salik ng produksiyon tulad ng lupa, paggawa, at puhunan upang makalikha ng produkto at serbisyo na kailangan sa ekonomiya ng bansa.
        F.    Paglilinang sa Kabihasan (Tungo sa  Formative Assessment (Independent Practice )
        G.   Paglalapat ng aralin sa pang araw araw na buhay (Application/Valuing)
  • Ano sa mga kahalagahan ng entrepreneur ang maisasabuhay mo? Paano mo ginagamit ang mga ito para sa iyong sariling kagalingan?
  • Kung ikaw ay magbebenta ng produkto, ano ito at bakit ito ang napili mo?
    Iguhit ito sa isang bond paper.
        H.   Paglalahat ng Aralin (Generalization)
  • Ano ang ibig sabihin ng Entrepreneur?
  •  Ano – ano ang kahalagahan ng entrepreneur?
        I.    Pagtataya ng Aralin
  • Lagyan ng tsek ang kolumn na may thumbs up kung sumasang ayon ka at kolumn na may thumbs down kung hindi ka sumasang-ayon.

    1.Maingat na kinikilo ni Aling Pacita ang karne ng manok at sinisigurong tama ito bago ibigay sa mamimili.

    2.Nag-aalaga ng manok at baboy si Mang Nestor upang may mapagkunan ng pagkain para sa kanyang pamilya at ang sobra ay kanyang ipinagbibili.

    3.Mabilis na uunlad ang pamilyang tulong- tulong sa pagpapatakbo ng negosyo.

    4.Hindi kailangang pagplanuhan ang negosyong papasukin.

    5.Kailangan ang sipag at tiyaga upang umunlad ang negosyo.
  • Isulat ang T kung tama ang sinasabi sa pangungusap at M kung mali.

    _______1. Ang negosyo ay dapat walang personal touch, basta nasisilbihan ang mga mamimili.

    _______2. Lahat ng mamimili ay dapat komportable at nasisiyahan sa serbisyo.

    _______3. Kailangang serbisyong mabilis at nasa tamang oras.

    _______4. Ang serbisyong matapat ay di kailangan sa negosyo.

    _______5. Kailangang makipagsapalaran sa pagnenegosyo.
        J.    Karagdagang gawain para sa takdang aralin (Assignment)
  • Ihugit sa isang bond paper ang isang kilala mong entrepreneur sa pamayanan pati ang Negosyo nito.
  • Interbyuhin ang isang entrepreneur sa lugar tungkol sa negosyo nito at paano niya ito pinamamahalaan?

V.    Mga Tala
 
VI.    Pagninilay
    A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
    B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawaing remediation
    C. Nakakatulong  ba ang remedia? Bilang ng mag aaral na nakaunawa sa aralin
    D. Bilang ng mag aaral na magpapatuloy sa remediation.
    E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturoang nakatulong ng lubos?Paano ito nakatulong?
    F. Anong suliraninang aking nararanasan sulusyunan  sa tulong ang aking punong guro at
        supervisor?
    G. Anong gagamitang pangturo ang aking nadibuho na nais kung ibahagi sa mga kapwa ko                 guro? 
 
 
 

Post a Comment

Previous Post Next Post