"PROVIDENT FUND"
"Ang tinatawag na Provident Fund ay isang savings scheme na ginagampanan o binubuo ng kontribusyon pinansyal mula sa mga kawani ng isang institusyon at nang mismong institusyon. Ang Provident Fund ay kumakatawan sa pangangailangan bilang pasilidad na hiraman ng pananalapi, na bilang pandagdag sa kapakanan ng isang empleyado na kumakaharap sa isang malaking gastusing pinansyal. Ang Provident Fund ay kinakatawan ng tinatawag na "Board of Trustees", mga piling tao na mga kawani rin ng institusyon na syang gumagawa ng kapasyahan sa mga usaping pinansyal pagdating sa pamumuhunan (investment), kung saan ang magiging salapi ng institusyon ay lalago para sa kapakanan ng lahat ng kasapi sa institusyon. Magkakaruon ito ng tinatawag na "by laws" na rerebusuhin ng mga taong nag aral ng Batas (Lawyer people), kung saan din ang lahat ng magiging usapin at kapasyahan ay ibabase sa usaping legal. Ang Provident Fund ay pangangasiwaan ng Departamento ng Tauhan (Personnel Department) kung saan ito ang mangangasiwa sa mga ibabawas na salapi bilang buwanang amortisasyon ng bawat kasaping mga kawani ng isang Institusyon. Sa sinasabing "by laws" nakasaad dito ang tinatawag na "Employee-Employer share" kung saan mas malaki ang porsyentong gagampanan sa usaping pananalapi ng institusyon kumpara sa mga kawani ng institusyon na papabor sa mga kasaping kawani pagdating sa usaping salaping hihiramin .....
Napakalaking bagay ng Provident Fund sa bawat kawani ng isang institusyon lalo na sa oras ng pangangailangan. Isa ito sa magiging sources of Fund nila. Ang bawat kawani ay maaaring humiram ng pananalapi sa aspetong "Salary loan", "Emergency Loan" at "Calamity Loan" at maaari pang magkaruon ng iba pang pribiliheyo (privilege) ang mga kawani depende sa mapapag usapan at mapapag pasyahan ng "Board of Trustees" .....
Sa akin pong personal na pananaw, maaari o posibleng isa po ang ipinupunto kong Provident Fund na magiging inspirasyon sa araw-araw na paghahanap-buhay ng mga kawani, lalo na ang mga maliliit na kawani, upang pag ibayuhin pa nila ang pagtatrabaho sa tunay na layunin ng Isang institusyon .... Sapagkat sa aspetong pangkalahatan, silang mga maliliit na kawani ang tunay na nilalaman at kumakatawan ng tinatawag sa isang institusyon, na "WorkForce"
Credited to Jonjie Madera