HOW TO APPLY SSS UMID CARD ID AND WHAT ARE THE REQUIREMENTS?

PAANO KUMUHA NG SSS UMID ID CARD? ANU-ANO ANG MGA KAILANGANG REQUIREMENTS?

PANGUNAHING KAILANGAN?

  1. Hindi pa nakakakuha ng SSS ID Card o UMID ID Card.
  2. Nakapaghulog o nakapagbayad na ng contribution ng isang buwan mula ng ikaw ay naging member ng SSS.
  3. Kailangang PERMANENT na ang status ng membership mo at hindi TEMPORARY status pa lang. Kung ano ang PERMANENT status, ito ay kung nakapagpasa kana ng lahat ng requirements mula nang nag-apply ka ng SSS Number.
  4. Validated SSS Number.

 

MGA STEPS KUNG PAANO MAKAKUHA NG UMID CARD (WALK IN PROCEDURE):

  1. Mag-fill-up ng UMID CARD Application Form o E-6 Form. Ito ay maaring i-download mula sa internet o humingi ng form sa pinakamalapit na SSS Branch o SSS Office.
  2. Submit the application form sa pinakamalapit na SSS Branch o SSS Office sa inyong lugar.
  3. I-veverify ng SSS employee ang ipinasa ninyong application form at dokumento.
  4. Pagkatapos ma-verify ang iyong application ikaw ay naka-line up para sa susunod na proseso, ito ay ang pagkuha ng photograph at para sa electronic finger print. (Magsuot ng may collar na damit, nakapantalon at naka-sapatos.)
  5. Hintayin mapadala ang iyong UMID ID CARD sa iyong permanent address na inilagay sa application form. Ito ay matatangap mula isa o dalawang buwan mula sa pagkaka-apply.

 

PAALALA:

  1. REPLACEMENT OF UMID ID CARD - Kumupas man o Nasira, ikaw ay kailangan magbayad ng kaukulang halaga directly in the SSS office. 
  2. LOST SSS UMID ID CARD - Ikaw ay kinakailangang kumuha ng affidavit of loss at magbabayad ng kaukulang halaga sa SSS office para sa magiging kapalit na UMID ID Card. (Pwede magbago ang halaga anuman oras ng walang pasabi)
  3. Walang APPLICATION ONLINE ang UMID ID Card. Ang UMID ID Card application ay isinasagawa lamang sa SSS Branch o Office.

BEWARE OF FIXERS!


Post a Comment

Previous Post Next Post