- Nakapaghulog o nakapagbayad na ng atleast THREE (3) MONTHS CONTRIBUTION sa loob ng LABINGDALAWANG (12) BUWAN bago ang kabuwanan ng panganganak o pagkakunan.
- Kung EMPLEYADO NG KUMPANYA dapat ay nakapagpasa ng MATERNITY NOTIFICATION ang EMPLOYER ninyo sa SSS bago pa man ang inyong panganganak.
- Kung SELF-EMPLOYED o VOLUNTARY MEMBERS dapat ay nakapagfile ka ng MATERNITY NOTIFICATION thru online o sa login account ninyo sa SSS Online, pumunta sa E-SERVICES at piliin ang Submit Maternity Nofication.
MAGKANO ANG MAARING MAKUHA SA SSS MATERNITY BENEFITS?
- Ang pwedeng makuha sa Maternity Benefits ay nakadepende sa inyong sss contributions.
Ito ang listahan na kung magkano ang maximum na pwedeng makuha sa SSS Maternity Benefits:
1. Sa MISCARRIAGE ay nasa maximum ₱40,000.00
2. Sa NORMAL DELIVERY O CAESARIAN naman ay nasa maximum na ₱70,000.00
3. Sa SOLO PARENT naman ay nasa maximum na ₱80,000.00
HANGGANG ILANG ANAK ANG PWEDENG MA-CLAIM SA SSS MATERNITY BENEFITS?
- Dati po ay hanggang apat lamang ang pwede nating ma-claim, at dahil sa nagkaroon ng EXPANDED MATERNITY LAW, ito ay pinayagan kahit na ilang anak ang pwedeng ma-claim.
MAYROON BA PATERNITY BENEFITS SA SSS?
- Wala po. Ngunit pwede maglaan ang Legal na Asawa ng 7 araw na leave.
PAANO O ANO ANG KAILANGAN GAWIN PARA MAKAKUHA NG MAXIMUM ₱70,000.00 BENEFITS?
- Maari ka makakuha ng ₱70,000.00 kung ikaw ay nakakapaghulog ng contribution mo ng halagang ₱2,400.00 bawat buwan sa loob ng 12 months bago ang buwan ng kapanganakan. Kahit anim na contribution ay pinapayagan makakuha ng Maternity Benefits.
HANGGANG KAILAN PWEDENG MAG-CLAIM NG MATERNITY BENEFITS?
- Ang maternity benefit ay maaring ma-claim mula sa kapanganakan ng anak hanggang 10 taon.
ILANG ARAW ANG PROCESS NG MATERNITY BENEFITS?
- Ito ay napoproseso mula 1 hanggang 2 linggo o maaring hanggang isang buwan. Ito ay nakadepende sa status ng workforce ng empleyado.
PAUNAWA SA LAHAT:
HULUGAN O MAGBAYAD PO TAYO BUWAN BUWAN NG ATING CONTRIBUTION UPANG HINDI MAGKAPROBLEMA KUNG SAKALING GAGAMITIN NATIN ANG MGA BENEFITS NG SSS. HINDI PO LAMANG KUNG KAILAN NATIN GAGAMITIN SAKA LAMANG PO TAYO MAGHUHULOG O MAGBABAYAD.
ANG MGA ANUMANG HALAGA NA NABANGGIT SA ITAAS AY MAARING MABAGO ANUMANG ORAS ALINSUNOD SA PAMUNUAN NG SSS.
Ang mga inpormasyong nakapaloob dito ay mula sa aking experience, napagtanungan at mga sinagot ng lehitimong empleyado o ahensya ng SSS. Kung may kulang o hindi satisfied sa inpormasyong ibinibigay ay iminumungkahi ko pong lumapit sa pinakamalapit na office ng SSS sa inyong lugar para sa iba pang katanungan. MARAMING SALAMAT PO.