KASUNDUAN NG PAGPAPAUPA NG TINDAHAN O APARTMENT (SIMPLE FORMAT)

 SA LAHAT NG MGA KINAUUKULAN;

 

          Ang kasulatang ito ay katibayan ng kasunduan sa pagpapaupa ng tindahan o apartment sa pagitan nina _________________________________________, bilang may-ari at nagpapaupa at ______________________________________, bilang umuupa. Napagkasunduan ng magkabilang panig ang mga sumusunod:

 

          UNA: Ang pag-upa ay tatagal sa loob ng isang taon at magsisimula sa araw at oras na okupahin ng umuupa ang nasabing paupahang tindahan o apartment.

 

          PANGALAWA: Ang Bayad sa pag-upa ay halagang Php. 2,000.00, at one month deposit na Php. 2,000.00 na babayaran sa simula pa lang ng pag-upa.

 

          PANGATLO: Anumang halaga ang nagastos ng umupa sa pag-aayos ng tindahan o apartment na uupahan ay babawasin sa kabuuang bayad ng upa.

 

          At bilang patunay na sumasang-ayon ang magkabilang partido sa kasunduang ito ay inilalagay nila ang kanilang pirma at gayundin ng kani-kanilang testigo.

 

 

 

________________________            ________________________

                          (Nagpapa-upa)                                            (Na-upa)

 

 

Mga Testigo:

 

________________________            ________________________

 

Post a Comment

Previous Post Next Post