PAANO MAG-GENERATE NG PRN NUMBER OR REFERENCE NUMBER SA SSS ONLINE?
PRN o PAYMENT REFERENCE NUMBER - ito ang isa sa kailangan para makapagbayad ng inyong SSS CONTRIBUTION or SSS LOAN thru online katulad ng GCASH, MAYA, ONLINE BANK PAYMENT, etc.
PROCEDURE
Step 1: Mag-login sa inyong SSS portal. Upang makapag-generate ng PRN, kinakailangan niyo muna pumunta sa inyong portal para magawa ito.
Step 2: Pumunta sa TAB ng PAYMENT REFERENCE NUMBER PRN, sa baba nito nakapaloob ang CONTRIBUTION, hanapin sa tapat nito ang GENERATE PRN.
Step 3: Pindutin ang GENERATE PRN na naka highlights.
A. Membership Type - Pumili kung OFW Contribution or VOLUNTARY Contribution.
a.1 OFW CONTRIBUTION - Mga kasalukuyang nasa ibang bansa at naghuhulog ng sss contribution.
a.2 VOLUNTARY CONTRIBUTION - Mga individual na hindi na nagtatrabaho sa kumpanya, mga hindi self-employed/OFW/Non-working Spouse na nagnanais na maghulog muli ng contribution sa SSS.