RETIREMENT CLAIM BENEFITS ONLINE
Sa bawat transaction sa SSS Online ay siguraduhin na mayroon kana na SSS USER ID and PASSWORD.
REQUIREMENTS:
- USER ID AND PASSWORD
- DISBURSEMENT ACCOUNT / BANK ACCOUNT SETUP (pindutin ito kung paano mag set-up ng disbursement account module)
Kailangan ang lahat ng ito ay prepared na upang makapag-apply ng Retirement Claim Benefits.
STEPS:
- Mag-Login sa inyong account. Ilagay ang USER ID and PASSWORD.
- Pumunta sa E-SERVICES >> RETIREMENT CLAIM.
- Ilagay sa box sa DATE OF SEPARATION ang date kung kailan nag-effective ang inyong Retirement Age. Example: Nag 60 years old kayo ng October 5, 2021. Ilalagay ninyo sa box ay October 5, 2021 kahit pa na lumagpas kayo o late ang inyong application. Pindutin ang PROCEED.
- Tingnan mabuti ang mga impormasyon nakalagay, lalong-lalo na ang impormasyon ng Disbursement Bank Account Number na kung tama ito. Kung ang lahat ay tama, pindutin ang PROCEED button.
- Sagutan ang mga sumusunod na tanong at pindutin ang PROCEED button sa bawat natapos na nasagutang tanong.
- Mababatid sa impormasyon lalabas kung magkano ang inyong makukuha buwan-buwan. Pindutin ang Proceed upang magpatuloy.
- Tingnan muli ang impormasyon kung walang mali. Kung sakaling may 2 o higit pa Disbursement Account na naka-setup sa inyong MY.SSS, pumili ng isang bank account na gagamitin dito.
- Basahin mabuti ang ONLINE CERTIFICATION WITH UNDERTAKING. Lagyan ng Check ang Checkbox na matatagpuan sa ibabang bahagi. Pindutin ang CERTIFY AND SUBMIT button.
- Para sa FINAL APPLICATION ng RETIREMENT CLAIM BENEFITS ay makikita ninyo ang inyong Transaction Reference Number.
- Sa My.SSS account Pumunta sa INQUIRY >>> BENEFITS >>> PENSION DETAILS upang malaman kung mayrron nang pumapasok na PENSION sa inyong Bank Account.
❤