ARALIN 1
IBONG ADARNA
IBONG ADARNA
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Ang
Korido ay isang uri ng Panitikang Pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin sa
impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at
may apat na linya sa isang saknong. Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng
pakantang pagpapahayag ng mga tula.
Corrido
at buhay na pinagdaanan nang talong Prisipeng magkakapatid na anak nang haring
Fernando at nang Reina Valeriana sa Kahariang Berbanya.
ARALIN 2
IBONG ADARNA
Si Haring Fernando at ang Tatlong Prinsipe
Ang
Berbanya ay isang mayamang kaharian kung saan sagana, tahimik at payapa
ang pamumuhay. Madalas na may piging at
pagdiriwang na nagagaganap sa kaharian sapagkat masayahin ang hari’t reyna. May
tatlo silang anak na lalaki na pawing may kakayahang magmana ng trono. Sila ay
sina Don Pedro, Don Diego at ang bunsong
si Don Juan. Nakatakda na silang papiliin kung ang pagpapari o
paglilingkod sa kaharian ng Berbanya ang tatahaking landas. Walang nakahihihgit
kaninuman sa tatlong prinsipe kung likas na galling at talino ang sukatan kaya
lahat sila ay itinanghal na tagapaglingkod ng palasyo. Nagsanay sila sa paghawak
ng patalim at sandats ngunit sa pagsapit ng takdang panahon ay isa lamang ang
maaaring magkamit ng trono. Hindi maitatwa ng hari na ang paborito niyang anak
ay ang bunsong si Don Juan kaya namayani ang inggit sa puso ng panganay na si
Don Pedro.
ARALIN 3
IBONG ADARNA
Ang Panaginip ng Hari
Dinapuan ng malubhang karamdaman
si Don Fernando dulot ng isang masamang
panaginip. Nakita ng hari sa panaginip na pinaslang si Don Juan ng dalawang
buhong at inihulog sa malalim na balon. Mula noon ay hindi na nakatulog ang
hari at hindi na halos makakain hanggang sa maging buto’t balat. Labis ang
naging pag-aalala ng reyna at ng tatlong prinsipe dahil walang sinumang
makapagbigay ng lunas sa hari. Dumating ang isang medikong paham na nagsabing
ang sakit ng hari ay bunga ng panagimpan at ang tanging lunas ay ang awit ng
isang ibong matatagpuan sa bundok ng Tabor at nakadapo sa kumikinang na puno ng
Piedras Platas. Sa gabi lamang daw matatagpuan ang ibon sapagkat sa araw ay
nasa mga burol ito upang manginain kasama ang iba pang mga ibon.
ARALIN 4
IBONG ADARNA
Si Don Pedro at ang Puno ng Piedras Platas
Tatlong buwan ang ginawang
paglalakbay ni Don Pedro bago natagpuan ang landas paakyat ng Bundok Tabor.
Hindi nakayanan ng kanyang kabayo ang hirap kaya nasawi. Hindi naglaon ay
natagpuan din ni Don Pedro and Pierdas Platas. Namangha ang prinsipe sapagkat
kumikinang itong tila diyamante. Labis ang kanyang pagtataka dahil isa man sa
laksa-laksang ibon na nagdadatingan ay walang nagtangkang dumapo sa puno.
Matagal na naghintay si Don Pedro hanggang sa nakatulog. Hindi na niya
namalayan ang pagdating ng Ibong Adarna. Humapon ang mahiwagang ibon sa sanga
ng Pierdas Platas at agad nagpalit ng balahibo. Nakasanayan ng Ibong Adarna na dumumi bago tuluyang matulog.
Ang ipot ng ibon ay pumatak sa natutulog na si Don Pedro. Iglap lamang at ang
prinsipe ng Berbanya ay naging isang bato.
ARALIN 5
IBONG ADARNA
Si Don Diego at ang Awit ng Ibong
Adarna
Hindi na nakabalik si Don Pedro sa
kaharian ng Berbanya kaya inatasan ng Haring Fernando ang ikalawang anak na si
Don Diego na hanapin ang kapatid at hulihin ang Ibong Adarna. Limang buwan ang
naging paglalakbay ni Don Diego at dahil sa hirap ay namatay din ang kanyang
kabayo. Nagpatuloy sa paghahanap ang prinsipe bitbit ang kanyang baon. Hindi niya
inaasahang narrating nap ala nya ang Pierdas Plats. Namangha rin siya sa
kagandahan nito at labis na pinatakhan kung bakit walang dumadapo isa mang ibon
sa kahoy na kumikinang. Nagpahinga si Don Diego sa isang batong naroon hanggang
dumating ang Ibong Adrana. Nasaksihan niya ang piyong beses na pag-awit ng
mahiwagang ibon ay inantok at napaidlip
si Don Diego. Napatakan siya ng ipo ng mahiwagang ibon hanggang sa siya’y
naging bato. Nagmistulang libingan ang ilalim ng Piedras Platas sapagkat
magkatabi ang dalawang prisipeng kapwa naging bato.
ARALIN 6
IBONG ADARNA
Si Don Juan, ang
Bunsong Anak
Tatlong taon na ang lumipas at lalong lumubha ang kalagayan ni Haring
Fernando. Nag-aatubili ang hari na
utusan si Don Juan na hanapin ang dalawang prinsipe at ang Ibong Adarna.
Nag-aalala siyang baka mapahamak ang bunsong anak. Humingi ng bendisyon si Don
Juan upang payagan siyang makapaglakbay at hanapin ang lunas ng ama gayundin
ang dalawang kapatid. Sa takot ng hari nab aka maisipan ni Don Juan na magtanan
ay pinahintulutan niya ito. Hindi nagdala ng kabayo si Don Juan at sa halip ay
naglakad. Naniniwala ang prinsipe na ang matapat na layunin ang magbibigay sa
kanya ng biyaya. Nagbaon siya ng limang tinapay at tuwing makaisang buwan
lamang kumakain. Hindi niya alintana ang anumang gutom, pagod at hirap na
dinaranas. Panay ang usal niya ng panalangin sa Mahal na Birhen upang matagalan
ang hirap. Apat na buwan siyang naglakbay at tumigas na ang natitira niyang
tinapay. Narating ni Don Juan ang kapatagang bahagi ng Bundok Tabor. Doon ay
natagpuan niya ang isang leprosong matandang lalaki.
ARALIN 7
IBONG ADARNA
Ang Gantimpala ng
Karapat-dapat
Humingi ng limos ang leproso kay Don Juan.
Ipinagkaloob ng prinsipe sa matanda ang natitira niyang tinapay. Nalaman ng
leproso ang pakay ni Don Juan sa lugar na iyon.
Nagbilin siya kay Don Juan na huwag masilaw sa kinang ng Piedras Platas
at sa halip ay tumanaw sa ibaba upang Makita ang isang dampa. Doon ay matatagpuan
ng prinsipe ang isang ermitanyong makakatulong sa paghanap ng lunas sa sakit ng
hari. Isinauli ng leproso ang tinapay kay Don Juan pero ayaw iyong tanggapin ng
prinsipe. Narating ni Don Juan ang Piedras Platas at dahil sa paghanga sa
pagkamangha ay muntik nang makalimmto sa tagubilin ng leproso. Nagbalik ang
diwa niya ay nakita ang dampa. Nagtungo si Don Juan upang humingi ng tulong sa
ermitanyo. Laking pagtataka ng prinsipe nang Makita sa loob ng dampa ang
ibiniay na tinapay sa leproso. Sa kabila ng hiwagang nararamdaman ay buong pagtitiwalang
nakinig ang prinsipe sa payo ng
ermitanyo. Natuklasan niya na ang Ibong Adarna ay isang engkantado.
Malalim na ang gabi kung ito ay dumapo sa Piedras Platas. Pitong beses na
umaawit ang ibon at pitong beses ding nagpapalit ng kulay ng balahibo. Sa oras
na umawit ang ibon ay kailangan niyang hiwain ang palad at pigaan ng dayap upan
malabanan ang antok. Bago matulog ang ibon ay dudumi ito at kailangang maiwasan
niya iyon upang hindmaging bato. Ibinigay ng ermitanyo ang sintas ng ginto para
magamit niyang panghuli at panggapos sa ibon.
ARALIN 8
IBONG ADARNA
Ang Bunga ng
Pagpapakasakit
Nasa ilalim ng punong Piedras Platas si Don Juan. Hindi siya napagod sa paghihintaay
hanggang sa lumalim na ang gabi. Humapon na rin sa wakas ang Ibong Adarna sa
Piedras Platas. Kahanga-hanga ang taglay na gilas at kariktan ng ibon sa labis
na nagpahiwaga ng daigdig. Nagsimula na itong umawit at nagpalit na rin ng
kulay ng balahibo. Napahikab si Don Juan
nang mainig ang awit ng ibon. Hiniwa ni Don Juan ang palad sa pamamagitan ng
labaha at pinigaan ng dayap ang sugat. Tila pinanawan siya ng bait sa tindi ng
sakit kaya’t tuluyang nawala ang antok. Pitong awit ng ibon ang katumbas ng
pitong sugat ni Don Juan sa palad. Dumumi ang ibon ngunit iniwasan ni Don Juan
na mapatakan ng ipot upang hind imaging bato. Natulog na ang Ibong Adarna na nakabuka ang mga pakpak at dilat ang
dalawang mata kaya mapagkakamalang gising pa. Agad niyang sinunggaban ang ibon
upang maitali sa paa. Dinala ni Don Juan ang ibon sa dampa at natutuwang
hinimas pa ito ng ermitanyo saka ikinulong sa hawla.
Inutusan ng ermitanyo si Don Juan na
kunin ang banga at punuin ng tubig para buhusan ang dalawang batong tila puntod
na nasa ilalim ng Piedras Platas. Agad sinunod ni Don Juan ang utos. Agad
siyang sumalok ng tubig at nagtungo sa dalawang bato. Binuhusan ni Don Juan ng
tubig ang batong si Don Pedro at agad itong nabuhay. Tumayo si Don Pedro at
nanagis na niyakap ang bunsong kapatid. Isinunod na iniligtas ni Don Juan si
Don Diego at tulad ng panganay na kapatid ay naging tao itong muli. Masayang
nagyakapan ang tatlong prinsipe. Labis silang nagalak sa tiyak na kaligtasan ng
kanilang amang hari dahil sa pagkahuli ni Don Juan sa Ibong Adarna. Nagpunta sa
dampa ng ermitanyo ang tatlong prinsipe upang ipaalam dito ang nangyari.
Pinahiran ng ermitanyo ng gamot mula
sa botelya ang sugat sa palad ni Don Juan at agad na gumaling. Nabigla na naman
si Don Juan sa panibagong hiwaga na namalas niya. Nagbilin ang ermitanyo sa
tatlong prinsipe na nawa’y makarating sila ng malugod at mapayapa sa kahariang
Berbanya alang-alang sa kaligtasan ng hri. Sinabi rin ng ermitanyo na ang
paglililo’y huwag sanang manahan sa kaninumang puso
ARALIN 9
IBONG ADARNA
Ang Bunga ng Inggit
Naunang naglakad si Don Juan habang
dala ang hawla. Palihim naming kinausap ni Don Pedro si Don Diego. Dahil sa
labis na inggit ay binalak ni Don Pedro na patayin si Don Juan. Nabigla si Don
Diego at agad tumutol sa plano ng panganay na kapatid ngunit sa huli’y
nakumbinsi din. Sumang-ayon ito na bugbugin si Don Juan basta huwag lamang
papatayin. Natuwa si Don Pedro sapagkat iiwanan nilang sugatan si Don Juan sa
kagubatan kaya natitiyak na doon na rin ito daratnan ng kamatayan at sila na
ang mag-uuwi ng Ibong Adarna. Pinagtulungan nina Don Pedro at Don Diego na
bugbugin ang bunsong kapatid. Hindi naman nanlaban si Don Juan.
Bumalik sa palasyo ng Berbanya sina
Don Pedro at Don Diego. Dinatnan nilang nakaratay pa rin ang amang hari.
Nagpilit bumangon si Haring Fernando at sabik na niyakap ang dalawang anak na
matagal na hindi nakita. Agad ding nanlumo ang hari nang malamang hindi
kasamang nagbalik si Don Juan. Tinanong ng hari kung nasaan si Don Juan ngunit
ang sagot ng magkapatid ay ewan nila. Iniharap sa hari ang Ibong Adarna at
laking pagkabigla nito dahil pangit at lulugo-lugo ang ibon. Labis na
pinagtakhan ng hari ang sinabi ng medikong paham na ang ibon ay makapitong ulit
na nagbibihis ng anyo at nagpapalit ng kulay ng balahibo. Natiyak ng hari na sa
anyo ng ibon ay hindi siya mapapagaling ng awit nito at sa halip ay lalo siyang
lulubha. Muling naalala ng hari ang panaginip na naging sanhi ng malubha niyang
sakit. Pinaslang dawn g dalawang buhong si Don Juan. Lalong lumubha ang
kalagayan ng hari sa paglipas ng mga araw. Ayaw pa ring kumanta ng ibon
sapagkat wala ang tunay na nagmamay-ari sa kanya na walang iba kundi si Don Juan.
Umaasa ang ibon na buhay pa ang prinsipe at matutuklasan din ng mga magulang
ang naging kataksilan nina Don Pedro at Don Diego.
ARALIN 10
IBONG
ADARNA
Ang Dalangin ng Bunsong
Anak sa Gitna ng Paghihirap
Nasa gitna ng kagubatan si Don Juan at tila papanawan ng bait sa hirap na
dinaranas. Maga ang buong katawan niya, may pilay sa tadyang, at matindi ang nararamdamang
gutom at pagkauhaw. Wala siyang makitang kaligtasan o maaaring makatulong kaya
anumang oras ay maaari siyang mamatay. Tanging panalangin ang huli niyang
pag-asa. Nagdasal siya sa Mahal na Birhen upang humaba pa ang buhay at iligtas
ang amang may karamdaman. Hindi niya mapaniwalaan ang ginawa sa kanya nina Don
Pedro at Don Diego sapagkat para sa kanya ang karangalan nilang tatlo ay iisa.
Kaya niyang ipagkaloob ang Ibong Adarna sa dalawang kapatid kung iyon ang
hangad ng mga ito at hindi na kailangang pagtaksilan pa. Naalala niya ang mga
magulang lalo na ang kalagayan ng ama sa gitna ng pagnanaknak ng kanyang mga
sugat. Naalala niya sa gitna ng paghihirap ang baying kanyang sinilangan, ang
palasyong kanyang kinalakhan at ang pag-aaruga ng mahal na ina na malabis na
niyang pinananabikan.
ARALIN 11
IBONG ADARNA
Ang Awit ng Ibong
Adarna
Sa libis ng isang bundok ay sumulpot ang isang matandang
ermitanyo at natagpuan si Don Juan na nakahandusay sa lupa. Walang malay si Don
Juan at bakas pa rin ang pagkalamog ng katawan. Matinding habag ang naramdaman
ng ermitanyo sa sinapit ng prinsipe na kulang na lamang ay datnan ng kamatayan
sa pook na iyon. Sa ikalawang pagkakataon ay muli nitong ginamot ang sugat ng
kawawang prinsipe. Iglap na naglaho ang mga sugat ng prinsipe sa katawan. Tila
Diyos ang tingin ni Don Juan sa matandang ermitanyo dahil sa isa na namang nasaksihang
himala. Niyakap niya ang ermitanyo at malugod na nagpasalamat sa pagliligtas sa
kanyang buhay. Nais niyang gumanti ng utang na loob dito ngunit iyon ay
itinuring ng ermitanyo na isang kawanggawa. Inutusan ng ermitanyo na umuwi sa
kanilang kaharian si Don Juan upang iligtas ang buhay ng ama. Nagmamadaling
tinahak ng prinsipe ang daan pauwi ng Berbanya.
Nakabalik ng kaharian ng Berbanya si
Don Juan. Namutla sina Don Pedro at Don Diego nang makita ang bunsong kapatid.
Agad lumuhod sa harapan ng hari si Don Juan habang nakaratay pa rin sa higaan
ang ama. Umawit ang Ibong Adarna at inilahad ang buong katotohanan. Pitong ulit
itong nagpakitang gilas ng pagpapalit ng balahibo habang isinasalaysay ang mga
pinagdaanang hirap ni Don Juan hanggang pagtaksilan ng dalawang sukab na
prinsipe. Matapos ang ikapitong awit ng ibon ay tila hindi man lamang nagkaroon
ng karamdaman ang hari at bigla itong nakatayo. Sa labis na kagalakan ay
niyakap si Don Juan at hinagkan pati ang ibon. Tinipon niya ang mga kagawad ng
palasyo upang hatulan na ipatapon sina Don Pedro at Don Diego bilang
kaparusahan. Nahabag si Don Juan sa mga kapatid kaya agad lumuhod sa harap ng
ama. Inihingi niya ng kapatawaran ang dalawang kapatid. Lumambot ang puso ng
hari dahil sa kababaang loob ng kanyang bunso. Pinatawad ng hari ang dalawang
prinsipe sa pangakong hindi na mauulit ang kataksilang iyon sapagkat sa susunod
ay kamatayan na ang magiging kapalit. Labis ang kagalakang niyakap ni Don Juan
ang dalawang kapatid. Nagbalik ang kasiyahan sa buong palasyo dahil sa tuluyang
paggaling ng hari na naging aliwan ang pag-awit ng Ibong Adarna.
ARALIN 12
IBONG ADARNA
Ang Muling Kapahamakan
ni Don Juan
Labis na nalugod ang hari sa Ibong Adarna. Gabi-gabi nitong dinadalaw ang
mahiwagang ibon sa hawla. Maging ang reyna ay nakadama ng panibugho dahil sa
labis na kaluguran ng hari sa ibon. Upang hindi na mawalay ang ibon ay nagpasya
ang hari na pabantayan ito sa mga anak. Nagbilin ang hari na mananagot sa kanya
ang sinumang magpabaya sa tatlo. Halinhinan ang tatlong prinsipe sa
pagbabantay. Ikinainis ni Don Pedro na naging tagapagbantay lamang siya ng ibon
gayong isa siyang prinsipe. Si Don Diego ay madalas antukin at naiinip sa bagal
ng oras habang nagbabantay. Kinakausap naman ni Don Juan ang Ibong Adarna sa
tuwing siya ang tagapagbantay upang hindi dalawin ng antok. Muling nagplano ng
kataksilan sina Don Pedro at Don Diego. May pag-aalinlangan si Don Diego subalit
nangako si Don Pedro na ito ang magiging kanang kamay sakaling siya na ang
maging hari. Sa dalawang magkasunod na iskedyul ng pagbabantay sa Ibong Adarna
ay nakatulog si Don Juan sa labis na pagod at puyat. Hindi niya namalayan nang
pakawalan nina Don Pedro at Don Diego ang Ibong Adarna.
Hindi pa man
nagliliwanag ay nagpasya nang lumisan si Don Juan sapagkat nabatid na niya ang
naging pagkakamali at kailangan niyang magtago. Sa paggising ng hari sa umagang
iyon ay agad nagtungo sa silid na kinaroroonan ng Ibong Adarna. Laking
panggigilalas niya nang malamang wala ang ibon sa hawla. Agad ipinatawag ng
hari ang tatlong anak subalit dalawa lamang ang humarap. Muling humabi ng
kasinungalingan ang dalawang buhong na prinsipe subalit hindi agad sila
pinaniwalaan ng hari. Ipinahanap ng hari ang bunsong anak ngunit hindi na ito
natagpuan sa loob ng palasyo. Sinabi nina Don Diego at Don Pedro na nagtaksil
si Don Juan at kanilang hahanapin upang iharap sa ama para mapatawan ng parusa.
Umalis ang dalawa upang hanapin ang nagtatagong si Don Juan. Nilakbay nila ang
bukid, burol at bundok subalit hindi nila natagpuan ang bunsong kapatid.
Hanggang sa narrating nila ang kabundukan ng Armenya kung saan naroon si Don
Juan.
ARALIN 13
IBONG ADARNA
IBONG ADARNA
Sa Bundok Armenya
Isang paraiso sa kagandahan ang
kabundukan ng Armenya. Napakaganda ng paligid. Maraming hayop at mga pananim
dito gaya ng mga puno at bungang kahoy. Napakarami ring ibon dito gaya ng maya,
pugo at kalaw, may pandanggo at kumintang, may mga limbas, uwak at lawin.
Napakalinaw ng tubig sa batis at napakaraming suso na nakakapit sa mga batuhan.
Walang magugutom sa pook na iyon dahil sa mayamang kalikasan. Doon na nanirahan
si Don Juan upang pagtakpan at huwag maparusahan ang tunay na maysala sa
pagkawala ng Ibong Adarna. Nahihiya si Don Diego na humarap kay Don Juan dahil
sa nagawa na namang pagkakasala subalit dahil sa panunulsol ni Don Pedro ay
nagpasya silang manirahan na rin doon kasama ni Don Juan. Hindi naman nagawang
tumanggi ni Don Juan dahil sa pagmamahal sa mga kapatid. Isang magandang bahay
na gawa sa kahoy ang naging tahanan ng tatlong prinsipe at maligaya silang
nanirahan sa Armenya. Napakaamo ng mga hayop sa kanila at tila mga panginoon
sila kung ituring. Sa paglipas ng panahon, nagpasya ang tatlo na tuklasin ang
bahagi ng kabundukan na hindai pa nila nararating. Sa katanghaliang tapat ay
naglakbay ang tatlo para maghanap ng bagong kapalaran.
ARALIN 14
IBONG ADARNA
IBONG ADARNA
Ang Mahiwagang Balon
Isang balon ang nakita ng tatlong
magkakapatid na prinsipe. Ang bunganga ng balon ay batong marmol na makinis at
ang lumot sa paligid ay mga gintong nakaukit. Mangha ang tatlong prinsipe
habang nakatingin sa napakalalim na balon gayong wala itong tubig. May lubid na
naroon upang magamit ng sinumang nais magtangkang bumaba. Naunang bumaba ng
balon si Don Pedro sapagkat siya ang panganay. Tatlumpung dipa lamang ang
nalusong ni Don Pedro sapagkat hindi niya nagawang tagalan ang labis na
kadiliman sa loob ng balon. Ang sumunod na bumaba ng balon ay si Don Diego ngunit
hindi rin niya iyon nagawang tagalan. Natulala sa takot ang pangalawang
prinsipe nang tangkaing tuklasin ang lihim ng balon. Si Don Juan ang
pinakahuling sumubok na bumaba ng balon. Bagama’t napakadilim sa loob ng balon
ay buong tapang na hinarap ni Don Juan ang malaking takot na hindi nagawang
harapin ng dalawang kapatid. Malalim na ang narating ni Don Juan at patuloy pa
rin siya sa pagbaba. Naiinip na si Don Pedro sapagkat hindi pa umaahon si Don
Juan samantalang nababahala na si Don Diego baka napahamak ang bunsong kapatid.
ARALIN 15
IBONG ADARNA
IBONG ADARNA
Ang Unang Babaeng Nagpatibok sa Puso ni Don Juan
Narating ni Don Juan ang
pinakamalalim na bahagi ng balon. Namangha siya dahil isang napakagandang
hardin ang tumambad sa kanyang paningin. Natuklasan niyang may nakatagong
paraiso sa pinakaubod ng lupain ng Armenya. Mahalaman at mabulaklak ang paligid
at humahalimuyak sa bango. May palasyo ritong kumikislap na yari sag into at
pilak. Nakita ni Don Juan ang isang babaing diyosa sa kagandahan. Pakiwari niya
ay dinadaya ng langit ang paningin kaya nakakita siya ng isang anghel. Hindi
naman makapaniwala ang prinsesang si Donya Juana na narrating ni Don Juan ang
pook na iyon. Lumuhod si Don Juan sa harapan ni Donya Juana at nagpakilalang
prinsipe ng Berbanya. Inihingi ng paumanhin ng prinsipe ang kapangahasang
makarating sa pook na iyon makita lang ang kagandahan ng prinsesa. Sumamo si
Don Juan na sana’y tanggapin ni Donya Juana ang kanyang pag-ibig. Hindi naman
siya nabigo sapagkat umibig din sa kanya ang prinsesa.
Ipinagtapat
ni Donya Juana kay Don Juan na ang bantay sa hardin ay isang malupit na higante.
Hindi nagtagal ay dumating ng higante at sinabing may naamoy na tao.
Kinilabutan ang prinsesa sa lakas ng tinig ng higante. Nakita ng higante si Don
Juan at agad hinarap ang higante. Pinagsabihan niya itong itikom ang bibig
sapagkat hindi mangyayari ang masamang balak. Walang takot na nakipaglaban si
Don Juan sa higante sa pamamagitan ng kanyang napakatalas na espada. Agad na
naigupo ng angking galling ni Don Juan sa pakikipaglaban ang higanteng
tampalasan. Ayaw lisanin ni Donya Juana ang pook na iyon na hindi kasama ang
bunsong kapatid na si Prinsesa Leonora. Hiniling nit okay Don Juan na iligtas
din ang kapatid. Muling binalaan ni Donya Juana si Don Juan sapagkat mas
mabagsik ang bantay ni Prinsesa Leonora na walang iba kundi ang serpyenteng may
pitong ulo na kahit tagpasin ay muling tumutubo at nabubuhay. Sa hindi
kalayuang palasyo matatagpuan si Prinsesa Leonora. Natagpuan ni Don Juan ang
palasyong may malaking hagdanang ginto.
ARALIN 16
IBONG ADARNA
IBONG ADARNA
Si Donya Leonora at ang Serpyente
Nabigla ang namimintanang si Prinsesa
Leonora nang makita si Don Juan. Ang palamuti sa bintana ng palasyo ay mga
perlas at rubi. Higit na maningning ang kagandahan ng prinsesa kaya’t labis na
nabighani ang puso ni Don Juan. Agad tinanong ng prinsesa kung sino ang
pangahas na dumating at noon din ay inutusan si Don Juan na lisanin ang pook na
iyon. Batid ng prinsesa na hindi magtatagal ay darating na ang serpyenteng
bantay ng palasyo. Nakiusap at nagmakaawa si Don Juan na siya’y kupkupin ng
prinsesa sapagkat tunay na nabihag ang kanyang puso. Nakalimot siya sa
naghihintay na prinsesang si Donya Juana. Dahil sa matatamis na salita ay
lumambot ang puso ni Prinsesa Leonora at pinapanhik si Don Juan sa loob ng
palasyo. Agad inalam ni Prinsesa Leonora kung paano natagpuan ng prinsipe ang
pook na iyon. Ipinagtapat ni Don Juan ang nagin mga pagdurusa at pagsisikap
upang matuklasan ang hiwaga ng balon. Nangako ng tapat na pag-ibig si Don Juan
kay Prinsesa Leoonora bagama’t nangangamba ang prinsesa nab aka maglilo sa pangako
ang prinsipe. Hanggang sa naramdaman nilang yumayanig na ang buong paligid.
Gumapang ang ahas paakyat ng
hagdanan. Agad hinarap ni Don Juan ang serpyente. Maliksi si Don Juan kaya’t
hindi siya nagawang lingkisin ng ahas. Tinagpas ni Don Juan ang ulo ng
serpyente ngunit muling tumuboiyon at nabuhay. Nakaramdam ng pagod si Don Juan at
sa gitna ng pakikipaglaban ay hindi niya nakalimutang manalangin. Nanumbalik
ang kanyang sigla at higit na naging matapang. Tatlong oras ang itinagal ng
kanilang labanan hanggang sa mapagod ang serpyente. Inihagis ni Prinsesa
Leonora kay Don Juan ang mabagsik ang balsamo upang ilagay sa bawat ulong
matatagpas. Lalong nagalit ang serpyente at muling hinalihaw si Don Juan. Agad
namang nakaiwas sa tiyak na kamatayan ang prinsipe. Muling umigkas ang espada
ng matapang na prinsipe hanggang sa natagpas ang pinakahuling ulo ng ahas.
Hindi na iyon tumubo makaraang lagyan ng balsam. Naiakyat sa itaas ng balon ang
dalawang prinsesa. Nalaman ng dalawang kapatid ni Don Juan ang pagpaslang niya
sa higante at ahas upang mailigtas ang dalawa. Muling nanaig ang inggit kay Don
Pedro lalo pa at nabighani ito ng kagandahan ni Prinsesa Leonora.
ARALIN 17
IBONG ADARNA
IBONG ADARNA
Ang Muling Pagtataksil kay Don Juan
Naiwanan ni
Prinsesa Leonora ang singsing na diyamante sa pamana ng ina. Ang kanyang lobo
lamang ang naisama. Nagpasya si Don Juan na balikan iyon kahit tutol ang
prinsesa. Bumaba sa malalim na balon si Don Juan ngunit pinutol ni Don Pedro
ang lubid. Hinimatay si Prinsesa Leonora dahil sa kataksilang iyon at nang
matauhan ay nasa bisig na siya ng prinsipeng sukab. Ipinangako ni Don Pedro na
magiging reyna ng Berbanya si Prinsesa Leonora.
ARALIN 18
IBONG ADARNA
IBONG ADARNA
Ang Kahilingan ni Donya Leonora sa Hari ng Berbanya
Pinakawalan ng prinsesa ang lobong
engkantada at inutusang iligtas si Don Juan. Nanaginip si Haring Fernando na
ang bunsong si Don Juan ay muli na namang pinagtaksilan. Ibinalita ng ministro
ang pagdating ng mga prinsipe. Nakaluhod si Don Pedro at Don Diego kasama ang
dalawang prinsesa nang datnan ng hari. Sinabi di Don Pedro na hindi nila
natagpuan si Don Juan at sa halip ay ang dalawang prinsesa ang kanilang
nailigtas sa kamay ng higante at serpyente. Hiniling ni Don Pedro na silang
apat ay maikasal sa lalong medaling panahon. Hiniling naman ni Prinsesa Leonora
sa hari na siya ay ipakasal pagkaraan ng pitong taon sapagkat siya ay may
panata. Suman-ayon ang hari at itinakda ang kasal nina Donya Juana at Don
Diego. Nagkaroon ng siyam na araw ng pagsasaya sa kaharian.
ARALIN 19
IBONG ADARNA
IBONG ADARNA
Ang Habilin sa Mahiwagang Lobo
Inabutan ng engkantadang lobo si Don
Juan na duguan at lamog ang katawan. Mabilis na kumilos ang lobo upang kumuha
ng tatlong bote at agad na nagtungo sa Ilog Jordan. Bagama’t may mahigpit na
tagapagbantay ang ilog ay nagawa itong linlangin ng lobo upang malagyan ng
tubig ang tatlong bote. Natuklasan iyon ng bantay at hinabol ang lobo. Tumalon
ang lobo sa bangin ng isang burol upang hindi masukol. Nakabalik ang lobo at
agad ipinahid ang tubig sa buong katawan ni Don Juan. Nanumbalik agad ang lakas
ng prinsipe at nabahaw ang mga sugat. Nilapitan
niya ang lobo at niyakap. Para namang bata ang lobo na kumandong nang
buong tuwa kay Don Juan. Nagbalik sila ng palasyo upang kunin ang diyamanteng
singsing ni Prinsesa Leonora. Naghintay lamang sa labas ng palasyo ang lobo. Sa
tulong din ng lobo ay medaling nakaahon ng balon si Don Juan. Agad na ring
nagpaalam ang lobo at iniwanan na si Don Juan na maglalakbay pa sa liblib ng
kabundukan. Pabalik na ng Berbanya si Don Juan ngunit siya’y napagod. Natagpuan
niya ang isang punongkahoy na mayabong at doon siya ay nagpahinga.
ARALIN 20
IBONG ADARNA
IBONG ADARNA
Ang Payo ng Ibong Adarna kay Don Juan
Umawit ang Ibong Adarna upang
gisingin si Don Juan. Nagising ang prinsipe at laking tuwa niya nang makita ang
ibon na nakadapo sa sanga. Sa
pamamagitan ng awit ay nagsalaysay ang ibon kay Don Juan. Nalaman niyang kaya
umalis ang ibon ay nais lamang siyang iligtas nito sa isang pasakit. Ang tunay
na pakay nina Don Pedro at Don Diego ay patayin silang dalawa. Inutusan ng
Ibong Adarna na maglakbay si Don Juan patungo sa isang napakalayong reyno na
isang napakagandang kaharian sa dakong silangan. Anang mahiwagang ibon, doon ay
matatagpuan ng prinsipe ang tatlong magkakapatid na prinsesa na sina Isabel,
Juana at Maria Blanca. Ang tatlo ay mga mutyang anak ni Haring Salermo, isang
haring ubod ng tuso at talino. Sinabi ng ibon kay Don Juan na si Maria Blanca
ang piliin sa tatlong prinsesa sapagkat ang ganda nito ay walang kaparis. Sa
payo ng Ibong Adarna, naglakbay si Don Juan upang hanapin ang Reyno de los
Cristales. Samantala, sa palasyo ng Berbanyaay patuloy na tumatangis si
Prinsesa Leonora. Ayaw mawala ang pag-aalala ng prinsesa nab aka hindi
nailigtas ng lobong engkantada si Don Juan. Umaasa siyang sana ay dalawin kahit
ng kaluluwa ng prinsipeng pinakaiibig.
ARALIN 21
IBONG ADARNA
IBONG ADARNA
Ang Panaghoy ni Donya
Leonora
Patuloy sa
pagtangis si Prinsesa Leonora habang
naghahanap si Don Juan ng ibang kapalaran. Madalas siyang puntahan ni
Don Pedro sa kanyang silid ngunit tuwing malalaman na hindi iyon si Don Juan ay
ayaw niya itong pagbuksan. Inaalo siya ni Don Pedro pero wala itong magawa
kundi ang magngitngit ang kalooban. Ang pangalan pa rin ni Don Juan ang
tinatawag ng prinsesa. Nagbabanta ang kalooban ni Don Pedro na kung mabibigo
kay Prinsesa Leonora ay may mangyayaring masama. Hiniling ni Don Pedro sa
prinsesa na limutin na si Don Juan sapagkat hindi na ito magbabalik at malaon
nang patay. Sa kabila ng lahat ay si Don Juan pa rin ang nasa isip ni Prinsesa
Leonora. Tatlong taon na siyang naghihintay at nagtitiis subalit hindi niya
maatim na magpakasal kay Don Pedro. Patuloy sa kanyang pananambitan ang
prinsesa. Pinagtatakhan niya ng labis na kung hindi nakaligtas si Don Juan,
bakit hindi na nagbalik ang engkantadang lobo sa kanya?
ARALIN 22
IBONG ADARNA
IBONG ADARNA
Ang Paglalakbay ni Don
Juan
Sa loob ng tatlong taon ay naglakad
sa parang at mga gubat si Don Juan. Sa halip na matagpuan ang Reyno delos
Cristales ay lalo siyang naligaw at napalayo. Natagpuan niya ang isang matanda
sa paglalakbay. Siya ay gutom na gutom at nanghingi ng limos. Binigyan siya ng
matanda ng tinapay na durog at bukbukin sa itim. Dahil sa matinding gutom ay
kinain niya iyon. Laking pagtataka ni Don Juan dahil napakalinamnam ng tinapay.
Binigyan din siya ng matanda ng pulot-pukyutan at inabutan ng inumin sa
bumbong. Sa labis na kauhawanay hiningi niya ang pahintulot ng matanda para
ubusin ang inumin. Laking pagtataka niya sapagkat hindi nabawasan ang lamang
tubig ng bumbong. Isa na namang talinghaga ng mundo ang kanyang nasaksihan.
Nanumbalik ang lakas at sigla ni Don Juan. Nalaman ng matanda na hinahanap niya
ang daan patungong Reyno delos Cristales. Napamulagat ang matanda. Isang daang
taon na raw ito sa baying iyon ngunit hindi nito alam ang daang hinahanap ni
Don Juan. Pinapunta siya ng matanda sa ikapitong bundok upang hanapin ang isang
ermitanyo. Binigyan siya nito ng kapirasong baro upang marapatin siyang
paglingkuran ng ermitanyo. Sabihin lamang daw ni Don Juan na mula iyon sa isang
matandang sugatan.
ARALIN 23
IBONG ADARNA
IBONG ADARNA
Sa Dulo ng Paghihirap
Samantala ay patuloy na
naglalakbay sa mga bundok at kaparangan si Don Juan. Inabot siya ng limang
buwang paglalakad. Pitong bundok ang kanyang binagtas, pitong dusa’t pitong
hirap hanggang sa marating niya ang dampa ng ermitanyo. Natagpuan ni Don Juan sa
ikapitong bundok ang ermitanyong hanggang baywang ang balbas. Nagalit ang
ermitanyo dahil nabulabog ang katahimikan nito. Ibinigay ni Don Juan ang
kapirasong baron a galling sa matandang nagpalimos ng pagkain at inumin sa
kanya. Nanangis ang ermitanyo. Tinawag ang Panginoong Jesus at sinabing
diyata’t ipinadala ang piraso ng baro. Nalaman ng ermitanyo ang pakay ng
prinsipe ngunit sa loob ng limang daang taong paninirahan ay hindi nito
nababatid ang Reyno delos Cristales. Pinatugtog ng ermitanyo ang kampana na
nasa pintuan at nagdatingan ang mga hayop sa Armenya ngunit walang nakakabatid
ng kinaroroonan ng reyno. Ibinigay ng ermitanyo ang piraso ng bar okay Don Juan
at inutusan ang olikornyo na ihatid ang prinsipe sa bahay ng kapatid nito.
Sumakay si Don Juan sa likod ng ibon. Natagpuan ni Don Juan ang ermitanyong ang
balbas ay nakasayad na sa lupa. Nagalit ang ermitanyo sa pangahas na dumating.
Ibinigay ni Don Juan ang ipinadalang baron g pinanggalingang ermitanyo.
Nanangis ang ermitanyong kaharap at tinawag ang Panginoong Diyos. Nalaman ng
ermitanyo ang sadya ni Don Juan ngunit sa loob ng walong daang taong
paninirahan nito sa lugar na iyon ay hindi nito nababatid ang tungkol sa
hinahanap na kaharian. Pinatugtog na ermitanyo ang kampana na nasa pintuan. Nagdatingan
ang laksa-laksang ibon at nagsihanay ang mga ito ayon sa kanilang laki. Isa man
sa mga ito ay walang nakaabot sa napakalayong lupain.
Pagkaraan ng ilang sandal ay dumating
ang higanteng agila na pagod na pagod. Nagalit ang ermitanyo sa agila.
Kabilin-bilinan ng ermitanyo na sa oras na marinig ang kampana ay kailangang
umuwi agad ang mga ibon. Humingi ng tawad ang agila sa panginoon. Sinabi ng
agila na napakalayong lugar ang pinanggalingan nito kaya kahit napakabilis nang
paglipad ay nahuli pa rin ng dating. Nanggaling ang agila sa lupian ng Reyno
delos Cristales. Ikinuwento ng agila kung gaano karikit ang kahariang nais
marating ni Don Juan. Ang peras ay tunay na malinamnam. Tuwang-tuwa si Don Juan
sapagkat sa wakas ay mararating na niya ang reynong matagal nang
hinahanap.Inutusan ng ermitanyo ang agila na dalhin si Don Juan sa Reyno delos
Cristales. Sinabi ng agila na mararating nila ang banyo ni Maria Blanca sa loob
ng isang buwang paglipad. Pinasamahan sila ng ermitanyo sa laksa-laksang ibon
na tagadala ng tatlong daang duruan, limang libong baling na pagkain at tubig
na maiinom sa paglalakbay. Sumakay na ang prinsipe sa likuran ng higanteng
agila at tumungo na sila sa Dakong Silangan. Lumipad ng napakataas ang agila at
tumambad sa paningin ni Don Juan ang napakalawak na langit at dagat na kanilang
lalakbayin.
ARALIN 24
IBONG ADARNA
IBONG ADARNA
Si Don Juan sa Reyno
delos Cristales
Naubos ang pagkain ng Agila sa loob ng isang buwang paglalakbay. Hindi
huminto sa paglipad ang agila kahit isang saglit. Lumapag ang agila sa banyong
paliguan ni Maria Blanca. Bumaba na si Don Juan at pinagkubli siya ng agila sa
halamanan. Ganap na alas kuwatro ng madaling araw ay paparoon si Maria Blanca
upang maligo kasama ang dalawang kapatid na prinsesa. May kanya-kanya silang
paliguan at malalaman niya kung sino si Maria Blanca sapagkat ito ang
pinakamaganda. Iniutos pa ng agila na magtagong mabuti si Don Juan at hintayin
ang pagdapo ng tatlong kalapati sa puno ng peras. Nagbilin din ang agila na
tibayan ni Don Juan ang dibdib upang magtagumpay sa minimithing pag-ibig.
Naiwan si Don Juan at naghintay. Inantok siya subalit pagsapit ng alas kuwatro
ng medaling araw ay nakita niya ang tatlong kalapating dumapo sa puno at naging
himala ng kagandahan. Si Maria Blanca ang pinakamaganda at agad nabihag ang
puso ng prinsipe. Nag-alis ng damit si Maria Blanca at lalo namang nahaling si
Don Juan. Lumusong sa tubig ang prinsesa upnag maligo. Kinuha ni Don Juan ang
damit nito at pinaghahalikan. Nabigla ang prinsesa nang matuklasang nawawala
ang kanyang damit. Nagbanta si Maria Blanca na papatayin niya ang sinumang
pangahas na gumawa nito.
Naiwang mag-isa si Maria Blanca sa
paliguan sapagkat umalis na ang dalawang kapatid. Hinanap niya ang lapastangang
kumuha ng kanyang damit hanggang sa nakita niya si Don Juan. Humingi ng tawad
si Don Juan sa prinsesang inibig dahil sa taglay na kariktan. Inihanda ng
prinsipe ang sarili sa parusang igagawad ni Mara Blanca. Napawi ang galit ng
prinsesa nang makita ang maamong mukha ni Don Juan. Umibig si Maria Blanca sa
kakisigang taglay ng prinsipe. Nagpakilala si Don Juan na siya ang bunsong anak
ni Haring Fernando mula sa kaharian ng Berbanya. Binalaan ni Maria Blanca si
Don Juan na tuso at matalino si Haring Salermo. Ang mga prinsipe, duke at
kondeng nakipagsapalaran ay nadaig ng talino ng amang hari kaya ang mga ito ay
naging batong palamuti sa hardin ng palasyo. Nalaman ni Don Juan na dadaan siya
sa mabibigat na pagsubok ng hari at kakailanganin niya ang tulong ni Maria
Blanca. Sinabi ni Maria Blanca na ganap na alas singko ng hapon ay pupunta ng
hardin ang kanyang ama. Binalaan niyang huwag papasok sa loob ng palacio real
si Don Juan sakaling papasukin ito ng hari. Anang prinsesa ay tiyak na
kamatayan ang naghihintay sa loob ng palasyo. Nagpasalamat ang prinsipe at ipinakitang handa ang loob sa anumang
pagsubok na ibibigay ng hari. Anuman ang ipag-utos ng hari ay kailangang sundin
ni Don Juan. Sa gabi ay magkikita ang dalawa upang alamin ni Maria Blanc ang
unang pagsubok ng ama.
ARALIN 25
IBONG ADARNA
IBONG ADARNA
Mga Pagsubok ni Haring
Salermo
Nagising si Haring Salermo at nakita si Don Juan sa hardin. Nalaman ng
hari ang pakay ni Don Juan. Pinatuloy siya ng hari sa loob ng palasyo subalit
magalang na tumanggi ang prinsipe at naghintay nang ipag-uutos. Nagpakuha ang
hari sa utusan ng isang salop ng trigong kaaani pa lamang at ibinigay kay Don
Juan para itanim. Tuwang-tuwa ang hari nang makaalis na si Don Juan sapagkat
madadagdagan ang mga prinsipe, konde at kabalyero na naging bato. Malungkot na
nakipagkita si Don Juan kay Maria Blanca sapagkat hindi niya matutupad ang
ipinag-uutos ng hari. Pinawi ni Maria Blanca ang pag-aalala ng prinsipe.
Pinagpahinga at pinatulog niya ng mahimbing si Don Juan sa loob ng tinutuluyang
bahay. Ginamit ng prinsesa ang mahika blangka para tupdin ang utos ng hari. Malalim
na ang gabi at napatag na ni Maria Blanca ang bundok. Isinabog niya ang trigo
at iglap ding namunga. Noong oras ding iyon ay inani ni Maria Blanca ang mga
bunga para dalhin sa lutuan ng tinapay. Ang mga Intsik ang gumawa ng tinapay.
Nagalapong at namasa ng mga Intsik ang trigong inani ni Maria Blanca.
Kinabukasan ay inihain sa hari ang tinapay. Natupad ang unang kahilingan ng
hari na almusalin ang iba’t ibang hugis at makukulay na tinapay mula sa isang
supot ng trigo lamang.
ARALIN 26
IBONG ADARNA
IBONG ADARNA
Pagpapatuloy ng mga
Pagsubok
Muling ipinatawag ni Haring salermo si Don Juan upang papanhikin sa
palasyo ngunit tumanggi si Don Juan. Pinuntahan ni Haring Salermo si Don Juan
sa hardin at sila’y naglakad. Inilabas ng hari ang prasko na may lamang labindalawang
negrito. Pinakawalan ng hari ang mga negrito sa karagatan. Nais ng hari na
hulihing lahat iyon ni Don Juan at muling isilid sa prasko. Kailangang makita iyon
ng hari kinaumagahan upang makaligtas ang prinsipe sa parusang kamatayan.
Matamlay na nakipagkita si Don Juan kay Maria Blanca. Paano niya mahuhuli ang
mga negrito sa malawak na karagatan? Pinayapa ni Maria Blanca ang kalooban ni
Don Juan. Inutusan siya ni Maria Blanca na kumuha ng ilaw at pagsapit ng
ikaapat ng medaling araw na tugtog ng orasan ay nagtungo sila sa tabing dagat.
Muling ginamit ni Maria Blanca ang kapangyarihan. Nag-utos lamang ito sa mga
negritong laruan ng kanyang ama na magmadaling bumalik sa prasko kung ayaw ng
mga itong matikman ang kanyang galit. Nagmamadaling nag-ahunan sa karagatan ang
mga negrito at isa-isang pumasok sa prasko. Kinaumagahan ay dinatnan ng hari sa
mesa ang prasko na may lamang labindalawang negrito. Nagngingitngit sag alit si
Haring Salermo dahil hindi niya magawang kitlin ang buhay ni Don Juan. Nag-isip
ang hari ng mas mabigat na pagsubok.
Muling nagkita sa hardin sina Don Juan at
Haring Salermo. Sinabi ni Don Juan na tapat siya sa pangakong sundin ang utos
ng hari at ang kabiguan ay katumbas ng kanyang buhay. Nais ng hari na itapat ng
tamang-tama sa kanyang durungawang bintana ang bundok upang ang sariwang hangin
ay pumasok sa loob ng palasyo. Kailangang magawa ni Don Juan ang utos ng hari
bago sumapit ang kinabukasan. Nakipagkitang muli si Don Juan kay Maria Blanca
para sabihin ang ipinagagawa ni Haring Salermo. Pinawi ng prinsesa ang kalungkutan
ni Don Juan at sinabing siya ang gagawa noon. Madaling araw na nang maghiwalay
ang dalawa. Nagtungo sa bundok si Maria Blanca habang nagpapahinga si Don Juan.
Sa pamamagitan ng napakalakas na hangin ay pinalakad ni Maria Blanca ang bundok
palapit sa palacio real. Pagsapit ng alas kuwatro ng umaga, ang bundok ay nasa
tabi na ng bintana ni Haring Salermo. Papasikat na ang araw nang buksan ni
Haring Salermo ang bintana. Nabigla ang hari nang tumambad sa paningin ang
bundok na katabi ng bintanang dinurungawan. Hindi sukat akalain ni Haring
Salermo na magagawa ni Don Juan ang pinakamahirap na pagsubok.
Iniutos ng hari kay Don Juan na ang
bundok ay itabon sa gitna ng karagatan at tayuan ng kastilyo. Kailangang lagyan
ng gulod na may pitong hanay at may mga kanyong pananggol ng kaharian, may anim
na bateryas at bawat isa ay may kawal na nakasuot pandigma. Mula sa palasyo
real ay kailangang may lansangang lalakaran patungo sa kastilyong may nagaganap
na digmaan. Ibinigay ng hari kay Don Juan ang mga kasangkapan gaya ng palataw
at bareta, piko, kalaykay, maso at kutsara. Sa pamamagitan ng pagsubok na iyon
ay masusukat ng hari ang tayog ng kaisipan ng prinsipe. Ikawalo ng gabi ay
nagkita sina Don Juan at Maria Blanca. Pinagpahinga na lamang ang prinsipe
sapagkat si Maria Blanca na ang gagawa ng utos ng hari. Pinaandar ni Maria
Blanca ang bundok patungo sa gitna ng karagatan at ito’y naging muog na
maganda. Nagising si Haring Salermo dahil sa malalakas na putukan. Naglakad si
Haring Salermo sa lansangan patungo sa kastilyong nasa gitna ng karagatan. Ayaw
papasukin ng mga sundalo ang hari ngunit sa isang utos lamang ni Don Juan ay
agad nagpugay ang mga ito. Iniutos ng hari kay Don Juan na ipatigil na ang
putukan. Ikalima ng hapon ay muling ipinasundo ni Haring Salermo si Don Juan.
Nais ng hari na alisin na ang kastilyo at ibalik sa dati ang lahat. Sa
pamamagitan ni Maria Blanca ay natupad ang utos ng hari. Lum ubog sa ilalim ng
karagatan ang bundok at muling umahon sa dating lugar na kinalalagyan. Natupad
na naman ni Don Juan ang kahilingan ng hari.
Muling ipinatawag ni Haring Salermo si Don Juan at sinabing
sa kanilang paglalakad patungong kastilyo ay nahulog ang diyamanteng singsing
nito. Nais ng hari na hanapin ni Don Juan ang nawawalang singsing sa gitna ng
karagatan at matatagpuan ito sa ilalim ng unan. Nagkita sina Don Juan at Maria
Blanca sa banyong paliguan ganap na ikasiyam ng gabi. Ang Prinsesa ay kumuha ng
isang magandang batya, itak, sangkalan at hapag. Nagpunta sila sa dagat at
sumakay ng batya. Inutusan ni Maria Blanca si Don Juan na tadtarin siya ng
pinung-pino at ilagay sa tubig. Ipinagbilin niyang huwag hahayaang may matapon
ni kapirasong laman at hindi dapat matulog si Don Juan. Lilitaw ang kamay ni
Maria Blanca na may dalang singsing at kailangan iyong kunin ni Don Juan.
Ginawa lahat ni Don Juan ang ipinagbilin ni Maria Blanca. Naging isda ang
prinsesa at sumisid sa ilalim ng karagatan. Naghintay ang prinsipe ngunit
siya’y nakatulog. Ilang ulit na lumitaw ang kamay na may dalang singsing
subalit hindi iyon nakuha ni Don Juan. Umahon si Maria Blanca na patang-pata.
Nagalit si Maria Blanca subalit hindi magawang tiisin ang prinsipe. Sa
ikalawang pagkakataon na pagtadtad ni Don Juan kay Maria Blanca ay tumalsik ang
isang daliri ng prinsesa. Lumitaw ang kamay sa batya na may hawak na
diyamanteng singsing subalit walang hintuturo ang prinsesa. Ibinilin ni Maria
Blanca kay Don Juan nag awing pagkakakilanlan sa kanya ang kamay na kulang ng
isang daliri. Naibalik kay Haring Salermo ang nawawala nitong diyamanteng
singsing.
Muling
ipinatawag si Don Juan para muling utusan ng hari. Isang kabayong mailap at
malupit ang nais nitong paamuin ng prinsipe. Batid ni Maria Blanca na ang
kabayo ay walang iba kundi ang kanyang ama. Ang pamigil at ang renda ay ang
dalawang kapatid niya at siya ang preno. Tinuruan ni Maria Blanca ng pamamaraan
kung paano mapapaamo ang kabayo. Kapag umalma ang kabayo ay kailangang dagukan
at paluin. Kapag lumuluha na ang
nagbabagang mga mata ay saka pigilin ang preno at renda. Nagawa lahat ni
Don Juan ang mga sinabi ni Maria Blanca. Nagtagumpay ang prinsipe na mapaamo
ang kabayo. Nagkita sila ng gabing iyon at nagbilin si Maria Blanca. Tiyak dawn
a ipatatawag ng hari si Don Juan. Nakaratay ang hari sa higaan kaya’t si Don
Juan ay papapasukin sa palasyo. Maaari na raw pumasok si Don Juan sapagkat
nagwakas na ang panganib.
ARALIN 27
IBONG ADARNA
IBONG ADARNA
Ang Pagtakas nina Don Juan at Donya Maria
Kinaumagahan ay ipinatawag ni Haring Salermo si Don
Juan. Sa loob ng palasyo ay dinatnan niya ang kalihim, kasangguni, kamag-anak
at mga kawal ng hari. Lahat sila’y nakangiti kay Don Juan. Nakaratay ang hari
ngunit bakas ang kasiyahan sa mukha na labis na pinagtatakhan ng prinsipe. Anang
hari ay panahon nang ipagkaloob ang gantimpala kay Don Juan. Pinapili siya ng
hari kung sino sa tatlo niyang anak ang nais pakasalan. Dinala siya sa tatlong
silid na may butas sa pintuan at nakalitaw lamang ang hintuturo ng tatlong
prinsesa. Nilampasan ni Don Juan ang una at pangalawang silid. Pinili niya ang
ikatlong pintuan sapagkat naging palatandaan niya ang naputol na hintuturo ni
Maria Blanca. Hindi akalain ng hari na ang mapipili ni Don Juan ay ang anak na
bunso. Walang nagawa ang hari kung hindi pasamahin ang anak sa prinsipe subalit
gumawa ito ng panibagong plano. May kasulatang nagsasaad na ipapadala sa
Inglatera si Don Juan upang ang bunsong kapatid ng hari ang mapangasawa ng
prinsipe. Nagbanta ang hari na kamatayan ang kapalit sakaling hindi sumang-ayon
si Don Juan. Natuklasan ni Maria Blanca ang lihim na plano ng ama at siya’y
napaluha. Noon din ay nagpasya si Maria Blanca na tumakas sila ni Don Juan.
Inutusan ni Maria Blanca si Don Juan na kunin ang
kabayo sa ikapitong pinto subalit nagkamali ang prinsipe. Ang nakuha niya ay
ang kabayo sa ikawalong pinto. Hindi na magawang magsisihan ng magkasintahan
dahil kailangan na nilang tumakas. Umaatikabong habulan ang nangyari. Animo’y
ipu-ipo sa tulin ang bilis ng pagtakbo ng kabayo ni Haring Salermo. Gumamit ng
mahika si Maria Blanca upang hindi sila maabutan nito. Naghulog ang prinsesa ng
mga karayom na agad naging mga bakal na tinik. Ikinulong noon si Haring
Salermo. Dalawang araw na hinawan ng hari ang paligid upang maipagpatuloy ang
paghabol sa mga tumakas. Galit nag alit ang hari habang tinutugis sina Don Juan
at Maria Blanca. Inilaglag ng prinsesa ang kanyang sabon upang ang magandang
daan ay maging bundok. Naghanap ng ibang daan ang hari upang makahabol ngunit
nang malapit na silang abutan ay gumawa na naman ng panibagong mahika si Maria
Blanca. Inilaglag ng prinsesa ang kohe niyang dala at ang lupang tuyot ay
naging isang karagatan. Hindi na nakahabol ang hari subalit isinumpa si Maria
Blanca na langit na ang hahatol sa nagsuwail na anak. Isinumpa niyang
makakalimot at magtataksil si Don Juan sa pag-ibig kay Maria Blanca pagsapit
nito ng kaharian ng Berbanya. Nagkasakit ang hari sa tindi ng sama ng loob at
hindi naglaon ay namatay. Pagraan ng mahabang paglalakbay ay narrating din nina
Don Juan at Maria Blanca ang kaharian ng Berbanya.
ARALIN 28
IBONG ADARNA
IBONG ADARNA
Ang Muling Pagbabalik sa Berbanya
Ang sumpa ni Haring Salermo ay batid
ni Maria Blanca. Nagpaalam si Don Juan kay Maria Blanca na iiwanan muna ang
prinsesa s isang nayon upang humarap na mag-isa kay Don Fernando. Anang
prinsipe ay kailangang ihanda ang isang engrandeng pagsalubong sa prinsesa ng
Reyno delos Cristales. Tutol si Maria Blanca subalit iginiit ni Don Juan na
katungkulan niyang parangalan ang pagdating ng prinsesang iniibig. Mahigpit na
nagbilin si Maria Blanca na huwag titingin at lalapit sa sinumang babae sa loob
ng palasyo upang hindi makalimot sa kanilang sumpaan. Nagbalik sa kaharian ng Berbanya si Don Juan upang
hingin ang bendisyon ng amang hari. Malugod na tinanggap ni Haring Fernando ang
pagbabalik ng bunsong anak. Sa pagbabalik na iyon ni Don Juan, isang prinsesa
ang naghihintay sa kanya. Ipinagtapat ni Prinsesa Leonora sa hari na pitong
taon siyang naghintay sa pagbabalik ni Don Juan. Iglap at nakalimot si Don Juan
sa binitiwang pangako kay Maria Blanca nang makita si Prinsesa Leonora.
Natuklasan ng hari ang ginawang kataksilan ni Don Pedro. Pinaglimi ng hari ang
mga narinig at hinayaang mamili si Prinsesa Leonora ng pakakasalan sinuman kina
Don Juan at Don Pedro.
Itinakda
ng hari ang kasal nina Don Juan at Prinsesa Leonora na magaganap sa lingo ding
iyon. Nais ng hari naitakwil si Don Pedro ngunit hiniling ni Prinsesa Leonora
na kung maaari’y pagkatapos na ng kasal saka ito patawan ng parusa. Nagdiwang
ang buong kaharian para sa nalalapit na pag-iisang dibdib nina Don Juan at
Prinsesa Leonora.
ARALIN 29
IBONG ADARNA
IBONG ADARNA
Poot ng Naunsyaming Pag-ibig
Pagkaraan
ng tatlong araw ay hindi na nagbalik si Don Juan kay Maria Blanca. Natuklasan
ni Maria Blanca ang kataksilan ni Don Juan at nag-alimpuyo sag alit ang kanyang
dibdib. Habang nagdiriwang ang puso ni Don Juan ay nagdurusa naman si Maria
Blanca dahil sa kataksilan ng prinsipe. Naghanda si Maria Blanca upang
maghiganti sa araw ng kasal nina Don Juan at Prinsesa Leonora. Humiling siya sa
kanyang singsing na may mahika ng karosang ginto at nagbihis siya bilang
emperatris upang dumalo ng kasal. Ang karosang lantay na ginto ay may
labindalawang kabayo, may kasamang mga kutsero at anim na lakayo. Ang karosa
ang maghahatid kay Maria Blanca sa kaharian ng Berbanya.
Nang
matanawan ang pagdating ni Maria Blanca ay agad nag-utos ang hari na
magpatugtog ng musiko bilang pagsalubong sa emperatris. Pinigilan muna ang
kasal upang parangalan ang pagdating ng panauhing pandangal. Malugod na
tinanggap ni Haring Fernando ang pagdalo ng emperatris sa kasal nina Don Juan
at Prinsesa Leonora. Nginitian lamang ni Don Juan ang hindi nakikilalang si
Maria Blanca. Labis na pighati ang naramdaman ng prinsesa ng Reyno delos
Cristales. Sapagkat nakatuon ang pansin ni Don Juan kay Prinsesa Leonora.
Inalam ng hari kung ano ang pakay ng emperatris sa kaharian. Sinabi ni Maria
Blanca na mahalaga ang pakay sa pagdalo sa kasalang iyon. Isang laro ang nais
niyang ipakita bilang handog sa ikakasal. Minarapat ng hari ang handog na iyon
ni Maria Blanca. Umupo nang maayos si Maria Blanca at humiling ng prasko na may
tubig sa kanyang diyamanteng singsing. Lumitaw ang prasko na may nakasilid na
dalawang maliliit na ita.
Ang
dalawang ita ay mag-asawa. Humingi sila ng tugtog sa banda ng musiko upang
makapagsimula ng palabas. Sa pamamagitan ng dula-dulaan ay isinalaysay ng
negrito at negrita ang lahat ng pinagdaanang hirap ni Don Juan sa mga pagsubok
na ibinigay ni Haring Salermo. May hawak na pamalo ang negrita at hinahampas
ang negrito sa tuwing hindi maalala ang mga nangyari kina Don Juan at Maria
Blanca. Isinalaysay nila ang mga pagsubok gaya ng pagpapatag at pagtibag ng
bundok, pagtatanim at paghahango ng trigo upang gawing tinapay, paglilipat ng
bundok sa tabi ng palacio real, at pagtatayo ng kastilyo sa gitna ng karagatan.
Ipinaalala rin maging ang panghuhuli ng labindalawang negrito sa karagatan
upang isilid sa prasko at ang pagtadtad kay Maria Blanca hanggang sa tumalsik
ang daliri. Ipinaalala rin ang pagpapaamo sa isang mabagsik na kabayo at ang
naputol na hintuturo ni Maria Blanca bilang palatandaan sa pagpili ni Don Juan.
Pinapalo ng negrita ang asawang negrito sa tuwing hindi naaalala ang mga
salaysay ngunit si Don Juan ang nasasaktan.
Napansin ni Maria Blanca na sa halip
na makaalala si Don Juan ay lalo pang nawili kay Prinsesa Leonora. Ipinatigil
ni Maria Blanca ang tugtog at ipinatuloy ang pagsasalaysay upang mapako ang
atensiyon ng prinsipe. Isinalaysay ng negrita kung paano nakatakas sina Don
Juan at Maria Blanca kay Haring Salermo. Ang una’y nang gawing malalaking bakal
na tinik ni Mariaa Blanca ang mga karayom, sumunod ay ang sabon na ginawang
bundok at ang huli’y ang koheng ginawang karagatan. Walang nagawa si Haring
Salermo kundi ang manangis sapagkat hindi na nabawi ang anak. Isinumpa na
lamang ng hari ang prinsesa. Inilahad din ng negrita na noong sumapit na sila
sa Berbanya ay nagpasya si Don Juan na iwanan muna sa isan bahay ng pastol si
Maria Blanca. Mag-isang tumungo si Don Juan upang ihanda ang marangal na pagsalubong
sa prinsesa. Nagbilin si Maria Blanca na huwag titingin kaninumang babae si Don
Juan upang hindi makalimot sa kanilang sumpaan subalit pagkaraan ng tatlong
araw ay hindi na nagbalik ang prinsipe. Wal pa ring maalala ang negrito sa mga
sinasabi ng negrita kaya’t muli itong pinaghahampas. Muling nasaktan si Don
Juan subalit balewala ito sa prinsipe. Tanging si Prinsesa Leonora ang nanatili
sa puso ni Don Juan. Naglahong parang bula ang mga negrito’t negrita. Tinitigan
ni Maria Blanca si Don Juan at natiyak
na ganap na ngang nakalimot ang prinsipe. Hinagkan ni Maria Blanca ang prasko
at bumulong. Babasagin na niya ang prasko upang gunawin ang buong reyno.
ARALIN 30
IBONG ADARNA
IBONG ADARNA
Ang Pagwawakas
Iglap
at nagbalik ang lahat ng alaala ni Don Juan. Humingi siya ng tawad kay Maria
Blanca at nangakong hindi na mauulit ang nagawang paglimot. Noon nalaman ni
Haring Fernando ang tunay na pangyayari. Ang pamumuhay ng tatlong prinsipe sa
Armenya, ang pagliligtas ni Don Juan sa dalawang prinsesa sa balon, ang
pagtataksil nina Don Pedro at Don Diego, at ang pagliligtas ng engkantadang
lobo kay Don Juan. Nalaman din ng hari ang naging paglalakbay ni Don Juan
patungong Reyno delos Cristales at ang mga pagsubok na pinagdaanan kay Haring
Salermo. Nagulumihanan si Haring Fernando kung ano ang nararapat na gawin.
Hindi batid ng hari kung kanino dapat ipakasal si Don Juan kaya humingi ng
tulong sa Arsobispo. Nagpasya ang Arsobispo na kung sino ang nauna’y siya ang higit
na may karapatan kay Don Juan. Nagdamdam si Maria Blanca sa naging hatol at
labis siyang nagngitngit. Ibinuhos niya ang lamang tubig ng prasko at
nagsimulang bumaha sa palasyo. Nagkagulo ang mga tao. Nakiusap si Don Juan na
pahintuin ang pagbaha at nangakong hindi sila magkakahiwalay ni Maria Blanca.
Nagmakaawa si Don Juan sa amang hari at sa Arsobispo. Ipinagtapat ni Don Juan
na si Maria Blanca ang tunay na iniibig. Humingi siya ng tawad kay Prinsesa
Leonora at hiniling na tanggapin ang pag-ibig ni Don Pedro. Noon din ay nais ni
Don Juan na ikasal na sila ni Maria Blanca.
Naging makatuwiran si Haring
Fernando sa paglilimi ng katotohanan at kung ano ang nararapat. Nagpasya ang
hari na ipakasal sina Don Juan at Maria Blanca. Walang nagawa si Prinsesa
Leonora kung hindi tanggapin ang kapasyahan ng hari. Ipinahayag rin ni Haring
Fernando na nais nang isalin ang korona kay Don Juan. Sinabi ni Maria Blanca na
ipagkaloob na kay Don Pedro ang korona ng Berbanya sapagkat ang Reyno delos
Cristales ang kahariang pamumunuan ni Don Juan. Isinalin ng Arsobispo ang
korona kay Don Pedro bilang hari at si Prinsesa Leonora ang magiging reyna ng
Berbanya. Matapos ang kasal nina Don Juan at Maria Blanca ay nagpaalam na sila
upang magbalik sa Reyno delos Cristales.
Laking
pagtataka ni Don Juan sapagkat ang napakalayong lupain ng Reyno delos Cristales
ay narrating nila sa loob ng isang oras. Malaon nang namayapa si Haring Salermo
at ang mga kapatid ni Maria Blanca. Dinatnan nilang ang kaharia’y nasa ibang
pamunuan. Sa kabila nito’y wala namang kahulugang naganap at nanatili ang
kapayapaan ng reyno. Malugod nilang tinanggap ang pagbabalik ni Maria Blanca
bilang bagong reyna. Ang mga binalot ng sumpa at naengkanto ng kapangyarihan ni
Haring Salermo ay nagsilaya na. Ang mga batong prinsipe, konde at duke sa
hardin ay naging tao muli. Nagkaroon ng isang malaking piging kasama ang
panalangin para sa mga magulang at kapatid ni Maria Blanca na patungan ng
korona si Don Juan bilang bagong hari ng Reyno delos Cristales. Nagdiwang ang
buong kaharian at malugod na tinaggap ang kanilang bagong hari at reyna. Siyam
na araw na nagkaroon ng pista at araw-gabi na walang patid ang musika. Ang
Reyno delos Cristales ay lalong napaunlad ng hari’t reyna dahil sa kanilang
matapat na pamamalakad. Walang sinumang naghirap at ang bawat tahanan ay naging
pugad ng pag-ibig.
IBONG ADARNA
Mahahalagang Tauhan ng Ibong Adarna
Ibong
Adarna
Ang ibong ito may mala-engkanto, maganda ang tinig, nakatira sa
punungkahoy na Piedras Platas n nasa bundok ng Tabor.
Haring Fernando
Marangal na hari ng Kahariang Berbanya, mahal at iginagalang
siya ng kanyang mga nasasakupan sapagkat pantay siyang tumingin sa mayaman at
dukha.
Reyna Valeriana
Ang kabiyak ni Haring Fernando, walang katulad sa ganda at
uliran siya sa kabaitan.
Don Pedro
Panganay na anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana, siya
ang unang nakipagsapalarang hanapin ang Ibong Adarna na ang awit ay lunas sa
amang may sakit.
Don Diego
Ikalawang anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana na
ikalawang nakipagsapalaran sa paghanap sa Ibong Adarna.
Don Juan
Makisig at mabait na bunsong anak nina haring Fernando at Donya
Valeriana, naging mapalad siya na mahuli ang Ibong Adarna.
Prinsesa Juana
Isang marilag na prinsesa ng Kahariang Armenya, nailigtas siya
ni Don Juan sa higanteng bumihag sa kanya.
Prinsesa
Leonora
Nakababatang kapatid siya ni Donya Juana, magandang dilag na
nailigtas ni Don Juan sa mapanganib na Serpiyenteng bumihag sa kanya.
Haring Salermo
Makapangyarihan hari ng Kahariang delos Cristal, malupit sa
sinumang lalaking umibig at humingi ng kamay ng bunsong anak niyang prinsesa.
Donya Maria Blanca
Bunsong anak na prinsesa ni Haring Salermo, pinakamaganda sa
tatlong anak ng hari. May taglay siyang mahika blanka, tapa tang pag-ibig niya
kay Don Juan.
Donya
Isabel
Kapatid ni Donya Maria Blanca, siya’y ikalawang anak na
prinsesa ni Haring Solermo.
Donya Juana
Isa pang kapatid ni Donya Maria Blanca, anak din siya ni Haring
Solermo.
Matandang Leproso
Ibinigay ni Don Juan sa matandang leproso ang natitirang baong
isang tinapay. Isa siya sa mga nakatulong sa prinsipe.
Unang Ermitanyo
Siya ang nagtagubilin kay Don Juan kung paano huhulihin ang
Ibong Adarna at nagbigay sa prinisipe ng sintas na gintong lantay na pantali sa
ibon. Siya rin ang nagturo kay Don Juan kung paano muling magiging tao ang
dalawa niyang kapatid na naging bato.
Ikalawang Ermitanyo
Siya ang nagbigay ng tinapay na durog at bukbukin pa kay Don
Juan ngunit nang kainin ito ng prinsipe ay napakasarap na pumawi ng kanyang
kagutuman. Pinainom din siya ng matanda ng pulot gayundin ng tubig na pumawi sa
kanyang uhaw.
Ikatlong Ermitanyo
Siya ang tumulong at gumamot kay Don Juan sa pambubugbog ng
dalawang kapatid na sina Don Pedro at Don Diego nang dahil sa hangain ng dalawa
na maangkin ang tagumpay sa paghuli sa Ibong Adarna.
Arsobispo
Siya ang nagbigay ng hatol sa dapat makasal si Don Juan kay
Donya Leonora sapagkat ito ang unang katipan.
Ang Higante
Siya ang bumihag kay Donya Juana sa Kaharian ng Armenya.
Ang Serpyente
Ang Serpiyente ay isang ahas na may pitong ulo na nag babantay
kay Donya Leonora.
Ang Lobo
Ito ang alaga ni Donya Leonora na gumamot kay Don Juan nang
patirin ni Don Pedro ang lubid na nakatali rito nang lumusong sa balon. Naganap
ang pangyayari sa Kaharian ng Armenya.
Download Full Files Here!
IBONG ADARNA BUOD